Chapter 4

1048 Words
ASHLEY Yakap-yakap pa rin ako ni Lindsey hanggang ngayon, hindi ko mapigilang umiyak sa kanya after ko magconfess. Gusto ko lang mailabas yung sakit na nararamdaman ko. “Teka best, papano mo pala nalaman? Masyado ba kong transparent?” tanong ko dito ng medyo mahimasmasan. “Best naman, bata pa lang tayo kilalang-kilala na kita. Ni hindi ka nagkakacrush sa mga guys, tapos puro Allysa na lang ng Allysa yung bukambibig mo” naiiling na sabi nito. “Ang sakit-sakit na nga best eh, tingin mo ba kailangan ko syang iwasan?” “Nope, makakahalata yun! Baka mabigla ka at makapagconfess ka. Remember hindi ako masyadong gusto ni Allysa. Homophobic ata yung isang yun eh” sabi pa nito. “So mag-aact ako na parang walang nangyari? Kahit nasasaktan ako?” “Kung gusto mo na hindi sya mawala sayo kahit kaibigan lang. And best i-date mo ng i-date si Lloyd kasi malay mo confused ka lang.” Tumango-tango lang ako. “Ahm best, salamat ha! The best ka talaga!” “Sus wala yun! Alam mo namang love na love kita eh, pakiss nga!” “Eeeew shut up best! Hindi tayo talo ok?” “IKR. O tara na sa classroom at baka ma-late tayo paktay na naman tayo kay madam. Hahaha!” Hinawakan ko yung kamay nya habang naglalakad kami. Ang saya-saya ko lang kasi at least ngayon, may nakakaalam na kung ano talaga yung nararamdaman ko. Pagpasok namin sa classroom ay hinanap agad namin si Allysa. Nakita kong napatingin ito sa kamay namin ni Lindsey kaya binitawan ko agad yun. “Uy congrats ha Allysa! I’m so happy for you and Gab” masayang bati ni Lindsey. Tinanguan lang sya ni Allysa. Tsss, eto na naman sya. Sala sa init sala sa lamig. Nagsmile lang ako sa kanya bago ako umupo sa upuan ko. “Guys!!! Wala daw ngayon si Ms Castro, pwede na muna tayong pumetiks-petiks!” sigaw nung isa naming kaklase. Agad namang lumapit sakin si Lindsey. “Uy best! Kain muna tayo sa caf” yaya nito sakin. “Busog ako best! At wala ako sa mood kumain” walang ganang sabi ko dito. Sa peripheral view ko, nakikita kong nakatingin lang samin si Allysa. Akala ko ay aalis na si Lindsey sa tabi ko pero bigla akong kinagat sa tenga. Saka ito nagtatakbo sa may likod ng classroom. “BEST!!!! Leche ka! Masakit! Lagot ka sakin pag nahabol kita!!” sabay habol ko sa kanya. Tatawa-tawa naman yung iba naming kaklase dahil hindi ko mahabol si Lindsey. “So ano to habulan-habulan, dead mother dead all?” sigaw nung isa naming classmate na bading. Halos mapasigaw si Lindsey nung mahabol ko sya. “Ikaw talaga best ha! Akala mo hindi kita mahahabol ha!” at sinakal-sakal ko sya gamit yung braso ko. “Aww, hongsweet nyo namang dalawa. Kayo na?” tanong nung isa pa naming classmate na tsismosa. Napatingin ako sa pwesto ni Allysa at nakita kong nakatingin sya samin. “Wit! Di ko bet tong si best” tatawa-tawang sabi ko. “Whatever Ashley!!” “Over my dead and sexy body” Noon biglang bumulong sakin si Lindsey. “Best nagsmile ng palihim nung sinabi mong di mo ko bet” “Ewan ko sayo best” pero syempre medyo kinilig naman ako don. “Oo na, hindi kasi ako yung type ni best. Si Fafa Lloyd yata” na nilakasan pa talaga ng mahadera para iparinig sa buong klase. “Really bakla? Si Fafa Lloyd? Eh uber sa kagwapuhan yun ah!” “O anong gusto mong palabasin ngayon? Na hindi kami bagay kasi masyadong gwapo para sakin?” medyo naiinis na sabi ko. Ang walanghiyang baklang to, parang pinapalabas na pangit ako! “Gaga! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Te, masyado kang maganda o! inggit na inggit na nga kaming lahat sayo dito! Mapa-lalaki o babae bet ka! Ikaw na te, sayo na ang korona.” Natatawang sabi pa nito. “Baliw! Ewan ko sa inyo.” “Ay binabago usapan. Wala pala to eh” si Lindsey. “Ano na naman bang gusto mong malaman best?” “Kung may pag-asa si Lloyd” Halos tumahimik lahat ng klase, parang hinihintay yung sasabihin ko. “Loka, kakakilala ko pa lang dun sa tao may pag-asa agad? Ni hindi nga ata nanliligaw yun eh” “So kung manliligaw may pag-asa?” Nagkibit balikat ako. “Let’s see. Ayoko namang magsalita ng-----“ Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang nagsigawan yung mga classmates ko, speaking of Lloyd kase, bigla syang pumasok sa classroom namin na may dalang flowers. “Ehem ehem, speaking of the angel” tatawa tawang sabi ni Lindsey. “Fafa Lloyd, manliligaw ka na ba dito sa alaga namin?” sigaw nung classmate kong bading. Nakangiti naman itong lumapit sakin bago sumagot. “Ahm, depende, kung papayag si Ashley” nahihiyang sabi nito. Tatawa tawa naman si Lindsey sa tabi ko. Napalingon ako kay Allysa. Nakayuko lang sya, nagbabasa ng libro. “Best, kung papayag ka daw” “Wooot papayag na yan! Kawawa naman si Fafa Lloyd o nag-effort” buyo pa nung iba naming kaklase. Tumingin ako kay Lloyd, namumula na yata sa kahihiyan. “Ehem, you’re blushing Mr Cruz. Ang cute mo” sabi ko dito. Lalo namang namula si Lloyd. Natatawa ko namang kinuha yung flowers na binigay nya. “Oo na, ang lakas mo dito sa mga classmates ko o! pumapayag na ko.” Sabi ko pa dito/ Tuwang-tuwa naman itong yumakap sakin. “Talaga? Yes yes yes! Thank you Ashley” masayang sabi nito. “Oy loverboy, hindi ka pa sinasagot, pinayagan ka lang manligaw, ang oa ng reaction mo” “O sige na, chupi na at baka dumating pa yung prof namin, chansing ka ng chansing” pagtataboy ko dito. Nagulat kami ng biglang lumabas si Allysa. Bumulong na naman sakin si Lindsey. “Hala ka nagselos si bie! Harap-harapan ka kasing nakipaglandian” Binatukan ko nga, kung anu-ano kasing sinasabi eh. “Aray ko naman!” “Ang epal mo kasi. Wag mo kong bigyan ng false hope” “Fine” Sinundan na lang namin ng tingin si Allysa habang naglalakad palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD