CHAPTER 2: MAL*BOG NA CALLER

2238 Words
ROSAURA BLANCA Chica is a forty-nine years old lesbian who owns an old tavern in a skirt portion of the town proper of Santillan. Istrikto—iyon ang unang impression ko kay Chica but I slowly get to know her more. She refused to be called ‘aunt’ or ‘ate’ or even kuya and uncle, ayaw niya. Sabi niya sa akin ay mas komportable siyang tawaging Chica kaya iyon na lang ang itinatawag ko sa kanya. That’s how everybody calls her here in Santillan. At unang tagpo ko palang kay Chica ay naramdaman ko kaagad na kakampi ko s’ya. Magaan kaagad ang loob ko sa kanya. Ipinagkatiwala ako sa kanya ni Manang Elodia kaya kailangan ko ring ibigay ang tiwala ko sa kanya. It’s already been a week since I’ve arrived here in the municipality of Santillan. Kahit lubog na lubog ako sa kahihiyan nang makisakay ako sa patrol car ni Kuyang Pulis noong nakaraang linggo na naka-panty lang at baliktad pa ang t-shirt ay malaki naman ang pasasalamat ko sa Pulis na iyon dahil pagdating namin sa Santillan ay sa mismong harapan ng Casa Mariposa ni Chica niya ako ibinaba. Nabanggit ko kasi sa Pulis iyong address na isinulat ni Manang Elodia sa papel at walang ano pa mang katanungan ay inihatid ako ng Pulis dito kung saan ko matatagpuan si Chica. Bukod sa Casa Mariposa na taberna ay mayroong pagmamay-aring bahay si Chica na may kalumaan na rin. Walking distance lang ang layo nitong bahay sa taberna ni Chica but I’ve never been there. Bawal ako roon, iyon ang mahigpit na bilin ni Chica. Sa itaas nitong bahay ay mayroong anim na kuwarto na paupahan si Chica. Tatlong kuwarto naman dito sa ibaba. Isa ay kuwarto ni Chica, ang isa’y bodega at itong isa ay naging kuwarto ko na. Sabi ni Chica ay bibihira lang daw siyang matulog dito sa bahay na ito dahil madalas ay naglalagi siya sa Casa Mariposa kaya laking pasasalamat niya kay Manang Elodia na ipinadala ako rito dahil aniya ay mayroon nang tatao rito sa bahay n’ya. Here’s where I live now. This is my home now and I have no other choice but to embrace this new place. Hindi ko itatangggi na umiiyak ako sa nagdaang ilang gabi dahil sobrang nami-miss ko si Daddy, ‘yong house namin, si Manang Elodia at ang farm. I miss my home and my town ngunit iniisip ko na lang iyong sinasabi ni Manang Elodia sa akin na darating ang araw sa buhay natin na kailangan nating iwan ang nakasanayan natin kapalit ng bagay na mas ikabubuti natin. Malapit sa puso ko ang mga halaman, ang pagtatanim, kaya laking tuwa ko dahil may mga halaman sa paligid ng paupahang bahay ni Chica. Dahil madalas na wala si Chica kung kaya’t ang ilan sa mga halaman sa paso ay lanta na at wala ng buhay. My daily morning routine is to water those buhay na plants. Nililinisan ko rin ang bakuran dahil ito lang ang gawain na sa palagay ko ay hindi makakapagpaburyo sa akin habang naririto ako sa Santillan. I have no friends to talk to yet dahil iyong mga tenant ni Chica ay nasa kani-kanilang trabaho sa araw. All Chica’s tenants are police officers. All male and I’ve met three of them already. They’re nice naman. Chica said na mula mag-start siyang gawing paupahan ang mga room sa itaas ay usually mga pulis ang tenant n’ya na nadedestino sa bayan ng Santillan. Narito ako sa bakuran at pawisan na nag-aalis ng mga patay na halaman when Chica came home. Chica owns a two-decade year old jeep gladiator. Noisy ang makina kaya malayo palang ay rinig ko na ang sasakyan n’ya. Sa labas ng gate niya lang ipinarada ang sasakyan n’ya, ibig sabihin ay hindi rin s’ya magtatagal. “Pamangkin,” tawag sa akin ni Chica. Poker face ang mukha n’ya. Hiphop cargo pants ang suot n’ya, big t-shirt na color maroon at may malaking print ng number 99 at kahit maliwanag ang sikat ng araw ay nakasuot siya ng leather jacket na black ang kulay. “Chica, good morning.” I politely greet her. Dalawang beses pa lamang kaming nagkausap ni Chica. This is our third encounter. She’s really quite busy supervising her tavern. “Dinalhan kita ng almusal, pamangkin. Marunong ka pa lang mag-asikaso ng mga halaman? Hayaan mo kapag napadaan ako sa bahay nina Vice Mayor, ihihingi kita ng mga halaman sa misis n’ya. Marami do’n.” “Talaga, Chica? Isama mo ‘ko. When are you going to go there ba? I would love to go with you.” Excited na wika ko. “Hindi. Bawal kang sumama.” She narrows her eyes while quickly checking out my clothes. “Ayus-ayusin mo ‘yang pananamit mo sa susunod, Inday. Papaluin kita ng tambo kapag lumabas ka ulit ng kuwarto na nakagan’yan. Napakaikli ng shorts mo. Yawa!” “Ha? What’s wrong with my clothes, Chica?” I ask innocently. I take the plastic bag from her, ‘yong may lamang breakfast ko raw. “Basta! Hindi pupuwede na gan’yan ka manamit dito sa bahay lalong-lalo na kapag naririto ‘yong mga umuupa sa itaas.” “Boss Chica, kay aga-aga at sinesermunan mo ‘yang pamangkin mo.” May umisturbo sa pagsesermon sa akin ni Chica. ‘Yong isang tenant na pulis ay nando’n pala sa balcony sa ikalawang palapag at nanonood sa amin dito sa bakuran. Topless si Sir at maikling athletic shorts ang suot. Mukhang kagigising lang. “Good morning, Sir.” I greet the tenant politely. I am making friends but always with limitations pero malayong maging ka-close ko iyong mga tenant dahil sobrang busy sila sa serbisyo nila sa bayan. “Good morning din sa’yo, ‘Ga,” bati ni Sir Alfred pabalik at may kasama pang kindat. Siya iyong unang tenant na nakilala ko. According to him, he’s a Police Corporal and his hometown is somewhere in Central Visayas. He’s a married man. Four of the tenants are married. Two of them are single pero iyong isa ay never ko pang nakita rito sa bahay and I am not asking the other tenants about the tenant I’ve never met. Makikilala at makikilala ko rin naman ‘yon kapag umuwi. “Hoy, Alfred, huwag mong makindat-kindatan itong pamangkin ko. Dudukutin ko ‘yang mata mo! Kasado ka na pero babaero ka pa rin. Subukan mo lang na landiin itong pamangkin ko, lalagyan ko talaga ng siling demonyo iyong mga brief mo.” Natawa ako sa banta ni Chica habang si Sir Alfred ay napakamot na lang sa kanyang batok. “Boss Chica, naman. Siyempre malaki ang respeto namin diyan kay Mary dahil pamangkin mo 'yan. Maaasahan mo kami sa pagbabantay sa kanya.” Sumaludo si Sir Alfred kay Chica. Mary—iyon ang pakilala ko sa kanilang lahat dito. I can’t tell anyone about my real name and about the place where I came from. Si Chica lang ang may ideya sa totoong pagkatao ko pero tiwala ako na safe ang lihim ko kay Chica. Manang Elodia trusted me to her and she has the obligation to protect me. “Aba’y dapat lang, Fredo!” Bruskong saad ni Chica. Kahit patomboy-tomboy itong si Chica ay halatang malaki ang respeto ng mga tenant sa kanya. “Wala kang dapat ipag-aalala sa amin. Doon ka ma-alarma kay Senior. Kilala mo naman ‘yon pagdating sa mga mamords na chicks. Walang gustong palampasin 'yon si Sarge. Delikado si Mary do'n.” Mamords? What does it mean? Ngayon lang ako nakarinig ng gano’ng word. “Hindi! Hindi puwede. Hindi ako papayag. Pagkababáe ko na lang ang isusugal ko sa kanya kaysa hayaan kong maloko n’ya itong si Mary.” Malakas na natawa si Sir Alfred. “Yawa. Ang sagwa pakinggan, Boss Chic. Pati ba naman ikaw nababakla kay Sarge?” “Eeeh siyempre. Kras ko ‘yon si Sarge.” Nagulat ako nang biglang lumambot ang kilos ni Chica. She bats her eyelashes flirtatiously tapos inilabas pa ang dila sabay hagod sa imaginary long hair n’ya. Tinapik ko sa balikat si Chica. Mukha kasi siyang naenkanto. “Chica, are you alright? At sino ‘yong sarge na pinag-uusapan ninyo ni Sir Alfred? Guwapo ba?” Biglang tumigas ang anyo ni Chica. Balik na naman sa kanyang usual character na tigasing tomboy. “’Wag kang ma-curious. Basta sundin mo lang ‘yong payo ko! Bawal kang magsuot ng ganiyan, maliban na lang kung nasa loob ka ng silid mo. Maliwanag?” “Hm. Sure.” I obediently answer. Si Chica na ang guardian ko ngayong naririto ako sa Santillan kaya normal na payo niya ang susundin ko. “Pero sino muna ‘yong Sarge?” “Kras ko nga! Kulit. Huwag kang mai-inlove do’n. Akin ‘yon! Maliwanag?” “Your crush? Lalaki?” I’ve got curious. “You’re lesbian. You're supposed to like women.” “Binata nga ako pero pagdating kay Sarge, handa akong magpakadalaga.” Pakembot-kembot