FIGHTING

1595 Words

CHAPTER 14 THE MAFIA LADY BOSS BY JOEMAR ANCHETA    Nagsisigaw sa isip ni Mia ang pagmumurang “Mga Hayop! Mga Kriminal! Mga putang ina!” Bumibigay na ang katawan ni Mia ngunit nasa isip niya ang Nanay niya. Iyon na lang ang gahiblang dahilan kung bakit hindi siya bumibitaw. Hindi kasi siya pwedeng mamatay. Oo nga’t lasog lasog na ang pakiramdam niya sa kanyang katawan, gutay-gutay na ang kanyang dangal pero hindi iyon dahilan para mamatay siya at iwan na mag-isa ang Nanay niyang hindi na kaya ang sarili. Hindi na niya alam ang masakit. Manhid na nga yata ang kanyang katawan. Wala na. Hindi na rin siya naniniwala pang may Diyos. Bakit siya pinababayaan ngayon kung sadyang alam niya ang lahat ng nangyayari sa mundo? Kahit pa ipagtulakan silang mag-ina sa simbahan dahil sa amoy basura

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD