SINDIKATO

1708 Words
CHAPTER 9 THE MAFIA LADY BOSS By: Joemar Ancheta Pinilit niyang makawala, gumawa ng ingay ngunit kulang ang kanyang lakas. Sinubukan niyang sipain ang estrangherong iyon. Siniko niya ng siniko baka mabitiwan siya nito ngunit lalong dumiin ang pagkakatakip ng kanyang ilong at bibig. Hindi niya kayang labanan ang lalaking iyon. Kulang siya sa lakas, salat sa kaalaman kung paano niya ipagtatanggol ang sarili at ang Nanay niyang tulog pa sa loob. Hanggang sa binuksan ng lalaki ang pintuan kung saan natutulog ang Nanay niya. Itinulak siya ng ubod ng lakas. Saka siya nito sinipa. Napasubsob siya sa Nanay niya. Binuksan ng lalaki ang ilaw. Naalimpungatan ang Nanay niya. Napasigaw siya nang makita niya ang mga armadong lalaki na pumasok sa kanilang bahay. Ngunit nang tutukan sila ng baril ay tumahimik ang Nanay niya sa takot. “Nasaan ang bato at pera!” Singhal ng lalaki sa kanilang mag-ina habang nakatutok pa rin sa kanila ang baril. Mabilis na niyakap ni Tally ang anak kahit pa hindi niya lubos naiintindihan kung anong nagyayari. “Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa amin?” “Sino kami? Pare, sino raw tayo!” tanong niya sa katabi niyang tumatawa rin. Hinawakan ng lalaki ang kanyang mahabang balbas habang nakangisi. Malalaki ang mga katawan nila. Parang mga kontrabida sa mga lumang pelikula.  Tatlo ang nasa loob ng kuwarto at ang ilan ay nakakalat na sa labas na para bang may mga hinahanap. “Ilabas na ninyo ang pera at bato nang hindi kayo masaktan. Iyon lang ang pakay namin. Iyon lang ang utos pero kung hindi kayo marunong makisama, pasensiyahan na lang tayo.” “Anong pera? Wala kaming pera. Nangungupahan lang kami rito. Hindi kami mayaman. Wala kaming alam sa mga sinasabi ninyo. Ano bang pera at bato ang hinahanap ninyo? Anong klaseng bato?” takot na takot at naguguluhang tanong ni Tally. “Hindi mo alam? Wala kang alam sa trabaho ng asawa mo?” “Marangal ang trabaho ng asawa ko.” “Marangal? Putang ina. Ibig sabihin lahat kami rito ay marangal.” “Nagkakamali nga kayo. Hindi ko man alam kung ano ang trabaho ni Dindo pero hindi kailanman iyon gagawa ng illegal.” “Talaga? Wala ka talagang alam kung saan niya itinago ang kakukuha lang niyang droga at nasingilan niyang pera kay Boss?” “Droga? Paanong magkaroon ng droga sa bahay e wala naman gumagamit sa amin. Hindi naman kami nagtutulak? Baka maling bahay ang napasok ninyo. Saka patay na ang asawa ko. Paanong…” “Iyon na nga eh!” hindi na pinatapos ng isa ang sasabihin dapat ni Tally. “Patay na ang asawa mo kaya dapat, ibalik sa amin ang hindi niya naintrigang pera at droga.” “Kung meron man kayong transaksiyon sa asawa ko, wala kaming alam na mag-ina. Kung gusto ninyong halughugin ang bahay, gawin ninyo basta please! Huwag ninyo kaming sasaktan. Huwag ninyong sasaktan ang anak ko!” Noon lang nakita ni Mia na palaban rin pala ang Nanay niya. Itinatago-tago pa siya nito sa likod niya para protektahan. “Sige subukan naming halughugin pero kung wala kaming mahanap. Tutuluyan namin kayong dalawa. Bayad ng atraso ng asawa mo kay bossing! Sige na! Halughugin ang buong bahay. Kunin ang lahat ng mapakinabangan!” Ramdam ni Mia ang panginginig ng Nanay niya habang niyayakap siya. Ano bang kamalasan ito? Bakit hindi na sila tinatantanan ng mga pagsubok. Narinig niyang bumubulong ang Nanay niya ng isang dasal. Hinawakan niya ang kamay ng Nanay niya. Sabay silang nagdasal na sana hindi sila sasaktan ng mga lalaking ito. Sana mahanap nila ang kanilang mga hinahanap at aalis na hindi sila sasaktan. Wala silang mahingan ng tulong. Ang tanging meron lang sila ng mga sandaling iyon ay ang isa’t isa. Ilang sandali lang at pumasok ang mga armadong lalaki sa kanilang kuwarto. Lahat ng laman ng cabinet nila, pinagtatanggal. Pati ang kanilang mga kama ay binuwal. Parang dinaanan ng malakas na bagyo ang kanilang bahay ngunit bigo silang mahanap ang kanilang hinahanap. “Wala! Ang bilin sa amin, kung wala kaming mahanap e buhay na lang ang kapalit. Dahil wala sa inyo ang gustong maglabas at magsabi kung nasaan ang pera at bato ng boss namin na kinuha ng asawa mo! Papatayin na lang namin kayo.” “Huwag po! Parang awa na ninyo. Wala kaming alam sa sinasabi ninyong pera o bato!” “Mukhag maganda naman kayong dalawa. Sayang naman kung papatayin na lang namin kayo na hindi mapakinabangan. Mukhang itong anak mo e, masarap pagpasa-pasahan at ikaw e may asim pa rin naman.” Dinilaan ng lalaki ang pisngi ni Tally. Nangnginig si Tally na niyakap ang anak. Inilayo niya sa mga lalaki. Hindi pwedeng galawin nila ang anak niya. Magkakamatayan na pero hindi siya papayag na halinhinang halayin siya ng mga ito. “Ano, magsasabi ba kayo o gagawin na naman muna ito!” biglang hinablot ng lalaki ang dapat ni Tally. Napunit ito at lumabas ang kanyang maputing katawan. Pilit hinablot ng isa pang balbas sarado na malaki ang katawan si Mia mula kay Tally. “Nay! Nanay koooo!” sigaw ng takot na takot na si Mia. “Huwag ninyong saktan ang anak. Maawa naman kayo sa amin. Wala kaming kasalanan sa inyo. Hindi namin alam ang mga sinasabi ninyo at kung alam namin, dapat kanina pa namin ito inilabas!” “Kung wala kayong alam e kami na lang ang bahala sa inyo! Kami na lang ang magpapaligaya sa inyo Ha Ha Ha!” humahalakhak na sila at pilit pinahiga si Tally. Tinatanggal na ang panty niya habang malakas na pinunit ang damit ni Mia. Kitang-kita ni Mia na kahit nilalapastangan na ng mga armado ang nanay niya ay sa kanya pa rin ang atensiyon nito. Nagwawala ang Nanay niya at lumalaban kahit sa kawalang pag-asa hindi para sa sa sarili nito kundi para sa kanya. Hindi kakayanin ni Tally na makita ang anak na yuyurakan ang kanyang p********e. Sipa, sampal, kalmot at suntok ang ginawa ni Tally para lang makalapit siya sa anak na noon ay halos mahubaran na ngunit ang kapalit ng mga ginawa niyang iyon ay malakas na sampal, sabunot at tinutukan na siya ng baril sa ulo. “Huwag po! Bitiwan ninyo ang Nanay ko. Magsasalita na ho ako.” Tumingin ang lahat sa kanya. Napangisi. “Sasabihin ko kung nasaan ang pera basta po huwag ninyo kaming sasaktan at pagsamantalahan. Saka po bitiwan na ho ninyo ang Nanay ko” Humihikbing pahayag ni Mia. “Oh, alam mo naman pala e. Pinahaba mo pa. Gusto mo pang masaktan kayong mag-ina. Sige. Hayan, binitiwan ko na ang Nanay mo.” Mabilis na itinaas ni Tally ang halos mahubad nang pang-ibaba niya at dali-dali niyang hinila ang anak palayo sa kanila. “Mangako kayo na hindi ninyo kami sasaktan. Please.” “Sige na! Andami pang sinasabi! Ilabas mo ang pera at bato, aalis kami rito at hindi namin kayo sasaktan. Hindi namin kayo pagsasamantalahan.” “Anak, ano ‘to? Anong ginagawa mo?” “Nay, ibinilin sa akin ni Tata yang pera. Para sana sa atin iyon. Para makapagsimula tayo.” “May alam ka tungkol rito?” “Sinabi sa akin ni Tatay bago siya nalagutan ng hininga. Sorry Nay, Sorry kay Tatay. Hindi ko kayang nakikita kayong nasasaktan dahil hindi ko inilalabas ang pera.” “Ano na! Antagal ah!” singhal ng pinuno nila. Itunutok kay Mia ang baril. “Ituro mo na kung saan dahil nagmamadali kami!” Bumitaw si Mia sa Nanay niya. Lumabas siya ng kuwarto. Sumunod ang Nanay niyang nakatingin. Kinakabahan para sa anak. Paniguradong papatayin nila si Mia kung mapatunayan nilang nagsisinungaling ito. Hindi niya kakayanin na mangyari iyon kaya alerto siya sa maaring mangyari. Nang nasa kusina na sila ay binuksan ni Mia ang baba ng lababo. May mga bote doong nakasalansan. Maingat at dahan niyang pinagtatanggal. Kinakabahan siya ng malapit nang matanggal ang lahat ng mga bote doon ngunit walang pera. “Niloloko mo ba kami? Asana ng pera!” “Dito ho. Bago namatay si Tatay. Sinabi niyang nandito ang pera!” “Oh asan! Bakit wala! Nasaan ang pera! Nasaan hayop ka!” malakas siyang sinipa ng lalaki dahil sa galit nito. “Miaaaa! Huwag mong saktan ang anak ko! Tulongggggg! Tulungan ninyo kami!” Napasigaw si Tally ng ubod ng lakas. Mabilis siyang sinampal ng katabi nitong lalaki gamit ang hawak nitonng baril. Dumugo ang nguso ni Tally. Nabunutan pa siya ng ngipin sa tindi ng pagkakahampas ng lalaki sa baril. “Sige! Sumigaw ka pa nang tutuluyan ko na kayong mag-ina! Dahil sa pagkakasipa ng lalaki kay Mia ay natabig niya ang sahig sa loob ng baba ng sink. Gumalaw iyon. Ibig sabihin, nakapatong lang ang isang tiles at hindi talaga siya nakasemento. Dahan-dahan niyang inangat at nakita niya ang dalawang bag. Kinuha niya iyon at ibinagsak niya sa harap ng mga sindikato. “Heto ba? Heto baa ng hinahanap ninyo?” “Yown! Nakita rin. Buksan mo nga Gino nang ma-check kung ‘yan na nga ‘yon?” Binuksan ng lalaking inutusan ang bag at tumambad ang napakaraming pera. Ang isang bag ay naglalaman din ng mga nakasupot na kulay puti na parang asin o tawas. Hindi tanga si Mia. Alam niyang droga ang mga iyon. Sila ang nagbabayad ng Nanay niya sa kasalanang naiwan ng kanyang Tatay. Nagkatinginan silang mag-ina. Hindi alam ni Tally ang tungkol doon ngunit si Mia, dati na siyang may kutob ngunit ngayon lang niya napatunayan. “Sige kunin na ‘yan. Dali at naghihintay na si Bossing!” Nilapitan ni Tally ang anak. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Anong alam ni Mia na hindi niya pa alam? Tinandaang mabuti ni MIa ang mga pagmumukha ng mga lalaking iyon. Gusto niyang maikintal sa isip niya at hindi niya makakalimutan ang mga iyon. Babalikan niya sila. Maniningil din siya ng pautang kung kailan handa na siyang lumaban. Paghahandaan niya ang muli nilang paghaharap at pagsisisihan ng mga ito ang lahat ng ginawa sa kanilang mag-ina. Bago lumabas ang mga lalaki sa pintuan ay itinutok ng pinuno nila ang baril na hawak nito sa  kanila.  “Adios!” sigaw nito kasabay ng pagputok ng baril. Dumaloy ang masaganang dugo sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD