CHAPTER 17 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Nanginginig ang duguan niyang mga kamay. Nang sumigaw ang matanda ay mabilis muli niyang itinarak nang itinarak ang kutsilyo sa puso ng matanda at siya na ang sumisigaw! Siya ang humahagulgol at hindi ang matanda. Bago pa man makasigaw ang matanda ay natakpan na niya ang bibig nito. Humahagulgol siya habang sunud-sunod niyang inundayan pa rin ng saksak. Akala niya hindi na siya iiyak pa. Akala niya hindi na siya apektado. Gusto niyang mamatay na agad ang matanda para hindi na ito makaramdam pa ng sakit. Tumitig sa kanyang mga mata ang matanda. Waring nagtatanong kung anong kasalanan nito sa kanya. May mga luhang mabilis na bumagtas sa pisngi ng kanyang unang biktima. Niyakap niya ang matanda habang humahagulgol pa rin siya dahil sa awa. N