Chapter 2

1764 Words
Chapter 2 Shallanie's POV Ilang segundo pa bago ako muling nakakuha ng lakas para makahakbang at pumasok na sa loob ng campus. Malaki ang Princeton. Ngunit kahit sobrang laki nito ay mabilis ko siyang nakita. Nakaupo siya sa isang round concrete bench kasama ang ilang kabataang lalaki na sa tingin ko ay mga barkada niya. Masaya silang natatawanan at nagkukwentuhan. Hanggang sa nagtama ang paningin namin at sinuklay niya ang sariling buhok gamit ang kanyang kamay. Nawala rin ang kanyang mga ngiti. "Hi, ma'am. May kailangan po kayo?" tanong ng isa sa mga kasama niya nang mapansin na nakatingin ako sa grupo nila. "Tulungan ko na po kayo riyan, ma'am," sabi pa nu'ng isa at kinuha ang bitbit ko. Iginiya pa niya ako sa pwesto nila. Sa tatlong taon ko na ko na pagtuturo ay kaya ko nang malaman kung matino ang isang estudyante o may tinatago rin itong kalokohan. At base sa hitsura pa lang ng mga 'to, pasaway ang mga 'to. Hindi naman na iyon nakakabigla pa dahil ang estudyante nakasabay ko kanina sa bus ang nagpapatunay. The classic saying 'Tell me who your friends are and I'll tell you who you are' is applicable to them. Nilingon ko ang estudyanteng nakasabay ko sa bus at tahimik lang siyang nakaupo habang nakade-kwatro pa. Pinapasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at tila hinuhubaran ako ng tingin. Why is he looking at me this way anyway? Hindi ba niya alam na isa akong guro dito? Naka-uniform naman ako ng uniform ng mga nagtuturo dito sa Princeton High. "Salamat na lang. But I just want to know kung nasaan ang principal's office?" tanong ko na lang at binawi ang mga gamit ko roon sa isa na nag-abala pa na mag-offer. But of course, I turned down his offer nicely. Unang araw ko rito sa eskwelahan na 'to at ayoko naman na magkaroon agad ako ng problema sa mga estudyante rito. "Sasamahan ko na lang po—" "Andrew..." awat nu'ng estudyante sa bus at umiling ito sa lalaking tinawag na Andrew. "What, Clint?" natatawang tanong ni Andrew. So, Clint is his name? Noted! "Pupunta rin naman ako sa principal's office. Ako na ang maghahatid sa kanya," sabi ni Clint na nakapagpalakas ng t***k ng dibdib ko. Alam ko na hindi magandang idea kung sa kanya ako magpapasama pero hindi ko naman alam kung paano siya tatanggihan. Pakiramdam ko ay nagbabara ang lalamunan ko. "H-hindi na. Ipagtatanong ko na lang kung—" Pinutol ko ang sarili ko dahil tumayo na si Clint na tila ba hindi halata sa tono ko na tinatanggihan ko siya at nagawa pa niya na lumapit sa akin. Bigla na lang din nyiang kinuha ang gamit ko at nauna na sa paglalakad. He know chivalry? O isa lamang mockery ang ginawa niyang 'to? Tumakbo ako upang makasabay sa paglalakad nya. "Y-you didn't tell me na dito ka nag-aaral," lakas loob kong sabi habang naglalakad kami sa hallway. "Should I, baby?" sarkatiko niyang sabi nang hindi man lang ako nililingon. But his 'baby' makes me shiver. "Of course, we just had—" Kusa akong napatigil at nahihiyang ipagpatuloy ang sasabihin ko. "We just had what? Tss. Parang s*x lang, hirap na hirap kang bigkasin," he taunts me and I hate it. "Mga kabataan talaga ngayon..." naiiling kong sabi. "Kung maka-kabataan ka, parang napakalaki ng tanda mo sa akin," sabi pa niya sa akin na tila ba hindi matanggap ang sinabi ko samantalang iyon naman ang katotohanan. "I'm twenty five," pagmamalaki ko sa kanya nang sa ganu'n ay magkaroon ng paggalang sa pakikipag-usap niya sa akin dahil kung kausapin niya ako ay parang hindi ako isang guro sa paningin niya. "I'm 18..." sabi pa niya na may halo ring pagmamalaki. He think eighteen is old enough? "See? Mas maaga ako nang 12 years. I have more experience--" "Wrong..." naiiling naman niyang sabi na tila naaawa sa akin. "I have more experience than you. You're experience-less anywa," patuloy niya. I wasn't born yesterday para hindi ma-gets ang sinabi niya. "Ano bang--" "Look..." Huminto siya sa paglalakad nang nasa hagdan na kami. Nauna ako sa kanya nang isang baitang kaya halos magka-level na ang mukha namin. "Ang nilamang mo lang ay mas una kang pinanganak," sabi niya at napakunot ang noo ko. "And?" taas-kilay kong tanong. "Hindi naman na ganu'n ka-primitive ang generation mo, but why are you still a virgin? I mean, paano kung hanggang twenty six ka lang pala? You'll die virgin?" sabi niya nang muli kaming magpatuloy sa paglalakad. "Maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang taon," sabi ko na iba ang dating maging sa pandinig ko. "So, open ka sa mga possibilities?" seryosong tanong niya nang huminto kami sa tapat ng isang pinto. Natawa ako bago muling nagsalita. "No. I won't do it for pure pleasure." Maging siya ay natawa rin. "You won't do it without love?" "Never will. So kung hanggang twenty six lang ako, never ko na mararanasan 'yan," sabi ko at hinawakan ko na ang doorknob na sa tingin ko'y principal's office na. Pero bago ko pa man mapihit ang doorknob ay ipinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nakahawak dito upang pigilan ako sa pagpihit nito. "Sa iyo na mismo nanggaling...maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang taon. What if...what if you'll fall in love in a year?" Gusto kong matawa sa sinabi niya ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil baka marinig ng principal sa loob kung sakali man na nandoon na nga siya. "Masyadong mabilis ang one year process of falling in love," natatawa kong sabi. Nagkibit balikat siya at nanatiling seryoso ang mukha niya. "Wrong again. 'Cause I fell in love in just a bus ride that lasted for just an hour," kaswal niyang sabi at tila na-drain ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil ramdam kong namumutla na ako. Ibinuka ko ang labi ko para sana magsalita pero hindi ko na nahanap pa ang sarili kong boses. Siya na ang nagpihit ng doorknob at marahan itong itinulak. Hindi man lang kumatok. Bago niya ako hinayaang pumasok sa loob ng principal's office ay itinaas niya nang kaunti ang kamay niya upang ipakita sa akin ang smart key ng sasakyan. "I miss driving my car," sabi niya at napakunot ang noo ko. Hindi ko namalayan na wala na pala siya sa harapan ko. Anong purpose ng pagpapakita niya ng susi? Para saan 'yun? Ano namang pake ko kung nami-miss na niya ang mag-drive? Huminga ako nang malalim at pumasok na sa principal's office. Ang hirap na talagang intindihin ng mga kabataan ngayon. "Good morning, Sir!" bati ko sa principal at pinaupo niya ako. "Good morning! You must be Miss Ambrocio? From Zenon High?" tanong niya at tumango ako. "Mrs. Reyes will be having her maternity leave at siya ang pansamantala mong papalitan. Just do your job great and you will be teaching here longer. And since ang klase niya ang mababakante, iyon ang ite-take over mo. Which is fourth year section C," sabi niya na tinanggap ko naman. Mabuti na lamang at fourth year na ang hahawakan