Chapter 43 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA “Sir, may naghahanap sa inyo sa labas. Daddy niyo daw. Si General daw ho.” Napalakas na sigaw ng ninenerbyos na attendant dahil sa nadatnan niyang kaguluhan. “Anong gingawa ni Daddy dito? Bakit daw?” sagot ni Liam. Nagulat si Leigh. Nagkatitigan sila. General? Si Eagle ba ang dumating na sinasabi ng attendant? Hindi dapat malaman ni General na magkakilala sila ni Liam. Hindi niya iyon inamin na kilala niya ang Daddy ni Liam nang pinatay niya ito. Lumambot ang mga kamao ni Leigh. Umurong siya. Lumayo. Paglabas ni Liam ay nakita niya ang magarang sasakyan ng kanyang ninong na General at Daddy ni Avi. Naka-hazzard lang ito sa gilid ng daan. Nakita niya ang nakakalat sa paligid na mga bodyguard nito na nagmamasid sa