PUPPY LOVE

2188 Words
THE LADY MAFIA BOSS  By: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 4  Sumama silang mag-inat sa Tatay niya at sa isang apartment na may dalawang kuwarto sila tumira. Hindi man kalakihan ang bahay ngunit malayong maayos ito kaysa sa dating bahay na pinagsusumiksikan nilang tirhan kasama ng mga kapatid at kamag-anak ng kanyang Nanay. Noon ay nakita niyang napapaluha sa sobrang saya ang kanyang Nanay lalo pa’t kumpleto na sa gamit at appliances ang bago naming titirhan. Biglang sa isang iglap ay nagbago ang kanilang buhay. Pwede na siyang manood ng TV hanggang anong at kahit anong oras niya gugustuhin. Natitikman na muli niya ang mga masasarap na luto ng Nanay niya. Hindi na ito pagod sa pagtatanggap ng labada. Hindi na nabubulyawan. Hindi minamaliit. Naging masaya na muli ang Tatay at Nanay niya. “Huwag kang lumayo, Mia ha? Diyan ka lang sa tapat maglaro.” “Oo Nay diyan lang ho ako sa tapat,” sagot niya dala ang manika at baril-barilan na binili sa kanya ng Tatay niya noong isang Linggo pagkatapos nilang kumain sa isang fastfood.                 Abala siya sa pagpapatunog sa kanyang baril nag biglang may bilang tumatalbog-talbog palapit sa kanya. Hinahabol iyon ni….                 “Liam?” naalala niya agad ang batang nagligtas sa kanya nang muntikan na siyang mabundol. “Liam! Ikaw nga.”                 “Uy! Mia dito ka nakatira?”                 “Bago lang kami dito. Ikaw? Saan bahay ninyo?”                 “Hayan oh!” itinuro ni Liam ang isang magara at malaking bahay.                 “Ang yaman talaga ninyo ano?”                 “Mayaman? Hindi ko alam. Tara, laro tayo sa bahay.”                 “Ayaw ni Nanay na lumayo ako e. Gusto niya dito lang sa tapat ng bahay namin.”                 “E di dito na nga lang tayo maglaro. Sandali bakit may baril ka?”                 “Bakit? Masama ba?”                 “Hindi naman. Lahat kasi ng classmates ko na babae saka mga pinsan, Barbie lang o kaya Barbie house ang nilalaro. Bakit ikaw baril?”                 “Wala. Sobrang gustung-gusto ko kasing gayahin ang mga napapanood kong mga babaeng magaling makipaglaban at bumaril. Gusto kong paglaki ko, magiging pulis ako o kaya ay sundalo.”                 “Astig! Ako rin. Paglaki ko magiging pulis o sundalo ako kagaya ni Daddy. Sandali lang, kunin ko yung mga baril-barilan ko sa bahay para mas marami tayong magiging armas.”                 “Talaga? Marami kang baril?”                 “Oo, iba’t ibang klase.”                 “Sige-sige. Gusto ko ‘yan.”                 Mula noon ay naging playmates na ang dalawa. Minsan, kung saan saan pa sila nakararating sakay ng bisikleta ni Liam na nang lumaon ay nagkaroon na rin si Mia dahil sa pangungulit niya sa kanyang Tatay na bilhan rin siya.                 Nang una, pinagbabawalan pa ni Tally ang anak na pumunta sa bahay ng ex pero nang lumaon ay hinayaan na lang niya ito dahil mismong ang asawa niyang ay hindi niya naringgan na pinagbawalan ang anak nila. Gusto niyang maramdaman ng batang si Mia ang saya ng isang bata na naipagkait nang ilang taon kasama ang kanyang mapang-aliping pamilya.                 Ang ipinagatataka lang ni Mia ay nang makita niya ang Tatay niyang nakasuot at hitsurang taong grasa malapit sa kanilang paaralan. Maayos ang damit ng Tatay niya kapag umaalis ito ng bahay papasok sa trabaho ngunit bakit nang makita niya ito ay ganoon ang ayos dala ang isang sako na para bang nagpupulot siya ng kalakal at may kung anu-anong kinakalkal lagi sa basurahan.                 “Tay! Tatay!” sigaw niya nang makita niya uli ito.                 Lalayo sana ang Tatay niya ngunit nasukol na niya ito. Wala nang magawa pa ito kundi ang tumigil.                 “Tay? Ano hong ginagawa ninyo?”                 “Nangangalakal. Anak, nakikiusap ako. Hindi na dapat pa malaman ng Nanay moa ng trabaho ko o pinagkakakitaan kong ito.”                 “Ibig sabihin, Tay sa pangangalakal lang ng basura mo kami binubuhay? E sino yung big boss na sinasabi ni Nanay na lagi mong kausap sa cellphone?”                 “Sa kanya ko ibinabagsak ang mga kalakal ko. Basta anak ah. Sikreto na sana nating dalawa ito.”                 “Sige Tay. Sikreto nating malupit.”                 “Kahit kay Liam na kaibigan mo at lalong-lalo na sa Daddy niya, anak ha? Huwag na huwag mong ipagsasabi na ito ang trabaho ko at pinagkakakitaan ko ha?”                 “Sige ho Tay.”                 “Heto pala ang pera ‘nak. Bumili kang miryenda mo diyan sa fastfood. Mamayang gabi na lang tayo magkita sa bahay, okey?”                 “OKey po ‘Tay.”                 “Mia! Mia!” boses iyon ni Liam. Mabilis na umalis ang Tatay niya kaya hindi na nalapitan pa at nakilala kung sino ang kausap ni Mia. “Sino ‘yon?”                 “Nangangalakal ng basura?”                 “Parang Tatay mo e. Kamukha niya ang Tatay mo.”                 “Hindi, anlayo naman kay Tatay ‘yon? Tinanong ko lang kasi siya kung ano ang pinupulot niya. Tara na. Libre kita.”                 “Ililibre mo ako?”                 “Oo, ayaw mo?”                 “Gusto. Ang astig ah. Nanlilibre ka na ngayon. Gusto kong fries ha.”                   Tumagal nang ganoon ang lahat. Pinanindigan nilang mag-ama ang kanilang sikreto. Umabot rin ng ilang taon hanggang siya ay nag-high school na. Magaan na ang buhay nila. Katunayan, sa Private School kung saan nag-aaral si Liam ay doon na rin siya ipinasok ng kanyang Tatay. Sa katagalan ng Tatay niya sa trabaho ay nakita niyang siya na ang nag-aabot ng sahod sa mga nagangalakal ng basura. Ibig sabihin itinaas na ng Big Boss niya ang kanyang ranggo mula sa pagiging mangangalakal hanggang sa pagpapasahod.                 Noong Grade 7 na sila ni Liam siya nakaramdam ng kakaiba sa lalong pumogi, tumangkad at lumaking katawan na kaibigan. Kung dati wala lang kay Mia na magkadikit ang kanilang katawan, magkayapos kapag naglalaro ng baril-barilan at magkaangkas sa bike kapag nasira ang bike ng isa ngayon ay parang may kung ano sa dibdib niyang nakadagan kapag dinadaanan siya nito sa umaga. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa kaguwapuhan ni Liam. Alam niya, ramdam niyang kahit Grade 7 lang sila, marami nang babae ang kinikilig kay Liam lalo na kapag naglalaro ito ng basketball. Natatakot siya na baka isang araw, magkaroon ng girlfriend si Liam at magkalayo na sila.                 Ang hindi alam ni Mia, si Liam man ay may nararamdamdan rin kay Mia. Oo, ramdam niya na marami ang sa kanya ay nagkakagusto. Marami ang lantarang lumalandi sa kanya ngunit si Mia para sa kanya ang pinakamaganda sa lahat sa buong campus nila. Simple lang manamit si Mia bilang si Mia ang isa sa mga mahihirap sa campus nila. Lahat kasi halos nang naroon ay may mga sinasabi sa buhay. May mga malalaking bahay at may magagarang mga sasakyan. Ngunit ang kasimplehan ni Mia lalo na sa pananamit at sa mukha na walang ipinapahid na kahit anong kolorete o pampaganda ang lalong ikinabighani niya. Simple sa ayos ngunit nag-uumapaw sa natural na kagandahan. Mahaba ang maitim nitong buhok. Makinis ang maputi nitong kutis na mamula-mula kapag natatamaan ng araw. Likas na mapupulang labi at kahit pa 13 years old lang sila ay bakas na ang kaseksihan ng dalagita.                 Ramdam ni Liam na kailangan niyang unahan ang mga schoolmates nilang nagpapakita na ng interes sa bestfriend niya. Gusto niya sanang i-level up na ang samahan nila kaso, baka hindi magustuhan ni Mia ang gagawin niyang panliligaw lalo pa’t mga bata pa sila. Isa pa, paano ba manligaw? Paano ba niya sasabihin kay Mia na mahal na yata niya ito? Ilang gabi na rin siyang napupuyat sa kaiisip. Nagkaka-pimples na siya dahil hindi niya alam kung anong diskarte ang kanyang gagawin.                 May mga sandali na gusto na lang niyang idaan sa text ang pagsasabi niya ng nararamdaman niya kay Mia. Pero okey lang kaya ‘yon? Pwede bang manligaw sa text lang kahit araw-araw naman silang magkasama at magkapit-bahay pa? sa f*******: messenger? Okey lang kaya? Kinakabahan siya habang itina-type na niya ang gusto niyang sabihin kay Mia. Nakailang delete din siya at muli siyang nag-isip ng tamang salitang gagamitin niya sa panliligaw. Bakit parang ang hirap-hirap naman ito? Paano kung di pala siya gusto ni Mia? Paano kung talagang kaibigan lang ang turing sa kanya? Paano kung ito na ang simula na layuan siya?                 “Oh damn it!” napindot niya ang send imbes n asana ay exit na lang niya.                 Nakita niyang na-seen agad ni Mia ang hindi niya na mabawing sinabi niyang, “Mia, pwede bang manligaw? Pwede bang maging tayo na lang kaysa magkaibigan lang?” Nakita niyang typing na si Mia. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kanya. Pinagpapawisan siya. Kinakabahan. Dalawa lang ang pwedeng mangyari, sasagutin siya ni Mia o iiwasan siya niyo. “Seryoso ba ‘to?” tanong ni Mia. Huminga siya nang malalim. Mukha ba siyang nagjo-joke? “Oo, seryoso ako.” “Kung seryoso ka, dapat pinag-uusapan ito ng harapan hindi sa f*******: messenger.” Ito pa ang nagustuhan niya kay Mia. Hindi siya kagaya ng ibang babae. Siya ay palaban, hindi mahiyain at alam ang gusto. “Nahihiya ako e?” reply ni Liam. “May gusto bang manligaw na nahihiya? Pinagti-tripan mo lang yata ako e.” “Hindi ah. Gusto kita. Mahal na nga yata kita e.” “Ikaw para kang sira. Puntahan mo ako dito sa bahay. Pag-usapan natin ‘yan at huwag dito. Baka mabasa ni Mama kasi alam niya ang password ko sa fb.” “Seryoso?” “Oo. Bakit ikaw, hindi?” “Hindi ‘no? Bakit kailangan malaman ni Mommy o ni Daddy ang password ko. Privacy ko na ‘to.” “Ikaw siguro kasi lalaki ka. At kung talagang lalaki ka, kitain mo ako ngayon sa bahay. Pag-usapan natin ‘to ng personal.” Huminga siya nang malalim. Nakita niya ang chocolates na mamahalin na binigay sa kanya ng Ninong niyang kaibigan ng Daddy niya na sa Manila nagta-trabaho bilang pulis. Mabilis siyang pumasok sa banyo at naligo. Paglabas niya ay naghanap siya ng maayos na polo shirt at pantalon. Pantalon? Bakit siya magpapantalon at magpo-polo shirt e sa kabitbahay lang siya pupunta? Ibinalik niya iyon. Naglabas siya ng short at sando? Aakyat siya ng ligaw. Liligawan niya si Mia. Bakit siya magso-short at magsasando lang? Hindi siya ganito dati. Hindi na siya ito. Wala siyang pakialam kung anong susuotin niya kapag maglalaro o magkikita sila ni Mia pero bakit ngayon kahit isusuot lang niya na damit ay hirap pa siyang pumili? Umalis siyang naka-jogging pants at athletic t-shirt. “Saan ka pupunta? Kakain na ah?” tanong ng Daddy niya na noon ay nanonood ng TV sa kanilang sala. “Saka ano yung naamoy ko? Naligo k aba ng pabango?” “Dad ano ba?” “Anong ano ba? Saan ka ba kasi pupunta?” “Kina Mia.” “Kina Mia? Kina Mia ka lang pupunta pero nakaporma  kag ganyan at sobrang bango mo?” tinitigan siya ng kanyang ama. May sumilay na ngiti sa labi nito. “Binata na talaga ang anak ko ah? Aakyat ka ng ligaw?” “Dad, please!” napapangiti siya. “Anong Dad, please ka riyan? Liligawan mo si Mia ano?” “Ano ba? Alis na ako?” “Sandali!” “Bakit na naman ho?” “Eto, kunin mo ‘to.” Bumunot nang tatlong tangkay ng white roses ang Daddy niya sa vase na pinaglalagyan ng Mommy niya ng bulaklak na madalas ibinibigay ng Daddy niya tuwing monthsary nila. Ngayon ang monthsary nila kaya fresh pa ang bulaklak. “Kailangan ba ‘to?” “Aba? Kailangan ‘yan. Magtatapat ka pa lamang ba o girlfriend na?” “Manliligaw pa lang ho.” “Thirteen pa lang kayo, nak. Hindi ba pagmamadali ‘yan?” “Ge-girlfrenin ko lang naman e. Di ko pa naman aasawahin.” “Sabagay. Iba na talaga ang panahon ninyo. Sige na. Bilisan mo at baka mamaya hanapin ka nang Mommy mo at kakain na. Monthsary namin ngayon. Gusto niya, kumpleto tayo sa dinner.” “Opo Dad, sandali lang ho ako!” “Good luck ‘nak. Hindi porke pumayag ako e, pwede ba kayong mag-s*x ha? Bawala pa ‘yon.” “Dad, ano ba?” “Mainam na yung diretsahang usapan, aba!” “Alis na ho ako.”   Nang nasa tapat na siya ng pintuan nina Mia ay hindi niya alam kung paano siya kakatok. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nanlalamig siya. Inilabas niya ang cellphone niya. Nag-text na lang siya na nasa tapat na siya ng pintuan. Ilang saglit lang, pinagbuksan siya ni Mia. Naka-short lang ito ng maiksi at kita ang maputi nitong hita at nakasando lang. Nakalugay ang mahaba nitong buhok. Para siyang nakakita ng dyosa na hindi siya kaagad makapagsalita. Paano ba niya sasabihin ang kanyang nararamdaman? Si Mia man ay kinikilig din. Matagal na niya itong hinihintay. Matagal na niyang pinangarap na sana ligawan siya ni Liam at ngayon na magkaharap na sila ng lalaking lihim niyang mahal, hindi niya alam kug ano ang kanyang isasagot. Nangangatog rin kasi ang kanyang tuhod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD