PAGDARAHOP

1265 Words
CHAPTER 10 THE MAFIA LADY BOSS BY: JOEMAR P. ANCHETA Tinandaang mabuti ni MIa ang mga pagmumukha ng mga lalaking iyon. Gusto niyang maikintal sa isip niya at hindi niya makakalimutan ang mga iyon. Babalikan niya sila. Maniningil din siya ng pautang kung kailan handa na siyang lumaban. Paghahandaan niya ang muli nilang paghaharap at pagsisisihan ng mga ito ang lahat ng ginawa sa kanilang mag-ina. Bago lumabas ang mga lalaki sa pintuan ay itinutok ng pinuno nila ang baril na hawak nito sa  kanila. “Adios!” sigaw nito kasabay ng pagputok ng baril. Nakaupo si Mia noon. Kaya alam ni Tally na si Mia ang kanilang papuputukan. Bago pa man gumuhit sa katahimikan ng gabi ang malakas na pagputok ng baril ay mabilis nang naiharang ni Tally ang kanyang sarili. Kung hindi niya gagawin iyon, paniguradong sa ulo o dibdib ang tama ni Mia at hindi niya hahayaang mangyari iyon. Ramdam ni Tally ang tumagos na bala sa kanyang tuhod. Dahan-dahan siyang napasalampak habang yakap niya si Mia. Muling nasundan ng isa pang pagputok at natamaan ang kanyang tadyang.   Saka lang nakakilos si Mia nang alam niyang tuluyan nang wala ang mga sindikato. Hindi niya alam ang gagawin lalo pa’t nakikita niyang duguan ang kanyang Nanay. Nangyari na ito sa kanyag Tatay ilang araw lang ang nakaraan at ngayon, Nanay naman niya ang binaril hindi na ng ga pulis kundi ang mga armadong kasamahan ng Tatay niya sa trabaho. Alam niyang ginawa iyon ng mga lalaking iyon hindi para patayin kundi ang takutin. Nanginginig siyang lumabas. Hindi niya alam kung paano siya hihingi ng tulong. Agad siyang kumatok sa bahay nina Liam. Alam niyang wala na siya roon ngunit nandoon ang kanilang mga kasambahay at family driver. Nagsisigaw siyang kumatok. Humihingi ng tulong. Mabilis na dinala ang Nanay niya sa hospital. Hawak niya ang kamay ng Nanay niya na noon ay nakapikit lang . Walang patid ng pagdaloy ng dugo sa dalawang tama ng baril sa paa at tadyang ng nanay niya. Hindi na niya alam kung paano pa niya kakayanin ang lahat. Kung hanggang kailan matatapos ang paghihirap ng tadhana sa kanilang mag-ina. Walang-wala siyang makakapitan. Hindi na niya alam kung ano pa ang kanyang gagawin.   “Kailangan putulin ang paa ng Nanay mo. Malala ang tama ng kanyang paa. Hindi na siya maari pang makalakad dahil tinamaan ang buto at ang pinakamalaking nerve sa paa niya.” Hindi siya makapagdesisyon. Labing-apat na taon lang siya kaya anong kakayanan niyang pagdesisyonan ang mga bagay na ‘to? Bakit ganito kabigat na ang dinadanas niyang suliranin? “Nakakausap po ba si Nanay?” “Oo, nagkamalay na siya at kailangan natin ang agarang desisyon ninyo kasi nag-iiba na ang kulay ang kanyang paa. Hindi na ito dinadaluyan ng dugo.” “Gusto ko ho siyang makausap. Siya po ang dapat magdesisyon at hindi ako.” “Sige. Pakihanda na rin ang pera na kakailanganin.” Napalunok siya? Saan siya kukuha ng pera? Paano kung wala silang pera? Magagamot pa ba ang Nanay niya?      “Kung ang pagputol sa paa ko anak ang siyang makaliligtas sa aking buhay, gawin natin. Mas gusto kong malumpo kaysa sa mamatay at wala kang makakasama sa buhay. Hindi ako papayag na nawala na ang Tatay mo, pati ako, iiwan rin kita.” “Pero, Nay. Wala na ho tayong pera.” “May pera tayo anak. May ibinigay sa akin si Gilda. Tulong nila sa atin. Gagamitin ko sana iyon sa pag-aaral mo. Ibinigay ni Jake sa akin para gamitin mo raw hanggang makatapos ka. Naitago ko siya sa sa bulsa ng isa sa mga damit ko. Hanapin mo anak yung damit kong ginagamit ko kapag pumupunta tayo ng misa kasama ang tatay mo. Doon ko inipit sa bulsa niya. Nakasobre pa ‘yon at alam kong isa iyon sa mga itinapon nila at nakakalat sa