CHAPTER 32 THE MAFIA LADY BOSS “Miss, pasensiya na istorbo.” Isang boses iyon sa kanyang likod. Napalunok si Mia. Pinunasan niya agad ang kanyang mga luha bago niya hinarap at tinignan ang lalaking nagsabi niyon. Ang sepulturero na kausap ni Liam kanina ang lumapit sa kanya. Nawala ang kaba niya sa dibdib. Akala niya si Liam ang bumalik. Kung nagkataon pa’no ngayon ipaliliwanag ang kanyang mga pagluha? “Bakit ho?” “Ikaw ba si Mia, yung anak ng nakalibing diyan?” “Oho, bakit ho?” “Sayang hindi kayo nagpang-abot nong lalaki. Naku, nakailang balik na kasi ‘yon dito. May dalawa siyang sulat na iniwan. Una e noong nakaraang taon pa at pangalawa yung isa ngayon lang. Nang makita kita rito, kinuha ko muna yung isa para dalawa kong iabot sa’yo.” Kinuha ni Mia ang inaabot sa kanyang s