CHAPTER 31 THE MAFIA LADY BOSS Dala ni Mia ang sana ay dala niya para sa Nanay niya nang ginahasa siya ng grupo ni Chavez. Ngayon na tapos na siya sa misyon niyang maghiganti at matatagalan muli na bibisita siya sa puntod ng kanyang mga magulang, alam niyang kailangan niyang magpaalam. Makausap ang kanyang mga magulang. Sabihin ang lahat na nangyari sa kanyang buhay. Nandito siya dahil kailangan na niyang magpaalam. Ngunit malayo pa lang siya ay nabungaran na niya agad na may bisita ang Nanay at Tatay niya. Sino kaya ang lalaking iyon na nakatalikod? Matangkad, malaki ang katawan at maputi. Ang buhok ay gupit ng mga nagte-training ng sundalo o pulis. Maiksi. Sandali siyang huminto. May kutob na siya dahil wala naman ibang lalaki na pupunta at bibisita pa roon kundi si… Lumingon ang