(3rd person POV)
"Who sent you to kill me!?" Walang emosyong tanong ng lalaking misteryosong naka upo sa high chair.Habang kaharap ang taong nakaluhod sa kanyang harapan na naliligo na sa dugo, dahil sa pag bugbog sa kanya ng mga tauhan niya.
"M-maawa ka s-sakin! p-pakawalan mo na a-ako, di ko t-talaga alam" kanda utal-utal na sabi ng lalaking gustong patayin siya, habang nag mamakaawa ang mukha nito.
"Damn!" napahilot nalang sa sintido ang misteryosong lalaki dahil sa pagka inis nito sa kaharap. Konti lang ang pasensiya niya kaya napupuno na siya.
Pangatlong beses na niya itong tinanong pero wala siyang makuhang matinong sagot, puro paawa nalang. Ubos na ubos na talaga ang pasensiya niya sa lalaking kaharap niya.
"Last question! who is the mastermind behind this s**t! answer correctly or I'll shoot your head!" saad ng misteryosong lalaki at itinutok yung baril sa ulo ng lalaking nasa harapan niya.
Nanlaki naman yung mata nung lalaking tinutukan ng baril .
"H-hindi k-ko t-talaga a-ala---"
Bang*
Umalingawngaw ang putok ng baril, ng ipinutok ito ng misteryosong lalaki sa ulo ng lalaking kaharap niya. Na ngayon ay naka handusay na sasahig at naliligo sa sariling dugo.
"Wrong answer dipshit! Rule number1. Answer directly if not you'll be dead." sabi nung misteryosong lalaki sa nakahandusay na lalaki sa sahig.
Agad tumayo ang misteryosong lalaki sa pag kakaupo at lumabas sa hide out niya. Pero bago siya lumabas may sinabi muna siya sa mga tauhan niya.
"Linisin niyo ang walang kwentang kalat!" Atsaka tuluyan ng lumabas nang hide out para pumuntang parking lot, pagkatapos sumakay na sa kanyang Lamborghini saka ito pinaharurot palayo sa lugar na iyon.

Siya si Rondell Carver Thompson. The mysterious guy. Ang tagapagmana ng Thompson company at Thompson Empire na pinamumunuan ng kanyang amang si Roger Thompson.
The Thompson Empire is a mafia organization na pinamumunuan ni Roger, ang ama ni Rondell.
May tinatayo ring Organisasyon si Rondell na walang kinalaman ang ama niya. Dahil palihim ang Organisasyong ito na pinamumunuan rin ni Rondell.
Wala nang ina si Rondell dahil pinatay ito sa kalabang mafia ng kanyang papa. Hanggang ngayon hindi nila alam kung sino ang pumatay sa ina ni Rondell dahil napaka mysteryoso nito at nagtatago rin ang pumatay. Dahilan para mahirapan siyang hanapin. Kaya para mapadali ang paghahanap niya nagtayo siya ng ilegal na Organisasyon.
At sa kabilang banda. Maraming gustong pumatay kay Rondell, isa na doon yung pinatay niya sa hide-out niya. Hindi naman talaga yun agad mamatay kung hindi siya lumabag sa Rules ni Rondell na iniingatan niyong huwag labagin.
Here's the rules of Rondell's life:
Rule #1
Answer Correctly if not you'll be dead
Rule#2
Don't ask too much
Rule#3
Don't touch or don't come near him (eccept of his friends and father)
Rule#4
No name (means: Don't ask his name)
Rule#5
Don't talk back
Rule#6
Don't beg
Simple lang naman yung rules niya sa buhay. Dapat mong sundin yun kundi gumapang kana papuntang minteryo hanggang maaga pa.
Hindi siya marunong maawa because; He is a cold-hearted guy and a mysterious one. Kaya huwag kanang mag aksaya ng panahon para mag makaawa sa kanya. Nasa Rules niya yan.
Rule#6; Don't beg. Because once you beg, you'll be dead. Ganyan ka strikto sa buhay si Rondell Carver Thompson, dont mess his path kung ayaw mong mauna sa impyerno ang kaluluwa mo.
Iisa lang ang nasa utak niya...
"YOU'LL BE DEAD ONCE YOU MESS WITH RONDELL CARVER THOMPSON. THE MYSTERIOUS MAFIA PRINCE"
*****
Pumunta ng bar si Rondell para mag palamig ng ulo at para makapag isip na rin, sa nangyari sa buhay niya, nitong mga nag daang araw.
Pagdating sa bar, na amoy niya agad ang amoy ng sigarilyo at mga sari-saring amoy ng alak. Sa gilid may nag mimake-out at gumagawa ng kabalbalan pero binaliwala niya lang ito.
It's natural by the way, that's a freaking bar. Ganyan talaga yung mga tao sa loob, mga wild.
Agad siyang nag tungo sa VIP room ng bar. Kilala naman siya nung bouncer dahil sakanila ang bar na pinasukan niya.
Pagka bukas niya palang ng pinto bumungad na sa kanya ang apat niyang kaibigan. iyong tatlo may ka make-out ang mga ito, sa hugis letter U na sofa. At yung isa naman niyang kaibigan ay seryoso lang na naka harap sa alak.
Siya si Ivan Cyle Felix, kaibigan ni Rondell na may pagka masungit at tahimik saka may sarilng mundo pero palihim na nag masid sa paligid niya.
"Uy! Thompson bakit nandito ka? himala yata ah!" agarang sabi ni Dexter Ajel Lander , ang pinaka madaldal sa mag kaibigan
Hindi siya sinagot ni Rondell, bagkus sinamaan lang siya ng tingin nito. Dahil hindi pa ito humihinto sa paghalik sa babaeng kasama niya.
Nakuha naman nilang tatlo ang ibig sabihin ng mga tingin ni Rondell, kaya pinalabas muna nila yung mga ka make-out nilang mga babae.
"Anong problema, pre, may nangyari ba?"tanong ni Harvey Dale Valmec, nang maka upo na sila ng maayos sa malaking sofa. Siya ang pinaka babaero sa magkaka ibigan at may pagka maloko rin.
Uminom muna nang beer si Rondell na kinuha niya sa lamesa bago nag salita.
"May gustong pumatay sakin" aniya gamit ang malamig na boses
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa buong kwarto, pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang iyon.
SILENCE
SILENCE
SILENCE
"Pffft.... hahahahahaha " tawa nang apat
=__________=
"Hahahahahaha ANAK NG P*TA! HAHAHAHHA"
=__________=
"Tatahimik ba kayo o ipapalamon ko ang bala ng baril ko!"parang kulog ang boses ng lalaking bagot na bagot kakatingin sakanila. Agad humupa ang tawanan ng apat ng mapagtanto nilang hindi ito nag bibiro.
Nag seryoso na sila kahit pa nagpipigil parin tumawa. Kahit natakot sila sa banta ng binata natawa parin ang apat niyang kaibigan. Alam nilang apat kung paano magbanta ang mysteryosong lalaking ito.
"Pfft... Ano namang bago dun, e, anak ka nang pinaka mayaman sa buong Asya kaya marami talagang gusto pumatay sayo at ikaw ba naman ang anak ng hari ng Thompson Empire" sabi ni Tristan Santillian, ang pinaka makulit sa magkakaibigan
"Oo nga tama ka pareng Tristan, anong bago dun Thompson? Araw-araw naman talagang may nagtatangkang patayin ka" sabi ni Dexter
"This is different from the past I've encountered"
Natahimik naman sila.
"Teka, diba dalawang linggo nang pinagtangkaan ang buhay mo dude? pero hindi sila nag tagumpay. Ngayon ko lang napagtanto na may gusto talagang pumatay sayo" sabi ni Dexter na parang nakuha na ang pinunto ni Rondell sakanila
"Ni isa walang nagtagumpay" walang ganang sabi ni Rondell at umiling-iling pa ito. Hindi makapaniwala sa daming napatay niyang taong tumangkang patayin siya.
Tumawa si Tristan "Ikaw pa magaling ka kasi kaya wala talagang makakatalo kay Rondell Thomp--- hehehe sabi ko nga eh seryoso tayo dito hehehe" parang tangang sabi ni Tristan ng tinutukan siya nang baril sa noo.
"I'm serious here Santillian stop laughing, you idiot!" Rondell na may pagbabanta sa boses
"Hehehe seryoso naman talaga ako eh' pinapatawa ko lang kayo. Ibaba mo na yang baril mo, gusto ko pang mabuhay, pre"
"Tsk"
Nilagay ni Rondell ang baril sa lamesa kaya nakahinga nang maluwag ang nanginginig na binata.
"Muntik na yun" bulong niya, tinignan niya yung tatlo (Harvey,Dexter,Ivan) nagpipigil sila nang tawa habang naka tingin sa kanya ng nakakaloko. Sinamaan niya ito nang tingin.
"Ehem! baka naman isa yung gustong mamuno sa Thompson Empire at agawin ang pwesto nang papa mo dude" pag iiba nang topic ni Tristan
Tinignan niya ulit ang tatlo, sumeryoso na ang mukha ni Ivan. Sina Dexter at Harvey naman ay may mapang asar parin na ngiti habang naka tingin sa kanya, kaya mas lalong sumama yung tingin niya sa dalawa.
Kumuyom naman ang kamao ni Rondell pagka dinig niya sa sinabi ni Tristan.
"Hindi mangyayari yan, kong sino mang satanas ang nasa likod nito. Nakakasiguro akong may libingan ng nakahanda para sa kanya" Nag aalab sa galit ang lalaking nanginginig sa galit na tagis ang bagang binanggit iyon.
Ganyan ka mahal ni Rondell ang papa niya, gagawin niya lahat nang makakaya niya para sa ikabubuti ng ama niya.
Lahat kayang gawin ni Rondell para protektahan ang kanilang organisasyon at ang Thompson Empire at higit sa lahat ang kanyang ama.