SA PAGKITIL NG BUHAY

1432 Words
 THE LADY MAFIA BOSS By: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 6 Mabilis siyang tumakbo palapit sa nakahandusay na Tatay niya. “Tatay! Tatayyyy ko! Tayyyyy!” sigaw niya habang tinatanggal niya ang helmet nito. “Tulungan ninyo ako! Tulungan ninyo kami! Dalhin natin sa hospital ang tatay ko!” Ngunit walang ni isang lumalapit. Patuloy pa rin ang mga putukan sa paligid dahil hindi sumusuko ang mga nagangalakal sa mga pulis. “A-nak! A-anak ko…” mahinang tawag ni Dindo sa anak. Itinaas nito ang duguang mga kamay. Ito ang pinaka-ayaw sana niyang mangyari. Ito na nga kinatatakutan niya. Dumating na ang araw na kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng kanyang ginagawang pagtutulak ng droga. Paano niya sasabihin sa anak na mula sa pagiging drug mule kung saan ginagamit niya ang pagiging mangangalakal kuno para habang namamalimos kunyari sa mga parating na sasakyan at iaabot ang droga sa mga contacts ng Amo niya. Nang lumaon dahil sa pinagkatiwalaan siya ng kanyang Amo naging drug pusher na siya. Siya na mismo ang nagtitinda sa kahit sinong nangangailangan at may cash na siyang hawak at nitong huli nagiging mas malaki na kitaan dahil nagiging drug dealer na siya. Siya na mismo ang namumudmod ng mga droga sa lahat ng kanyang mga contacts. Hindi niya gustong malaman ng anak niya ang tungkol dito. Isasama niya hanggang hukay ang kanyang trabaho. “Tay, sandali ho. Tatawag tayo ng tulong. Dadalhin ka namin sa hospital. Tulongggg! Tulungan ninyo kami!!!!!” sigaw ni Mia. “A-nak, makinig ka. May ipon akong pera na nakalagay sa baba ng sirang sink sa kusina. Aabot ng iyon ng milyon. Sapat na pera para mapagsimulan ninyo ng Nanay mo. Umuwi na kayong Cagayan anak. Doon lang matatahimik ang buhay ninyo… a-nak… patawa-rin mo… “ huminga ng malalim si Dindo pinipilit niyang lumaban para sa anak. “Patawad dahil hindi naging….” Pakiramdam niya ay may kumunoy na humihila sa kanyang hininga. “Ikaw na ang bahala sa Nanay mo. Mas malakas ka kaysa sa kanya, anak. Huwag kang magsabi sa kanya ng lalo niyang ikalungkot. Isikreto mo na lang sa kanya ang lahat ng ito. Sabihin mo sa kanyang nabaril lang ako ng ligaw na bala. Anak, malakas ka, mahina si Nanay kaya sana… sana….” Biglang parang dumilim ang kanyang paningin na kahit gusto niyang ibuka ang kanyang labi at maghabilin sa kanyang anak ay hindi na niya kaya pa. Dinig niya ang unang mga sigaw ni Mia. Nanghihingi ng tulong hanggang sa parang boses ni Liam ang naririnig na niya ngunit hindi niya ito nakikita pa. Pakiramdam niya ay sumisikip ang kanyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga. Ito lang kasi ang tanging paraan niya noon para gumaan ang buhay ng kanyang pamilya. Kapit patalim ang kanyang ginawa. Umagos ang kanyang luha habang padilim ang kanyang mundo. Nakita niya sa balintataw niya ang sanggol na si Mia. Ang paghahabulan nila ng anak sa dalampasigan ng Palaui habang tumatawa si Tally na nakamasid sa kanilang mag-ama.    “Daddy! Daddyyyy tulungan ninyo kami! Dalhin natin si Tito sa hospital!” sigaw ni Liam nang makita niya si Mia na humahagulgol nang nakayakap sa parang walang buhay niyang Tatay. Mabilis na bumaba sa sasakyan si Jake at binuhat niya ang wala nang buhay na si Dindo. Alam niyang siya ang nakabaril kay Dindo kanina ngunit huli na nang marinig niya ang boses ni Mia. Naiputok na niya ang baril na hawak niya. Tinamaan na niya si Dindo na hindi naman talaga niya alam na si Dindo ito. Ang alam lang niya ay pinamumugaran ito ng mga drug mules, drug pushers at drug dealers at ginagamit ang grupo ng mga nagbabalat-kayong mga mangangalakal para makapagbenta ng hindi pinaghihinalaan. Wala sa hinagap niya na isa sa mga ito si Dindo. Ayaw niyang kamuhian siya ng kanyang anak kaya naisip niyang itago o itanggi ang lahat kung sakali mang magsasabi si Mia na alam niyang nakakita sa hindi niya inaasahang pagbaril niya sa Tatay nito. Nang naihiga niya ang duguang si Dindo sa loob ng sasakyan ay mabilis na ring sumakay si Mia sa likod at si Liam. Panay ang hagulgol ni Mia. Nakaramdam siya ng awa. Naisip niya, paano ang pamilya