CHAPTER 29 THE MAFIA LADY BOSS Nagkatinginan ang lahat. Dadalhin niya ang mga tarantadong mga ito sa nakaraan. At iiwanan niya silang lahat nang wala ng hininga. Masyadong madali ang paghihiganti niya ngunit kailangan nang matapos ito. Gusto niya doon sa lugar na iyon niya ikukuwento sa lahat ang kanyang sinapit. Doon na rin lang niya sila sisingilin ng higit pang sakit na kanyang naranasan noon. “Pwede bang sumabay mamaya sa inyo pag-uwi ninyo ng Angeles at idaan ninyo ako sandali sa lumang gusali na sinasabi ko?” dinilaan ni Mia ang labi saka niya piniikot-ikot ang daliri niya sa hawak niyang wine glass. Alam niyang trying hard ang dating ng kanyang paglalandi pero kailangan niyang pasabikin si Chavez. “Bakit magalit si Boss Eagle,” pinagpapawisan na si Chavez. Kanina pa niya guston