ALLYSA Ready na kong sabihin kay Ashley kung ano talaga yung nararamdaman ko. Matapos kong magmuni-muni ng bongga kagabi. Kakayanin ko to. Maaga pa lang ay nasa school na ko. Kailangan ko pa kasing mapractice yung sasabihin ko eh. Nandito ako ngayon, mag-isa sa tambayan. Hinihintay kong dumating si Ashley. Pano ko nga ba sasabihin? Bie, may sasabihin ako sayo, mahal kita pero hindi bilang kaibigan lang. Mahal kita at gusto kitang maging girlfriend. Aish! Masyado naman yatang mabilis yun! Eto lang.. Bie, alam mo naman kung gaano ka kahalaga sakin diba? Magagalit k aba kung sasabihin kong mahal kita romantically? Tsss panget panget! Hi bie, I know that this is so hard to believe pero I’m inlove with you. Pinilit kong pigilan kaso wala eh, mahal talaga kita. Aish hindi rin to! Panget!