“I HATE YOU, CLINT!!!” ang gustong isigaw ni Syrene, ngunit dahil nasa ilalim siya ng swimming pool, pawang bubbgles lamang ang lumabas sa kanyang bibig. Kahit kailan talaga, napaka-babaero pa rin ng binata. Pagkatapos nitong makuha ang virginity ni Syrene, hayun, at si Reina na naman ang gustong puntiryahin ng g*go. Hindi siya tumigil sa kakasuntok at kakasipa kahit naninikip na ang dibdib niya dahil halos wala na siyang hangin. Mayamaya, pakiramdam niya ay malapit na yata talaga siyang malagutan ng hininga. Wala na yata talagang oxygen ang utak niya dahil nagha-hallucinate na siya. Ini-imagine lang naman sana niyang si Clint Carter ang sinusuntok at sinisipa niya kanina pero ngayon, parang totoong totoo na talagang lumalangoy ito papunta sa kanya. Sobrang guwapo nito kahit nasa