CHAPTER 21 THE MAFIA LADY BOSS “Walang silbi yung gandang meron ka ngayon kung mahina ka sa combat at shooting. Hindi rin maganda na porke maganda ka na at alam ka na sa pakikipaglaban, marunong ka na sa lahat ay tira lang ng tira. Alam mo dapat kung kailan ka susugod.” “Andami mong satsat!” Mabilis na inipit ni Mia ang ipinukol sa kanyang knife kanina gamit ang paa. Nang pumaimbulog ang knife ay agad niya itong kinuha at walang sabi-sabing tinarget niya ang dibdib ni Lee. Hindi iyon napaghandaan ni Lee. Nanlaki ang mga mata niya. Paniguradong maitatarak ang kutsilyo sa dibdib niya kung hindi siya makaisip agad ng diskarte kung paano niya iiwasan ang kutsilyong iyon. Mukha yatang na-underestimate niya ang dalaga. Nakaiwas siya pero may daplis din siya kagaya ni Mia. Ang nakakahiy