CHAPTER 23 THE MAFIA LADY BOSS Sandali siyang nakiramdam. Hindi na dapat siyang pakampante lang. Ayaw niyang matakot pero sumasagi sa isip niya ang mga tulisan o rebelde na maaring pakalat-kalat lang sa paligid. Paano kung mangyari muli sa kanya ang nangyari noon. Bahala na pero kailangan niyang maging alerto. Muli siyang humiga nang nasigurong walang tao sa loob ng tinutuluyan niyang kubo at pinakiramdaman na rin niya kung may alingasngas sa labas. Tanging mga huni ng mga ligaw na hayop ang nangingibabaw. Ngunit hindi niya alam, parang iba ang pakiramdam niya. Para talagangng may hindi tama. May nararamdaman siyang tao sa loob pero hindi niya makita. Sa katulad kong dumaan sa mga pang-aabuso. Nagkaroon na siya ng trauma. Minabuti niyang makiramdam kahit pa nakapikit na siya lalo pa