SEBASTIAN POV.
DAHIL sa sunod sunod na katok ay muntik na akong mahulog sa ibaba ng kama. Dahil sa sobrang lakas ng ginawang pagtulak sa akin ni Alexandria.
"Alexandria, open the door!"
"S-Si Mama, S-Seb, please magtago ka, bilis!"
"Ha? S-Saan?" at hindi ko malaman kung saan ko itatago ang aking sarili.
"Dito sa ilalim ng kama, bilisan mo!" Kahit ayaw ko ay napilitan akong sundin siya. Kitang kita ko ang malaking takot niya sa kanyang ina. At halos hindi ko mapagkasya ang aking sarili sa masikip na lugar.
"Nasaan ang lalaking kasama mo dito? Anong pumasok na kabaliwan diyan sa yung utak. At nag-hire ka ng lalaking bayaran upang bigyan ka ng anak?"
"M-Mama, please huminahon ka po."
"Paano ako maging mahinahon sa ginagawa mong ito? Hindi ka nag-iisip, sa akala mo ba ay ganun lang kadali na makipagtalik sa lalaki? Paano kung magka gusto ka sa kanya, anong mangyayari. Gusto mo ba na matulad ka sa akin?"
"I-I'm sorry po Mama, g-gusto ko lang na magkaroon ako ng anak. N-Natatakot po akong tumandang mag-isa. Paano pag nawala ka na, sinong makakasama ko?"
Katahimikan….
Wala akong narinig na sagot mula sa ina ni Alexandria. Kaya bahagya akong sumilip sa gilid ng kama at nakita kong luhaan si Alexandria. Habang nakayakap sa ina nito. At hindi ko inaasahan ang biglang kirot na naramdaman ko mula sa aking dibdib. Habang nakatingin ako sa luhaan niyang mukha.
"Anak, ayaw ko lang na danasin mo ang mga sakit na naranasan ko. Totoong masarap magmahal, kung may katugon. Pero kung wala ay napakasakit anak, a-ayaw kong makitang umiiyak ka ng dahil sa lalaki."
"I'm sorry po, Mama."
"Maraming paraan kung talagang gusto mong magkaroon ng anak. Maaari kang mabuntis ng hindi kailangan makipagtalik sa lalaki. At tutulungan kita, kakausapin ko ang kaibigan kong doctor. Hihingi tayo ng advise paano ang procedure upang magkaroon ka ng anak."
"O-Opo, Mama."
"Shhh, hindi na ako galit anak, huwag ka ng umiyak."
"I-I love you, Ma."
"I love you too, Alex."
Muli ang katahimikan….
Nang marinig kong bumukas sara ang pinto ay lumabas ako sa aking pinagtataguan. Nakita kong nakaupo si Alexandria sa gilid ng kama habang nakayuko, siguro iniisip niyang tama ang mga sinabi ng ina.
"Eherm, okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Ang nakikitang nahihirapan siya ay nagpapasikip sa aking dibdib.
"Ahm… Seb, m-magbihis ka muna." Saka ko lamang naalalang nakahubad pa pala ako." Dali dali kong dinampot ang aking damit at mabilis na nag bihis.
"Anong plano mo, hindi na ba natin itutuloy?"
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Mama, ahm… kung sakali ba payag ka na dumaan na lang sa procedure ang pagbibigay mo sa akin ng semilya?"
"What do you mean, dadaan tayo sa mga doktor upang kuhaan ako ng semilya?"
"Yeah, ganun nga…
"B-Bakit ayaw mo ba na m-maranasan sa buhay mo ang pakikipagtalik?"
"N-Natatakot ako na magkatotoo ang sinasabi ni Mama. Hindi ko pa naranasan makipagrelasyon sa kahit na sinong lalaki. Paano kung sa isang buwan nating magkasama ay magkagusto nga ako sayo. Anong mangyayari sa akin pagkatapos ng isang buwan?" Wala akong alam na isagot sa kanyang katanungan. Bagkus ay lumapit ako sa kinauupuan niya at itinayo siya. Tinitigan ko ang kanyang mukha at kinabig ko siya. Damang dama ko ang malakas na t***k ng kanyang puso. At hindi ko sigurado kung ganun din ang puso ko. At wala akong ibang gustong gawin kundi yakapin siya. Dahil kahit sa maikling panahon na nagkakilala kaming dalawa ay naging komportable ako sa kanya.
Hindi nagtagal ay naramdaman kong gumanti siya ng yakap sa akin. At sa pagkakataong iyon ay bahagya akong dumistansya sa kanya sabay hawak sa magkabila niyang pisngi. Siniil ko siya ng halik, at sa mga sandaling iyon ay nakabuo ako ng isang pangako. Kahit ano pa ang kahinatnan ng lahat ay hindi ko na siya pakakawalan pa.
Binitawan ko lang siya ng pareho na kaming pangapusan ng hangin.
“Tell me, kung tuloy pa ba ang kontrata natin?” nakita ko ang pagkalito niya at hindi malaman ang gagawin. Maya maya ay tumayo siya at naglakad patungo sa isang pintuan saka pumasok doon. Hindi ako nakatiis kaya sinundan ko siya.
“Alexandria, anong ibig sabihin nito?” habang nakatingin ako sa hawak niyang debit card.
“Kunin mo ito kagaya ng nakasaad sa kontrata. Ako ang nag breach ng contract kaya dapat pa rin kitang bayaran.”
“Ibig mong sabihin ay umaatras ka na dahil sa sinabi ng iyong Mama?”
“P-Please Seb, kunin mo na ito at umalis ka na.”
Kumuyom ang aking palad at minsan ko pang tinitigan ang kanyang mukha. Ngunit napayuko siya habang nananatiling inaabot niya sa akin ang debit card. Dahan dahang tumaas ang aking palad at inabot ko iyon kasama ng maliit na papel. At nang basahin ko iyon ay passcode ng debit card. Pinagsama ko iyon at nilagay sa aking bulsa. Pagkatapos ay mabilis akong tumalikod at naglakad palabas ng kwarto niya.
Malapit na ako sa main door nang makasalubong ko ang may edad na babae. Sigurado akong ito ang ina ni Alexandria, huminto ako upang magbigay respeto. Kahit alam kong hindi niya ako papansinin ay nanatili pa rin ako sa pagkakatayo. Ilang sigundo pa ang lumipas at akmang hahakbang na akong muli ng marinig ko ang boses niya.
“Mister, pakiusap huwag ka nang magpapakita sa aking anak.”
“Hindi na po bata ang iyong anak, bigyan mo sana siya ng karapatang magdesisyon para sa sarili niya.” bago nagpatuloy ako sa paghakbang at tuluyang lumabas ng malaking pintuan.
Pagdating sa nakaparada kong sasakyan ay hindi agad ako sumakay. Lumingon muna ako sa aking painggalingat at tumingala. Ilang segundo ako doon bago nagdesisyong lisanin ang lugar.
Kinabukasan ay nananatili pa rin ako sa higaan, kahit panay na ang katok ni Mama.
"Seb! Bumangon ka na riyan at aalis na ako, anak anong oras na ay natutulog ka pa ba?"
Napilitan akong bumangon at pinag buksan ko ng pintuan si Mama. "Anong sasabihin mo at ginigising mo ako sa ganito kaaga Ms. De Marcus?" Nakataas ang kilay ko habang pinapasadahan ng tingin ang suot niya. Naiinis ako dito sa aking ina, ang hilig magsuot ng mahabang damit kaya mukhang matanda. Sa edad na 47-years old ay mukhang 60-years old. Napaka old fashion niya kaya nakakapagtaka kung bakit nabuntis siya sa akin ng batang edad.
"Bakit ganyan ang tingin mo sa suot ko,Seb?"
"Bakit ba laging ganyan ang suot mo? Para kang si Ms. Alexandria, mukhang old maid."
"And who is she?" At nakita kong biglang nagliwanag ang mukha ni Ms. De Marcus.
"Don't tell me may Girlfriend ka na anak?"
"Wala, at bakit sa kanya napunta ang usapan natin ay ikaw 'tong pinag-uusapan nating dalawa?"
"Ano ba kasi ang ayaw mo sa suot ko?"
"Paano ka magkakaroon ng manliligaw kung mukha kang matanda?" wika ko pa sa aking magandang ina.
"Seb! Ilang beses ko ng sinabi sayo na ayaw kong mag-asawa. Tama na ang nangyaring yon sa buhay ko noon. Naririyan ka at masaya akong tayong dalawa lang ang magkasama."
"So, ayaw mo na akong magkapamilya?" ganting tanong ko naman sa kanya.
"Ibig mong sabihin plano mo ng mag-asawa? Tapos hindi mo man lang pinapakilala sa akin ang babaeng pakakasalan mo?"
"Wala akong girlfriend, Ms. De Marcus. Sige na mag palit ka ng damit. Ayaw ko ng ganyang suot mo mukha kang 70-years old!" At hinila ko na ang aking ina patungo sa kwarto niya.
Akmang bubuksan niya ang closet ng magsalita ako. "Maupo ka doon at ako ang mamimili ng isusuot mo." Sabay bukas ng closet niya at gusto kong napangiwi sa mga nakikita ko. Puro pang lola ang mga naka hanger doon. Isasara ko na sana iyon ng namataan ko ang isang damit sa pinaka gilid. Kinuha ko iyon at agad na binigay sa kanya. "Here, ito ang isuot mo, bagay yan sayo ng mag mukha kang 47-years old!" Saka ko siya tinalikuran at bumalik ako sa aking kwarto.
Muli akong nahiga at dinampot ang debit card. Tinitigan ko iyon at pinag-iisipan mabuti kung kukunin ko ang laman n'on. Isang milyon at maaari ko ng ipag-shopping si Ms. De Marcus, ng mga damit na gusto ko para sa kanya.