ko, hindi na ako mahihirapang manuway dahil may matitino na silang pag-iisip. Sa Zenon High kasi ay grade 9 ang hawak ko na ubod ng kukulit. Sinamahan na ako ng principal sa magiging advisory class ko. Ngunit ang tinigilan naming classroom ay dinaig pa ang room ng grade 1 sa sobrang gulo. "Here's your temporary class adviser," pakilala sa akin ng principal. Parang hindi niya maatim ang gulo ng klaseng 'to kaya mabilis siyang lumabas. "Hey, ma'am. Ikaw pala 'yan," sabi ni Andrew at kumaway pa sa akin. Bigla na lamang akong kinilabutan dahil sa naiisip ko. Nilingon ko ang iba pang estudyante at kinabahan ako dahil namumukhaan kong ang iba sa kanila ay kasama ni Clint sa pagtambay kanina. Hanggang sa madako ang paningin ko sa lalaking nasa pinakadulong upuan. Nag-iisa lang ang upuan niya sa last row. Nasa likod siya ni Andrew, hindi ko lang napansin kanina. Tahimik lang siya at nakatingin sa akin. 'Yung tingin niyang mapanghubad. Bakit ganyan ba kasi siya kung tumingin sa akin? "Ma'am, hindi ka man lang ba magpapakilala?" tanong nu'ng isang kaibigan ni Clint. Doon lang ako bumalik sa ulirat. Agad kong kinuha ang whiteboard marker at nagsulat. "I am Shallanie Ambrocio. Y-you can call me Miss Shal since 'yan naman ang tawag sa akin ng mga taga Z-zenon High." Hindi ako makapagsalita nang ayos dahil ramdam ko pa rin ang mga titig ni Clint sa akin. "Wow, ang sarap sa pakiramdam ang malamang dalaga ka pa, Miss Shal," sabi nu'ng lalaki sa unahan at nagtawanan sila. "Pero nakakagulat dahil parang hindi kapani-paniwalang dalaga pa ang ganyang kagandang babae," sabi pa ni Andrew at sumang-ayon ang mga kasama niya. "Kahit boyfriend, Miss Shal? Wala ka?" Natatawa na lang ako dahil sa hiya sa mga estudyante ko. Hindi ko alam kung bakit sa ganitong usapan nila ako dinala samantalang nagpakilala lang naman ako. "I mean, if I was born as early as you were born, I would have married you," sabi ni Andrew at nakipag-apir pa sa mga kasama niya. Naiiling na lang ako habang natatawa. Ngunit nawala ang ngiti ko nang makita ang masamang tingin ni Clint sa akin. "Marry her? You don't even date, Andrew," Clint said to him. "Well, Miss Shal can be the only exception," kibit-balikat na sabi ni Andrew. "Tss." Napairap pa si Clint. Matapos kong magpakilala sa kanila ay nagpunta na ako sa table na nasa dulong bahagi ng classroom. Nakayuko akong naglakad papunta roon upang hindi magsalubong ang paningin namin ni Clint. Ngunit ramdam ko ang pagsunod ng kanyang tingin sa akin hanggang sa makaupo na ako upang ayusin ang table ko. Nang buksan ko ang drawer ay nakita ko ang katulad ng susing hawak ni Clint kanina. Nakapatong ang susi sa ibabaw ng isang note kaya binasa ko ito. 'XV3342 ang plate number ng kotse ko, baby. Yellow lambo. Nakalimutan ko na kung saan ko nai-park dahil matagal-tagal ko nang hindi nagagamit. Pakihanap na lang. Male-late ako nang ilang minuto. Hindi naman sira ang aircon at stereo nu'n the last time I checked it kaya sa loob ka na maghintay.' At ako pa ang inutusang maghanap ng kotse niya? Napatingin ako sa kanya ngunit sa harapan na siya nakatingin. Sa tingin ba niya ay pupunta ako? Tsk. Chineck ko na lang ang attendance ng klase ko at tiningnan isa-isa ang pangalan. I don't know why pero pangalan agad niya ang hinanap ko. Princeton...Clint? Gulat na basa ko sa aking isip nang makita ang pangalan niya. He is a Princeton?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD