In-off ko ang phone ko nang marinig ko ang pagtikhim ni Stella. Katatapos ko lang basahin ang mensahe na natanggap ko habang hinihintay ko ang dalawa. "K-eiro, magpapaliwanag ako." Maluha-luha na agad ang babae samantalang tinitigan ko pa lang ito nang matiim. "Tapos na tayo, Stella." "N-o, don't do this to me. Parang awa mo na, Keiro. Ikaw na lang ang mayroon ako. H-uwag mo naman akong iwan. Mahal na mahal kita, Uno. Parang awa mo na." Luhaang lumuhod ito. Akmang hahawakan ako pero umatras ako. "Mahal mo ako, 'di ba? Huwag mo namang gawin sa akin ito, Uno." "Ano ang huwag gawin sa 'yo, Stella?" "Ang iwan ako, Keiro! Huwag mong gawin sa akin dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung iwan mo ako. Nangako ka kay Janna, 'di ba? Pati sa auntie at uncle ko ay nangako ka. H-uwag mo a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books