na pumasok sa bahay si Chica. Napapangiwi na lang ako na sumunod para makapag-almusal na rin kami. Dahil off ni Sir Alfred at marami itong fried rice at pritong daing na dala ni Chica kaya tatlo kami na nagsalo rito sa mga pagkain dito sa dining table here sa ibaba. Naunang umakyat si Sir Alfred dahil kausap niya sa phone ang wife n’ya. Si Chica ay kaagad ding nagpaalam na babalik na sa Casa Mariposa. “Chica, bawal ba talaga akong pumasyal doon sa taberna mo? Puwede akong tumulong do’n and you do not need to pay me any penny. I just wanna help you in any way possible.” Kumunot ang noo ni Chica. “Hayaan mo at pag-iisipan ko.” Binabaan niya ang boses. “Medyo delikado ro’n, Roz. Minsan kasi ay may nagagawi na mga taga-Don Aragon do’n sa taberna. Mahirap na at baka may makakilala sa’yo. Malalagot ako kay Elodia.” Iyon pala ang concern n’ya and I do understand her reason. “Gano’n ba? Naiintindihan ko, Chica.” Malungkot akong ngumiti. “Hayaan mo kapag safe sa taberna, papayagan kitang dumalaw do’n kahit sa kusina ka na lang nang sa gano’n ay hindi ka gaanong mabagot dito sa bahay.” Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni Chica. “Sandali, may dala pa pala ako para sa’yo.” Mula sa belt bag niya ay may inilabas siyang android phone atsaka charger. “Gamitin mo ‘yan pero huwag kang magtatangka na buksan ang ano mang personal account mo. Alam mo na ang hindi mo maaaring gawin kung ayaw mong matunton ka rito ni Doktor Ace. Gumawa ka lang ng bagong account kung gusto mo pumasok sa mga social media.” “You bought this?” “Hindi. Iniwan ‘yan ng isang waitress ko sa Casa. Malaki utang sa akin. Naglayas ng walang paalam at iniwan lang iyang cellphone n’ya. Lowbat ‘yan kaya ikaw na lang ang mag-charge. Bago pa ‘yan.” Nagpasalamat ako kay Chica. Pag-alis niya ay kaagad kong hinugasan ang mga pinagkainan namin. Mabagal ako sa mga gawaing-bahay dahil mula no’ng bata ako ay hindi naman ako tinuruan na gumawa ng mga house chores. Lumaki ako sa mansion na may mga housemaid bukod pa sa nanny kong si Manang Elodia. But I have knowledge when it comes to farming and horses. Maghapon akong naglinis dito sa room ko pati na sa kusina kaya gabi na nitong patulog na ako, doon ko lang naisipan na buksan ang cellphone na bigay sa akin ni Chica. I am fresh from the bath at nagpapatuyo ako ng hair ko when I decided to check the phone. When it comes to social media, ang nakahiligan ko ay i********:. Active ako sa i********: noong nasa UK ako. Pag-open ko ng application ay mayroon nang naka-log in na dummy account. Zero posts, fifty followers and an almost one thousand following. ‘Yong nasa following list, Jesus Christ! Halos lahat ay military officials. May Filo at mayroon ding foreigners. I grimace when I see the account’s profile picture. Cleavage ng babae! I am about to log it out and remove the account from the phone’s system when I noticed the red dot sa home icon ng i********:. May message! At muntik ko nang maibato sa bintana ang cellphone nang sa pagbukas ko ng recent conversation ay nabuksan ko ang received video kung saan record iyon ng nagma-masturbâte na lalaki. Naka-full volume ang phone kaya nawindang ako sa ungol ng taong nasa video! Doon na ako pinanlamigan ng kamay nang biglang nagkaroon ng incoming call mula sa account na nag-send ng masturbatíon video. ‘Yong profile picture ng account ay Belgian shepherd dog. It looks like a police dog. At dala ng pagkataranta ko, imbes na i-decline ang call ay answer ang napindot ko. Hindi ko sinasadya na makausap itong malibog na chatmate ng original na owner nitong cellphone. “I know you.” Sabi ng guwapong lalaki na nasa kabilang linya. Natigilan ako at para nang gustong lumundag ng puso ko mula sa aking dibdib dahil sa pagkaaligaga at nerbiyos. The person from the other line knew me? Fúck! Does it mean na taga- Don Aragon s’ya? I’m dead! Papatayin ko n asana ang FaceTime nang biglang bumalandra sa screen ang mukha ng taong nasa kabilang linya and my mouth turns into a perfect ‘O’ when I see the caller’s face. Holy shít ! I know him too!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD