As the days goes on.... "Lumuwas ba ang asawa mo, anak?" tanong ni Aling Eva sa manugang. "Opo, Inay. May kailangan ka po ba?" balik-tanong nito. "Wala naman, anak. Napansin ko kasing kayo lang ng apo ko. Hindi ko kasi napansin kagabi kung lumabas ba siya o hindi. Ang alam ko lang ay magrereport siya sa dati niyang Boss sa Manila. Siya nga pala, baka gusto mong mamasyal kina Nanay Rosa mo? Sasamahan kita upang hindi ka maboring dito," aniyang muli. Inayos muna ni Anna Marie ang anak bago muling hinarap ang biyanan niya. Kay bilis ng paglipas ng mga araw. Parang kailan lang noong isinilang niya ang anak niya ngunit ilang buwan na lamang ay mag-iisang taon na ito. Ngunit kung kailan nagkaayos na silang mag-ama ay saka pa siya nakaramdam ng panganib. Sa kanilang mag-anak sa probinsiya ay