CHAPTER 26 THE MAFIA LADY BOSS Isang araw, iniharap ni Masters kay Mia ang tatlong matitikas na lalaki na mahuhusay sa martial arts. Mahusay sila sa mga basic na pakikipaglaban. Mukhang tagilid si Mia sa porma at katawan pa lamang. Ngunit tama na ang pagkapahiya niya sa mga nakaaran. Gusto rin niyang marinig kay Master Lee na mahusay na siya. Na kaya na niya. Naatat na kasi siyang lumabas at gamitin ang lahat ng kanyang kaalaman sa totoong buhay. Gusto na niyang makaganti sa mga namantala sa kanya. Pumuwesto si Mia. Yung tayo niya, yung porma, yung kabuuan. Alam ni Mster Lee na handa na iyo. Gusto niya lang sagarin. Gusto niyang nakahanda na ang dalaga paglabas niya sa totoong mundo. Mabilis ang galaw ng mga mata ni Mia. Plano bago sugod ang kanyang taktika. Hindi niya kailangang su