ALLYSA 5am ako gumising kanina. Pano ba naman kailangan ko pang gisingin at takutin si Ashley para kumilos na. Nagmamadali din akong umalis sa bahay kasi bibili ko pa ng breakfast yung isang yun. Malamang hindi na naman kumain ng breakfast yun. Nagmamadali akong pumasok sa gym pagdating ko sa school. Kumabog bigla yung dibdib ko ng makitang nakaupo na sa loob si Ashley, nakapikit pa. Halatang antok na antok pa. Kawawa naman yung bie ko. Imbes na gisingin ko, lumapit lang ako sa kanya habang nakatitig sa itsura nya. Ang ganda-ganda talaga nya. Gustung-gusto kong haplusin ang mga pisngi nya. Nakaramdam yata na may nakatitig sa kanya kaya biglang nagmulat ng mata si bie. Iniabot ko agad sa kanya yung breakfast na binili ko. Nagkulitan lang kami bago sya kumain. Naisipan kong magbiro para ma