PROLOGUE: GO WILD AND UNSTOPPABLE

1877 Words
Prologue Isang marahang katok sa pinto ang gumambala sa paglalagay ng beinte singko anyos na dalagang si Rosaura Blanca Aldana ng kanyang iilang gamit sa isang backpack. Sindak siyang napatitig sa pinto sa takot na baka isa sa mga bodyguard ng kanyang amang si Doktor Asensio Aldana ang naroon sa labas. “Hija? Hija, si Manang Elodia mo ito.” Naroon ang pag-iingat sa boses ng kumatok. She let out a sigh of relief. Si Manang Elodia, kuwarenta y tres anyos, ay siyang tumayong nanny ni Rosaura mula noong siya’y walong taong gulang pa lamang at hanggang sa kasalukuyan ay nananatili itong tagapag-alaga at maging ay ina-inahan na rin ni Rosaura. With her heart pounding, she hurriedly went to her bedroom door to open it. “‘Nang…” “Roz, hija, ito.” Hindi maikubli sa kilos ni Manang Elodia ang pagkataranta. “Address. D’yan ka tumungo, Roz. Nakatitiyak akong ligtas kang makakapagtago sa lugar na iyan.” Mabilisang binasa ni Rosaura ang nakasulat na address sa ibabaw ng nakatuping papel. Hindi makapaniwalang tumitig ang dalaga sa kanyang tagapag-alaga. “Manang, are you serious? E sa kabilang probinsya lang naman ho ‘to. Madali akong mahahanap ng Papa rito.” Nag-aalala siya ng labis. Ilang oras na lang ay sisikat na ang araw. She is supposed to get out of their property before the sun goes up. Alas siete o alas otso ng umaga ang inaasahang pag-uwi ng kanyang ama mula sa twelve hours shift nito. Isang General Surgeon ang ama ni Rosaura habang ang kanyang ina ay pumanaw noong pitong taong gulang pa lamang siya. Her father remarried twice after her mother’s death bukod pa iyon sa mga naging casual girlfriend ng doktor na dinadala nito sa bahay nila. Hindi itatanggi ni Rosaura na playboy ang ama. Ang unang madrasta ni Rosaura ay namatay din dahil sa sakit anim na taon na ang nakalilipas. Noong nakaraang taon lang ay muling ikinasal ang kanyang ama kay Dominica Hidalgo na nagmula sa isang maituturing din na buena familia sa probinsiya ng Don Aragon. “Magtiwala ka sa akin, Roz. Lubos na mapagkakatiwalaan ang mga tao riyan. May isinulat ako sa loob ng papel na iyan. Hanapin mo ang nagngangalang Chica at banggitin mo sa kanya iyong pangalan ko. Alam na niya kung papaano ka niya matutulungan basta’s ibigay mo ang sulat na ‘yan sa kanya.” Napipinto na ang paglalayas ni Rosaura mula sa puder ng kanyang ama. It was not out of rebellion. Istrikto man ang kanyang ama subalit ni minsa’y hindi nanaig sa isip ni Rosaura ang magrebelde at sumuway sa lahat ng kagustuhan ni Doktor Asensio para sa kanya. Ngunit ngayon ay magagawa na niya. Gagawin n’ya. Kakandidatong alkalde sa bayan nila ang kanyang ama. Sure win daw ang kandidatura nito subalit ang victory na inaasam ng kanyang ama sa mundo ng pulitika ay kalayaan naman niya ang tiyak na isusugal ng kanyang ama. Masugid ang panliligaw ng kanyang ama at ng kampo nito sa pamilya Trigueros para makuha ang suporta ng makapangyarihang pamilyang iyon. Rosaura knew about it dahil parati siyang nakikinig sa mga usapan sa loob ng kanilang pamamahay. Kagabi, habang siya ay nagpapahangin sa balkonahe sa ikalawang palapag ng kanilang mansion, nasindak si Rosaura sa napakaitim na uwak na lumapag sa concrete balusters ng balkonahe. Naglaglag ito ng nakarolyong papel at ikinagimbal ng dalaga ang nabasang nakasulat doon. The letter came from the domineering matriarch of the Trigueros family—kay Doña Allegra Trigueros. Malinaw na naiparating ng matandang Trigueros ang ibig nitong kapalit sa suporta at pinansiyal na tulong nito sa kandidatura ng kanyang ama. Ciento por ciento naming ipagkakaloob ang hinihiling mong suporta para sa iyong kandidatura at nakahanda rin kaming punduhan ang iyong pagtakbo kasama na ang iyong mga kapartido ngunit sa isang condiciónes. Pumayag kang maging esposa ng isa kong nieto ang iyong nag-iisang anak. Hihintayin ko ang iyong tugon at pagpapasya sa lalong madaling panahon. Her freedom. Her dignity. Her soul! Napakalaking kalokohan ngunit batid ni Rosaura na agarang papayag sa kasunduang iyon ang kanyang ama na talagang desidido na pumasok sa pulitika dahil sa sulsol ng kanyang madrasta rito. Ngunit mas desididong higit si Rosaura na tagain ang napipintong kasunduan na iyon sa pagitan ng kanyang ama at ng matriarch ng mga Trigueros. At ang paraan nga na kanyang naisip ay ang tumakas at pagtaguan ang ama. At ang plano niyang iyon ay agaran niyang ipinaalam sa kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan niya sa bahay na iyon. Si Manang Elodia. Ngunit hindi binanggit ni Rosaura kay Manang Elodia na bukod sa paglalayas at pagtatago ay mayroon pa siyang ibang binabalak. At iyon ay ang makahanap ng lalaking madadala niya sa harapan ng kanyang ama. Magpapakasal siya nang hindi alam ng kanyang ama. Magpapabuntis but she knew she had to do her risky plan carefully. Gagamitin pa rin niya ang utak para piliin ang lalaking karapat-dapat. Kapag nangyaring bumalik siya na mayroon ng pamilya, imposible na siyang ipagkasundo ng ama para ipakasal sa isa sa mga apo ni Donya Allegra. Marrying a man she doesn’t like is a stupid thing and marrying a Trigueros bastard is another story. She would surely have a fate worse than death! Kahit nga ang marinig pa lang ang apelyido ng pamilyang iyon ay nakapagdudulot na ng kilabot sa kanya, paano pa kaya kung maikasal pa siya sa isa sa mga apo ni Doña Allegra at makulong sa balwarte ng mga ito? Kung papayag siya ay parang isinuko na rin niya ang kanyang kaluluwa sa demonyo. “S—sige na, hija. Tumalima ka na bago pa magising ang mga tauhan ng iyong Papa.” Pagpukaw ni Manang Elodia sa kanya mula sa samo’t saring kaisipan. “Opo, Manang.” Tinulungan siya ni Manang Elodia na ayusin ang backpack na kanyang dadalhin. Ingat na ingat silang pumanaog para tumungo sa maid’s quarter para roon ay makapagbihis si Rosaura. O mas tamang sabihing makapag-disguise. Bestida ni Manang Elodia ang kanyang isusuot. Malapad na belo naman ang gagamitin niyang talukbong upang maikubli ang mukha. Sa ganoong oras karaniwang umaalis sa mansion ng mga Aldana si Manang Elodia upang mamalengke kaya kampante silang walang sisitang tauhan ni Doctor Asensio sa paglabas ni Rosaura na magpapanggap na si Manang Elodia. Sa bayong isinilid ni Manang Elodia ang backpack na dadalhin ni Rosaura. “Magdali ka na, Roz.” “Opo.” Bulungan ang paraan ng kanilang pag-uusap. Nasa pinto na si Rosaura nang mapahinto siya at nilingon ang kanyang nanny. Her eyes looked worried. “Manang, paano ka? Baka… Baka magalit saiyo ang Papa?” Ginagap nito ang kanyang kamay. Tumingin sa kanyang mga mata si Manang Elodia and gave her a reassuring smile. “Huwag kang mag-aalala sa akin, hija. Kung sa ama mo lang ay hindi niya ako kayang masindak ng basta-basta. Tagain ko pa ‘yong alaga n’ya.” “What?” “Ah wala. Wala kang narinig. ‘Wag mo nang pansinin iyong sinabi ko. Basta wala kang dapat na ipag-alala sa akin dito, hija. At umasa kang hindi malalaman ni Ace kung nasaan ka. Basta’t mag-iingat ka roon. Ingatan mo ang sarili mo ha? L—lahat ng mga gusto mong gawin o maranasan kagaya ng mga ikinukuwento mo sa akin na hindi mo magawa dahil napaka-istrikto ng ama mo, gawin mo ‘yon, Roz basta’t ‘lagi mo lang tatandaan na may limitasyon sa lahat ng bagay.” Manang Elodia squeezed her hand. Namuo ang luha sa mga mata nito. “Thank you, Manang.” Madamdaming sambit ni Rosaura. Wala na siyang sapat na oras upang bigkasin ang lahat ng ibig niyang sabihin kay Manang Elodia. “I’m gonna miss you a lot.” Her voice cracked. “Alam ko at mami-miss din kita ng sobra, Roz… anak…” Rosaura blinked. “A—anak?” she mimicked in shock and confusion. Ngunit dumagok ang kaba sa dibdib ng dalaga nang may narinig silang pakantang sumisipol. Isa sa mga tauhan ni Doktor Asensio iyon na napadaan sa maid’s quarter. Napa-sign of the cross si Manang Elodia. “Rosaura Blanca, sige na. Kumilos ka na at tiyakin mong hindi makakahalata ang sino man sa tauhan ng Papa mo.” Dire-diretso na ang naging lakad ni Rosaura. She exited from the backdoor. Mariin siyang nakahawak sa belo na suot sa takot na baka liparin iyon ng hangin mula sa kanyang ulo. Halos hindi na magawang huminga ni Rosaura habang tinutungo ang main gate. Napakahigpit ng kapit niya sa bayong na dala. Para na siyang aatakahin sa puso sa labis na kabang nararamdaman. Here hands were cold and trembling. Sa bawat hakbang na magawa niya, mas nadadagdagan ang bigat na nararamdaman niya. She loves her father so much. She loves their home at mabigat sa kalooban niya ang lisanin ang sariling tahanan ngunit nakapagdesisyon na siya. Buo na ang isip niyang maglayas at ilayo ang sarili bago pa siya ipain ng sariling ama sa pamilya Trigueros. Kaunti na lang. Ilang hakbang na lang at nasa gate na siya. “Elle, samahan na kita sa palengke.” Halos manginig na sa nerbiyos ang kalamnan ni Rosaura nang may narinig siyang boses mula sa kanyang likuran. Si Eliseo iyon, her uncle. Second cousin ng kanyang ama. Isa ring doktor ngunit sa Estados Unidos naka-base at kasalukuyang nagbabakasyon sa bayan nila. Mariing pumikit si Rosaura at nagdasal sa kanyang isip. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Magdamag niyang enensayo na magaya ang boses ni Manang Elodia. “H’wag na.” She talked less. Mapaklang natawa ang Uncle Eliseo n’ya. Doon napansin ng dalaga na parang lasing ang tiyuhin niyang si Eliseo. “Ang lamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin, Elle kahit ilang dekada na akong nanunuyo at naghihintay saiyo. Marahil ay panahon na para bitawan ko na itong nararamdaman ko para saiyo. Wala e. Wala akong mapapala. Tumanda na akong binata kakahintay saiyo. Mukhang si Ace pa rin ang nagmamay-ari ng puso mo. Wala na akong pag-asa. Tatanggapin ko na. I'm not giving up on this love I have for you for the longest time, I'm just giving up. . . on you.” Rinig ni Rosaura ang papalayong yapak ni Eliseo. “Holy shít!” she couldn’t stop her mouth from muttering. Lalayas na siya’t lahat ay aksidente pa niyang nalaman ang love triangle ng kanyang Uncle Eliseo, ng kanyang nanny at ng kanyang ama. What the hell! ‘Saka na niya iisipin ang nalaman at tuluy-tuloy na siyang lumabas sa maliit na pinto ng kanilang gate. At bago pa lumitaw ang haring araw ay nakalagpas na ng bayan nila ang bus na kanyang sinakyan. Rosaura watched the peaceful view outside the bus window. She inhaled deeply at may umukit na ngiti sa kanyang labi. Finally, she feels a sense of relief, a sense of freedom. She realized she never felt that good all her life because she is chained to his father’s strictness and manipulation. And now that she’s free, she will look at life like it’s an adventure and she’d go make the most out of it. Humanda na ang future husband n'ya dahil oras na matagpuan niya ito ay sa Santong paspasan niya ito dadaanin para makuha. Why, she's a free lady now and she could go wild and unstoppable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD