NAPAHINGA NG MALALIM si Maxine nang matapos ang oras ng klase niya kay Ms. Joana. Aaminin niya, talagang napagod siya. Hindi ang katawan niya kundi ang utak niya ang talagang napagod at pakiramdam niya ay parang sasabog na ito. Dalawang linggo na siyang nag-aaral at lagi siya sa library ng palasyo. Sa dalawang linggo na nakalipas ay marami naman na siyang natutunan. Natutuwa naman siya dahil mabilis siyang matuto. Itinuturo ng mga tutor niya sa kanya ang mga kailangan niyang malaman at matutunan. Luna Queen Avery, tinuturuan siya ng nito tungkol sa mga etiquette ng palasyo, kung paano niya idala ang ang kanyang sarili. Sinabi rin nito kung ano ang mate. Kung gaano ito kahalaga sa mga lobo. And she is Zeus's Mate. Si Cassy, dahil mahilig ito sa fashion ay ito ang n