sahig. Hindi nila iyon nakita anak. Iyon ay kung okey lang sa’yo, anak na gagamitin ko muna?” “Talaga ho? Nay, hindi na ho ninyo sa akin dapat hilingin pa. Mas mahalaga po kayo kaysa sa anong pera. Mapagta-trabahuan ko po ang pera ngunit hindi kayo. Kapag nawala ho kayo, wala na rin pong silbi ang pera sa akin.” Bumalik si Mia sa bahay nila para hanapin ang pera nang maoperahan na ang nanay niya. Magulo ang lahat ng sulok ng bahay. Hinanap niya agad ang sinasabi ng Nanay niya at nakita nga niya ang sobreng naglalaman ng perang nakaipit sa loob ng nakatupi pang putting damit.  May nakalagay pang 100,000 sa bundle. Naalala niya ang kanyang cellphone. Kailangan niyang matawagan si Liam para masabi sa kanya ang sinapit nilang mag-ina. Magpapasalamat na rin siya sa tulong nila. Ngunit naikot na niya ang buong kwarto ngunit wala siyang makitang cellphone pati cellphone ng Nanay niya. Ibig sabihin, kinuha lahat ng mga lalaking iyon ang lahat ng pwede nilang mapakinabangan. Paano kaya malalaman ni Liam ang sinapit niya? Kung sana nandito lang siya. Matagumpay ang operasyon ni Tally ngunit tumagal sila ng husto sa hospital. Malaki ang nagastos. Nasaid ang lahat ng pera nila. Ngunit okey lang lahat kay Mia. Ang mahalaga ay buhay ang Nanay niya. Makakasama pa niya ang Nanay niya sa pagharap ng mga pagsubok. Nang nakauwi na sila ay siningil agad sila ng may ari ng bahay para sa kanilang upa. Ngunit nakiusap muna sila na bigyan ng kahit isang buwan para makahanap sila ng pambayad. Ayaw na ni Tally kung maari ang bumalik sa bahay ng kanyang mga kapatid. Ayaw niyang humingi ng tulong sa kanila. Ngunit paano silang mag-ina ngayong putol ang kanyang paa. Nakasaklay na lamang siya. Labing-apat na taon lang si Mia. Hindi niya alam kung papayagan niya ang anak na magtrabaho o may tatanggap sa kanya dahil menor de edad pa lang siya. Hanggang sa ramdam na talaga ang hirap ng buhay. Madalas lumalabas si Mia para maghanap ng trabaho ngunit isyu sa lahat ang kanyang edad. Matagkad siya, maputi, seksi at maganda. Pwedeng pagkamalang 18 na ngunit hindi niya magawang madaya ang edad. Nanlulumo na siya. Hanggang sa dumating ang kanilang kasera at pinalalayas na sila. May mga barangay itong kasama. Pasko na noon. Paskong walang-wala sila at sa kalye na lang silang mag-ina. Naibenta na lahat nila ang kanilang mga appliances para may magamit na panggastos at pangkain. Hindi niya aakalain na maglalatag na lang silang mag-ina sa tabi ng daan kung saan sa hindi kalayuan ay may mga bars. Doon ay pwede muna silang magpalipas ng gabi. Para silang mga kawawang walang matakbuhan. Gusto ng Nanay niya na umuwi na lang sa bahay ng kanyang kapatid ngunit iniisip ni Mia na uulitin lang ng kanyang mga kamag-anak ang ginawa sa kanila noon. Pahihirapan. Pahihiyain. Aalipinin at hindi na niya kayang makita ang inang dumaan muli sa ganoon. Kailangan niyang makahanap ng trabaho ngunit mailap sa kanya ang pagkakataon. Madaling araw na noon nang nagulantang siya sa sunud- sunod na ungol ng kahapon pang may sakit niyang Nanay. Maramot ang liwanag ng parol na nakasabit sa posteng malapit sa kanila. Noong una, natutuwa pa silang mag-ina sa patay-sinding Christmas light malapit sa tinutulugan nilang gilid ng lumang building ngunit nang tumagal ay kinaiinisan na niya ito. Ipinaalala lang kasi nito ang mga nagdaang masayang pasko na buo pa ang kanilang pamilya. Noong kasama pa niya ang tatay niya. Noong kasalo pa niya si Liam sa mga noche Buena. Yung mga tawanan nilang walang patid. Yung pasimpleng pag-akbay sa kanya ni Liam. Wala na. Lahat ng iyon ay alaala na lang. Naalala pa kaya siya ni Liam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD