BAGONG buhay na ang nakikita ni Rosaura sa pagdating niya sa probinsya ng Torrente.
Inabot ng mahigit pitong oras ang biyahe mula sa bayan kung saan nanggaling ang dalaga patungo sa ikalawang munisipyo ng Torrente. Doon ang hangganan ng biyahe ng bus na kanyang nasakyan.
Walang ano mang dalang gadget si Rosaura sa kanyang paglalayas. She was afraid it would be the means for her father to trace her. Mananalig lang siya sa baon niyang lakas ng loob at diskarte sa pagtatanong hangang sa marating niya ang pakay na bayan.
“Kuya, ilang oras pa po ang biyahe mula rito patungo sa Santillan?” Magalang na nagtanong si Rosaura sa konduktor ng bus bago siya bumaba roon.
Ang Santillan ang pinakadulong municipalidad ng Torrente province at sa tanang buhay ni Rosaura ay hindi niya naalalang narinig niya ang pangalan ng nasabing lugar. Ang natatandaan niyang hometown naman ni Manang Elodia ay nasa parteng Kabikolan naman daw. Sa labimpitong taon na kasama niya si Manang Elodia ay parang never naman nitong nabanggit o naikuwento ang lugar na Santillan kaya papaanong alam nito ang dulong lugar na iyon?
“Santillan? Ah mahigit apat na oras pa ‘yan mula rito, ‘Neng. Sakay ka ng multicab mula rito hanggang sa Villena, mga isa’t kalahating oras din ang b’yahe. Sa crossing ng Villena, naroon ang terminal at doon ka rin sasakay pa-Santillan. Villena crossing to Santillan, iyon ay aabutin naman ng dalawa’t kalahating oras pa o mahigit.”
Tinandaan ni Rosaura ang direksiyon at mga lugar na binanggit ng konduktor.
“Maraming salamat po, Kuya.”
“Bakasyonista ka ba, ‘Neng? Wala kang kasama ah.” Naitanong sa kanya ng konduktor. Naroon ang kuryusidad sa mga mata kung bakit mag-isa lamang siyang bumabiyahe.
“O marahil ay may asawa kayong MIU na nakadestino sa Santillan.” Muling saad ng konduktor bago pa siya makapag-isip ng isasagot sa naunang tanong nito.
“MIU? Ano ho ‘yon?”
“Men in uniform ba, ‘Neng. Army o pulis. Nasabi ko lang kasi madalas kaming nagkakaroon ng pasaherong mga asawa o hindi kaya naman ay nobya ng mga MIU. Madalas sa mga ito sa Torrente ang sadya para manghuli ng kanilang mga MIU partner na nangangaliwa.” Marahang tumawa ang konduktor.
Si Rosaura naman ay napangiting umiiling. “Ah hindi ho. Hindi ho MIU o partner ang sadya ko roon, Kuya. Papasyalan ko lang ho iyong pinsan kong nakapag-asawa ng tagaroon. Maraming salamat po ulit.” She offered a warm smile despite the lies she told.
“Walang ano man, ‘Neng. Mag-iingat ka sa biyahe mo. Mag-iingat ka rin sa mga MIU doon. Sa pagkakaalam ko matutulis iyong mga nakadestino roon.” Hagikhik pa ng konduktor.
Sa maikling pag-uusap na iyon sa isang mabait na estranghero, kahit papaano ay nabawasan ang dala-dalang kaba ng dalaga.
Rosaura was afraid to talk with strangers all her life. Mixing herself in the society wasn’t her thing o sa madaling sabi ay antisocial siya. It was not her nature ngunit sa ganoong paraan siya namuhay ayon sa kagustuhan ng kanyang amang si Doktor Asensio.
She was homeschooled until tenth grade and spent her two years in senior high in a lone private school in their city. Sa kolehiyo ay ipinadala siya ng kanyang ama sa Europa at sa isang university college sa London ay nakompleto n’ya ang mga requirement for her bachelor’s degree in Philosophy, Politics and Economics. After four years in college, she was taken home by her father.
At kahit degree holder na si Rosaura ay hindi siya pinayagan ng amang makapagtrabaho o umalis sa puder nito sa kadahilanang hindi masabi ng kanyang ama. May minanang farm ang kanyang ama mula sa mga magulang nito at doon ibinubuhos ng dalaga ang oras niya. Planting, harvesting, horsing, iyon ang naging libangan ni Rosaura.
Paalis na sana ang dalaga nang may naisip siyang itanong ulit sa konduktor.
“Kuya, can I ask you another question please?” She said in immediate manner dahil patalikod na ang konduktor.