ngayon ni Dindo? Ngayong paalis na rin silang pamilya papuntang Cavite dahil tinanggap na niya ang mataas na posisyong iniaalok sa kanya. Balak niyang dalhin ang pamilya niya roon at hindi pa niya ito nasasabi sa anak. Ngayon pa lang sana niya ito ipagtatapat. Huminga siya nang malalim. Awang-awa siya kay Mia. Kung alam lang niya na Dindo ang naka-helmet na iyon, ginawa niya ang lahat para pasukuin na lang ito. Ngunit may hawak na baril si Dindo. Nakikipagpalitan ng putukan at kahit ayaw niyang pumatay ay nagawa niya dahil hindi na sila ligtas pa sa kalaban. Nagtama ang tingin nila ni Mia sa salamin. May galit sa mga mata nito. Alam niyang gusto siya nitong sumbatan. Sabihin na siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang kanyang ama. Kaya ba niyang sabihin na binaril niya si Dindo dahil miyembro ito ng sindikatong nagbebenta ng droga? Kaya ba niyang sirain ang isang ama sa mata ng anak lalo na’t alam niyang napakabait na ama ni Dindo kay Mia at kahit sa kanyang anak na si Liam. Naluha siya dahil nakita niya si Liam na kasama ni Mia na humahagulgol at humihingi ng tulong at awa mula sa Diyos. “Dadddddyyyy! Hindi na humihinga si Tito! Bilisan mo pa!” “Oo ‘nak. Malapit na tayo.” Ngunit alam niyang hindi na aabot pa si Dindo sa hospital nang buhay. Pagkarating nila ay agad na dinala si Dindo sa loob ng hospital kasunod ang anak. Sinamahan ni Liam si Mia at naiwan siya sa parking lot. Naglabas siya ng sigarilyo. May mga nabaril na rin naman siyang mga masasamang loob. May mga napatay ngunit ngayon lang siya tinamaan ng husto. Ngayon lang siya nakokonsensiya lalo pa’t alam niyang mabuting tao na biktima ng lipunan ang kanyang nabaril. May inosenteng asawa at anak na madadamay.   “Pasensiya na. Dead on arrival na ang pasyente nang dinala ninyo rito,” bungad ng Doktor kay Mia paglabas nito sa Emergency Room. “Liam, patay na si Tatay! Paano na kami ngayon ni Nanay.” Lalong lumakas ang hagulgol ni Miah. “Tawagan natin si Tita. Kailangan nating ipaalam sa kanya ito.” “Pinatay ng Daddy mo ang Tatay ko! Siya ang bumaril sa Tatay ko!” “Ano? Anong pinagsasabi mo? Si Daddy nga ang tumulong sa atin para madala sa hospital si Tito. Saka kanina, paglabas ko ng fastfood, naroon si Daddy. Kasama ko siya. Paanong si Daddy?” “Nakita ko! Kitang-kita ko ang ginawang pagbaril ni Tito kay Tatay. Sumigaw pa nga ako na huwag niyang ituloy pero binaril pa rin niya si Tatay.” “Hindi Mia. Hindi magagawa ng Daddy ‘yan. Baka nagkakamali ka lang. Hindi gagawin ni Daddy kay Tito ‘yan.” “Alam ko kung anong nakita ko. Hindi ko pagbibintangan ang Daddy mo ng basta-basta! Kung siya ang paniniwalaan mo, umalis ka dito! Hindi kita kailangan! Hindi ko kayo kailangan!” sigaw ni Mia kay Liam. Pinagtulakan niya ito palayo. Sinusuntok sa dibdib. Nang makita ni Jake na itinutulak at sinusuntok ni Mia ang panganay niya ay mabilis niya itong nilapitan at inilayo sa nagwawalang si Mia. “Pinatay si Tatay! Binaril mo siya!” “Dad! Anong sinasabi ni Mia? Totoo ba? Ikaw baa ng pumatay kay Tito?” “Hindi anak. Mia, hindi ako. Sa dami kanina ng bumabaril na mga pulis, paanong ako? Isa pa, hindi ako kasama sa mga rumispondeng pulis kanina. Maaring nagkakamali ka lang.” “Sinungaling! Napakasinungaling mo, Tito. Pero alam ko at alam ng Diyos na ikaw ang pumatay kay Tatay. Umalis kayo rito! Hindi ko kayo kailangan! Umalis kayo!” sigaw ni Mia at walang nagawa ang mag-ama kundi ang lumisan.   “Dad, totoo ba ang sinasabi ni Mia? Ikaw ang bumaril kay Tito?” tanong ni Liam nang nasa sasakyan na sila. Ayaw pa sana ni Liam ang sumama sa Daddy niya at gusto niyang samahan si Mia sa puntong ito ng buhay niya ngunit hinila siya ng Daddy niya. "Dad, please! Anong totoo? Gusto kong malaman kung ano ang totoong nangyari!"  Hindi alam ni Jake kung aamin siya. Alam niyang magbabago ang tingin ng anak sa kanya kug nagkataon. Naiipit siya sa sitwasyon. Naaawa siya kay Mia at kay Tally. Bakit ba nangyari ang lahat ng ito ngayon? Paano siya magsasabi sa kanyang anak ng totoo kung alam niyang malaki ang magiging epekto nito sa pakikitungo sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD