CHAPTER 12 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Bumalik lamang ang kanyang katinuan nang makitang palapit na ang mga nag- iinumang pulis. Hindi niya nakakalimutan ang mukhang iyon. Ang gagong nagpahirap sa kanilang buhay. Nanlilisik ang kanilang mga mata. Sa isang iglap pa’y hawak- hawak na nila ang kanilang mgg baril at ang isa ay may inaapuhap naman sa kanyang tagiliran na patalim. Nanginig siya sa takot. Pakiramdam niya ay may napakalakas na boltaheng nagmula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mga paa dahilan para hindi na niya maikilos pa ang mga paa nang ilang sandali. “Hayop kang magnanakaw ka! Siguro mga pare, ito na ‘yung matagal na nating hinahanap na nang- aagaw ng celphone at nanghohold up dito sa banda sa atin.” “Natumbok din natin. Hindi na natin siya pakakawalan. Sa wakas