Manghang bumalik ang tingin sa kanya ng konduktor. “Maganda ka na, inglesera ka pa. Naku, ‘Neng! Marami talagang magkakandarapa sa’yo roon. ‘Wag kang magpapauto sa mga makikilala mo roon ha, lalo na sa mga naka-uniporme. Matitinik ang mga iyon, sinungaling pa ang karamihan. Baka mauto ka’t malaman-laman mong nakatali na pala. Ganoon ang nangyari sa nag-iisang anak kong babae. Kinaliwa ng pulis niyang asawa. Siya at ano nga iyong nais mong itanong, ‘Neng?”
Rosaura almost grimaced. Nailang siya sa itinuran ng estranghero. Alam niyang concern lang ito ngunit ibig niyang mapataas ng kilay at matawa sa sinabi nitong marami raw ang magkakandarapa sa kanya. Kung alam lang nito, ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng manliligaw.
“May alam po ba kayong salon na malapit dito? ‘Yong puwede pong magpagupit sana.”
Sandaling kumunot ang noo ng konduktor ngunit hindi na ito nagbigay ng komento at may pinara itong tricycle. Ito ang nakipag-usap sa drayber ng tricycle kung saan siya dadalhin.
May kaba man ngunit mas pinili ni Rosaura na magtiwala. Mukhang mabait naman kasi iyong konduktor. May concern sa kanya at higit sa lahat ay hindi ito manyakis. It’s one thing she’s scared of, iyong makasalamuha siya ng manyakis na tao.
Bago sumakay sa tricycle si Rosaura ay humugot siya ng dalawang libo sa kanyang pitaka.
“Salamat po talaga, Kuya. Thanks for being so nice to me,” aniya sabay abot dito ng pera.
“Ay! Iyo na iyan, ‘Neng at ang laking pera n’yan. Magagamit mo ‘yan sa bakasyon mo. Hala, lumarga ka na at baka abutin ka pa ng dilim at sa Santillan pa man din ang tungo mo.”
Ngumiti si Rosaura. Humakbang siya at dali-daling isinuksok sa bulsang nasa uniporme ng bus conductor ang pera.
“Bye, Kuya. Stay nice po.”
Wala na itong nagawa dahil agaran nang sumakay si Rosaura sa tricycle at pinasibad ito.
Inabot siya ng mahigit dalawang oras sa salon na pinagdalhan sa kanya ng tricycle driver dahil may mga nakapila nang mga magpapa-salon nang dumating siya. Hindi na niya naisip na maghanap ng ibang salon dahil hussle na at nangangamba rin siyang gumala-gala sa lugar na iyon na hindi naman pamilyar sa kanya.
She decided to have a haircut. New haircut, new beginning ang kanyang drama.
Ang hanggang baywang niyang tuwid na buhok ay pinaikli niya. Haircut lang sana ang plano niya ngunit nabudol siya ng baklang parlorista at napapayag siyang magpakulay na rin ng buhok. Inuuto kasi siya nito na bagay na bagay daw sa kanya ang vibrant red na buhok dahil mestiza s’ya.
Puring-puri siya ng mga bakla sa salon na iyon. Inalok pa nga siya na bibigyan siya ng regular session sa salon na iyon pero kailangan daw na mukha niya ang ilalagay sa tarpaulin sa labas ng salon bilang modelo. They confidently told her that her face would attract people.
Magalang na tumanggi si Rosaura. Hindi iyon maaari dahil pagtatago nga ang sadya niya tapos ibabalandra ang kanyang mukha? Hindi maaari.
Pasado alas tres na ng hapon nang makarating siya sa crossing ng Villena. Muntik na niyang hindi maabutan ang huling multicab na siyang natitirang passenger vehicle sa terminal.
Araw ng Linggo iyon at may nakapagsabi sa kanyang driver na karaniwan ay wala nang bumabiyahe patungong Santillan kapag lampas na ng tanghali. Suwerte lang ni Rosaura na mayroon pa siyang naabutang masasakyan sa oras na iyon.
Ngunit ang itinuring niyang suwerte ay nauwi rin sa kamalasan. Wala pang isang oras nang umalis sa terminal ang sinasakyan niya ay ilang beses na itong tumirik. Frustrated na ang mga kasamang pasahero ni Rosaura hanggang sa matuluyan na nga’ng naletse ang makina ng behikulo.
Iyong ibang kasabay ni Rosaura ay pumara ng private vehicle at nakisakay ang mga ito. Gano’n din ang ginawa ng iba pa hanggang sa apat na lamang silang pasahero na natira at kailangang maghintay hanggang sa maayos at muling mapaandar ng drayber ang sasakyan.
Mamamatay na sa nerbiyos si Rosaura sa mga oras na iyon. She was in the middle of nowhere.
“Mga Mam, kapag may dumaan ulit na sasakyan, maki-rides na lang mong upat.” Balewalang sabi sa kanila ng matandang drayber. He was lack of concern, ibang-iba sa konduktor kanina.
The sun has gone down ngunit wala na talagang dumaan na sasakyan na patungo sa Santillan. Iritado na ang tatlong kasabay ni Rosaura. May paparating na sasakyan ngunit pabalik sa Villena ang takbo. Sa sindak ng dalaga ay pinara iyon ng tatlo niyang kasabay na pasahero at nakisakay ang mga ito pabalik ng Villena. Ang drayber naman ay kanina pa umalis at naglakad lang para tumawag ng mekaniko.
“Shít! Lord, help me!” Takot na takot na si Rosaura sa mga oras na iyon. Madilim na ang paligid at wala pang mga poste ng ilaw sa bahaging iyon. Mainam na lang at naisipan ng drayber na iwanang nakabukas ang headlight ng multicab nito. Lumipat si Rosaura sa harapan ng multicab kung saan may liwanag.
Naiiyak na siya sa mga sandaling iyon. Lahat ng Santong kilala niya ay tinatawag niya. She was crying and mumbling her nanny’s name. Para siyang naliligaw na paslit na tinatawag ang ina. She was hardly praying to spare her from any danger.
Habang umiiyak ay may pumasok na alaala sa isip ni Rosaura. Naalala niya iyong sinabi ng isa nilang trabahador sa farm na baliktarin ang damit kung naliligaw at para makarating sa paroroonan.
Hindi naman siya naliligaw pero gusto niyang makarating sa sadya niyang lugar. Wala namang mawawala kung susundin niya ang paniniwalang iyon.
Pinahid ni Rosaura ang luha at inalis sa likuran niya ang backpack. Hindi na bestida ni Manang Elodia ang kanyang suot dahil nakapagbihis na siya sa salon kanina. Fitted t-shirt na kulay puti ang suot niya at straight leg pants. Binaliktad na niya ang kanyang t-shirt at para makatiyak sa resulta ng belief na iyon ay idinamay na niya ang kanyang pants sa pagbaliktad.
Nahubad na niya ang kanyang pants at akmang babaliktarin na niya iyon nang saktong may ilaw siyang napansin. Nabuhayan ng loob ang dalaga dahil may sasakyang paparating at tinatahak ang daan patungo sa Santillan.
Dali-daling kumilos si Rosaura at iwinagayway ang nahubad na pants. She was jumping and shouting at desperadong mapara ang sasakyan.
Halos maiyak siya nang pumara iyon. It was tears of relief.
Dumungaw siya sa nakabukas na bintana sa passenger seat side.
“Pasabay po please. Please… Sa Santillan po ako. Please po, pasakayin n’yo ‘ko. I'm alone here and this place is so scary,” she begged to the driver. Her vision was blurry due to her uncontrollable tears. Her voice broke due to sobbing.
“Pasok.” Tipid na wika ng driver. Boses iyon ng lalaki. Deep, darker and fearsome ngunit hndi na iyon napagtuunan ng pansin ni Rosaura dahil desperado na siyang makasakay.
She hurriedly grabbed her backpack and slid inside the vehicle. Umandar kaagad ang sasakyan.
Hinamig niya ang sarili at itinigil ang pag-iyak. Mukha na siyang ewan sa inaakto. Ipinahid niya sa kanyang mukha ang hawak na tela. Suminga pa siya.
“Thank you po talaga sa—”
Naputol ang sana’y sasabihin ni Rosaura nang makuha na niyang lingunin ang lalaking nasa driver seat. On cue, her mouth fell open habang ang kanyang titig ay napako na sa side view ng mukha ng lalaking nasa tabi niya.
He’s a well-built man! Sunod niyang napansin ay ang muscled arm nito kung saan ay hapit na hapit ang manggas ng suot nito. Her gape went bigger upon noticing what he was wearing. She even gasped aloud.
“P-pulis ho kayo?” Halos walang tinig niyang tanong.
“Oo at patrol car itong sinasakyan mo, Ma’am.”
Makailang lunok ang ginawa ng dalaga yet she cannot stop herself from boldly gawking at the uniformed man beside her. ‘Yong kalabog ng dibdib n’ya, para na siyang magkakaroon ng heart attack. Her face felt hot too.
Nahigit ni Rosaura ang hininga nang tinapunan siya ng sulyap ng lalaki.
“Put your pants on, Ma’am baka isipin ng iba na ako ang naghubad niyan sa’yo.” The man uttered through his husky yet humorless tone.
At doon na tinamaan ng labis-labis na hiya si Rosaura nang makita ang kanyang histura. She was damn pantless inside that running police car alone with a ravishingly gorgeous cop!