ALLYSA “Allysa, bakit ka umalis non? Bat mo kami iniwan?” gulat na napatingin ako kay Ashley. Kahit yung mga kasama namin sa table ay napalingon din dito. “Bat mo natanong?” She shrugged her shoulders. “Wala lang, naisip ko lang, kasi diba close tayo noon, tapos bigla kang umalis. Bakit?” Malungkot na ngumiti ako sa kanya. “Kailangan ko kasing samahan si Mama na magpagamot sa states, dapat 1 month lang yun, kaso kinausap ako ng doctor na kailangan nila obserbahan si Mama so yung 1 month, naging 1 year. And bukod don, gusto ko din kasing umiwas non” “Umiwas saan?” Nagkatinginan kami ni Kristal. “Kase babe, yung mahal nya non, akala nya may ibang mahal” sabi nito kay Ashley. “Oo nga, pano kasi pareho nilang tinago yung feelings nila sa isa’t-isa” singit naman ni Lindsey. “Kaya ayu