CHAPTER 15 THE MAFIA LADY BOSS BY JOEMAR ANCHETA “Magpahinga ka iha. Marami tayong pag-uusapan. Babaguhin natin ang buhay mo. Magiging hindi ka lang basta-bastang babae. Nakikita ko sa’yo ang tatag ng kalooban at tibay ng katawan. Kagaya mo ang matagal ko nang hinahanap. Kagaya moa ng gusto kong tulungan.” Malinaw kong narinig iyon sa estrangherong iyon. Tama ang lalaking iyon. Kailangan ko munang magpahinga. Wala akong ginawa kundi magpahinga at magpalakas ng katawan. Iyon ang kailangan kong unahin. Kung gusto kong lumaban ng patas, kailangan bumalik ang aking lakas at matutong lumabang mag-isa sa kahit anong paraan at proseso. “Kailangan ko ang tulong ninyo?” pakiusap ko kinabukasan at muli akong dinalaw ng estranghero. “Tulong agad? Hindi ba pwedeng magpakilala mun