Nagugulat si Tyreen sa nalalamang ginagawa ng nag-iisang anak ng mga Caballero. Tuluyan tuloy itong na bad shot sa kanya dahil sa paglalaro nito sa mga babae.
Saktong patapos na si Tyreen sa paglilinis sa silid nito nang dumating at nagulat nito nang nasa loob siya ng silid.
Maging si Tyreen ay nagulat sa pagdating ng lalaki, lalong lumakas ang kabog sa dibdib lalo pa at kanina pa siya iniwan ni Manang Ingga dahil titingnan daw ang niluluto ni Manang Leticia sa kusina at may aayusin ito sa silid nina Senyora Franceska. Ito lang kasi ang pwedeng maglinis roon kaya hinayaan na niya.
Mabilis na ang galaw niya dahil ayaw niyang madatnan siya roon ng lalaki at heto nga at dumating na ito na hindi niya inaasahan.
"O, hi, ikaw pala ang naglilinis sa kuwarto ko. Pasensiya ka na kung makalat," turan nang lalaki nang makabawi.
Ngunit hindi mawala ang eksenang nasaksihan kanina sa bodega kaya hindi magawang ngumiti man lang sa lalaki.
"Saglit lang po, senyorito at tatapusin ko lang ito," aniya saka nagmadaling hinakot ang mga kobre-kama na inipon at nilagay sa laundry basket.
"No, it's okay, nothing to rush, I'll take a shower," turan ni Perry nang mapansing natataranta ang babae sa kanyang harapan.
Nang makapasok ang lalaki sa banyo ay inambahan na lang ito ni Tyreen.
"Dapat lang na maligo ka, kadiri ka, sa bodega pa talaga," bulong sa sarili saka inirapan ang pinto ng banyo na tila 'yon ang lalaki.
Minadali na niyang tinapos ang ginagawa kanina bago pa muli itong lumabas ng banyo at baka kung ano pa ang makita.
Pagbukas ng pinto ay siyang dating ni Manang Ingga dahilan upang magulat na naman siya.
"Manang Ingga!" bulalas niya sabay tutop sa dibdib.
"O, bakit parang gulat na gulat ka?" palatak nito. "Katatapos ko lang din sa silid ni senyora kaya dinaanan na kita. Mabuti naman at tapos ka na?" usisa ni Manang Ingga.
"Paano po ay dumating si Senyorito Perry, nandiyan naligo," simangot niya sa matanda.
"Naku, ewan ko ba diyan sa batang 'yan masyadong mapaglaro sa babae, palibhasa nag-iisang anak. Mainam na lamang at wala siyang kapatid na babae kundi ay baka sila ang balikan ng mga kagagawan niya," hirit pa ni Manang Ingga.
"Kaya nga," segunda ni Tyreen sa sinabi ng matanda.
"Ikaw ba'y may boyfriend na?" maya-maya ay hirit na tanong nito.
"A-Ako po?!" bulalas na wika sa gulat dahil biglang napunta sa kanya ang usapan.
"Naku, m-meron na po, tatlo," pagbibirong wika rito.
Natigilan ang matanda sabay titig sa kanya. "Joke lang po, isa lang naman at mahal na mahal ko po siya," ani Tyreen habang nasa isip ang kaibigang si Tayra, ang baklang kaibigan walang ibang gawin kundi ang ireto siya sa iba't ibang lalaki.
"Mainam naman kung ganoon para hindi ko poproblemahin kung nahulog ang loob mo kay Senyorito Perry dahil tiyak na ako na naman ang uutusan ni Senyora Franceska upang gumawa ng paraan na mapaalis ka kapag nagkataon," anang ni Manang Ingga na mukhang marami nang babaeng napauwi dahil sa mapaglarong Caballero.
"Naku, never sa tulad niyang babaero," hirit ni Tyreen.
"Sabi mo 'yan, Marga kaya aasahan ko. Mukhang masipag ka naman at marunong makinig sa sinasabi ko kaya magaan ang loob ko sa 'yo," bulalas pa ng matanda na kinatuwa ni Tyreen.
Magaan rin naman ang loob niya rito kaya binabagabag siya minsan sa kanyang pagsisinungaling pero wala naman siyang ginagawang masama. All she wants is the truth beyond her mother's death, hindi sa hindi siya naniniwala sa kanyang papa at kapatid pero may kulang kasi sa kuwanto nila kung bakit nagawang nagpakamatay ang kanyang mama.
***
Samantala, hindi pa rin maiwasan ni Perry na humanga sa ganda ng kanilang kasambahay na si Marga. Kung titingnan ay para itong anak mayaman pero bakit naman ito papasok sa ganoong trabaho kung may-kaya nga ito.
‘Come on, Perry, hayaan mo na siya dahil nagtatrabaho siya ng marangal baka matanggalan na naman siya ng trabaho dahil sa ‘yo,’ sermon pa ng isipan habang sinasabon ang buong katawan kasama ang armas na hasang-hasa sa p*ke ni Sabel kanina.
Nang maalala ang babae ay hindi niya mapigilang mapangiti, mukhang habang tumatagal ay lalo itong nagiging wild pagdating sa s*x. Naalala niya noong unang angkinin ito, very timid, hindi masyadong naimik o naungol pero ngayon kailangan pa niyang takpan ang bibig nito huwag lang silang marinig.
Lalong pinagbuti ang pagsasabon sa kanyang mahabang armas dahilan upang tigasan ito.
Napangiti si Perry sa sarili, ang swerte talaga niya, mayaman na, guwapo at pinagpala pa ng p*********i kaya humaling na humaling sina Diana at Sabel sa kanya isama pa si Perla. Maging ang mga babaeng naisin niya ay madaling napapasakamay.
Mabilis na tinapos ang paliligo saka lumabas sa banyo na nakatapis lamang ng tuwalya. Hawak ang pinaghubaran ay ilalagay sana sa hamper nang mapansing may note na nakadikit sa hamper. Agad na kinuha ‘yon at binasa.
“Dito ang lagayan ng labahan huwag kung saan-saan ikakalat ang brief, pwede pakilabhan mo na rin, it’s private you must wash it by yourself,” basa ni Perry sa note dahilan upang tumaas ang kilay niya.
Batid na niyangvang bagong katulong ang naglagay sa note na ‘yon, talagang uutusan pa talaga siyang maglaba ng kanyang brief o boxer shorts.
Padaskol na nilagay ang pinagbihisan roon matapos lukutin ang note na nilagay ng bagong katulong.
Sunod namang nahiga sa kama at inabot ang remote ngunit laking gulat maging ang remote ay may nakadikit na note.
“Don’t eat greasy pizza while watching, you’re making it greasy too,” basa sa sticky note na nakadikit sa remote at halatang pinunasan o lininisan niya itong mabuti.
Lalong napakunot ang noo ni Perry sa nabasang note, may kakaiba roon at hindi niya mabatid kung ano, dahil kaya sa english ‘yon?
Naiiling na lamang si Perry at binuksan ang TV at nanuod na lamang. Nakatapis pa rin siya ng tuwalya at hindi pa rin nagbibihis.
Papalit-palit siya ng channel at talagang malakas ang sound ng telebisyon kapag siya ang nanunuod. Sakto namang mayroon na ang sinusundan niyang TV series, medyo wild ang ilang scene sa movie kaya hindi maiwasang tigasan lalo na kapag nagse-s*x ang mga character roon.
Isa rin naman ‘yon sa gusto niya sa mga foreign movies, walang kyeme pagdating sa mga sexy scene, pakita ang buong katawan maging ang paglabas-masok ng it*ts sa p*ke ng babae.
Talagang nakapang-iinit ang eksenang pinapanuod ni Perry at hindi niya maiwasang hindi hawakan ang naninigas na it*ts lalo pa at wala siyang suot na brief sa ilalim ng tuwalya kaya malaya itong natayo.
Nasa ganoon siyang akto nang bigla ay bumukas ang pinto at nakitang nakatayo roon si Marga na gulat na gulat at nanlalaki ang mga mata dahilan upang mapatayo siya sa kama at inayos ang nakabalabal sa kanyang tuwalya.
“You should knock before you enter?” turan ni Perry sa babaeng nabitiwan ang lahat ng nakatuping damit at isinilahop ang palad sa mukha.
Sa narinig ni Tyreen na sinabi ng lalaki ay hindi niya tuloy mapigilang magtaray.
"So, kasalanan ko pa ngayon? Bakit naman kasi tirik na tirik ang araw ay naggaganyan ka?" mataray na turan sa boss na hindi oa rin ibinubukas ang mga mata dahil baka magkasala na naman siya. "Teka lang, ha, kumatok kaya ako, maraming beses pa nga, akala ko tulog ka kaya pumasok na ako!" hirit pa sa lalaki.
"It's okay, you can open your eyes now," ani Perry sa babae dahil mukhang ayaw na nitong buksan ang mga mata nito.
"Is it safe?" mataray pa ring saad ni Tyreen na tila nakalimutan kung ano siya roon.
Hindi nakasagot si Perry sa tanong ng babae, hindi dahil marunong itong mag-inglish bagkus ay ang pronounciation nito. May pagka-slang na tila pro itong magsalita ng english.
"Ano?!" untag ni Tyreen nang mapagtantong napapa-inglish na pala siya habang kausap ang lalaki. "Sabi ko, safe na bang tumingin baka kasi magkasala na naman ako," giit sa lalaki.
"Oo, nakabihis na ako," tugon naman agad ni Perry na nababaghan sa inaasal ng bagong kasambahay.
Bakit pakiramdam niya ay may itinago ito, bakit ito magaling mag-inglish at idagdag pa ang paraan nito ng pananalita.
"May dumi ba ako sa mukha, senyorito?" untag niya muli sa lalaki nang mapansing titig na titig ito sa kanya.
"A, uhmmm, wala, nagtataka lang ako," saad ni Perry.
"Nagtataka saan?" gagad ni Tyreen sa pag-aalalang nakahalata na ito. 'Iyan kasi hindi ka nag-iingat,' sermon sa isipan.
"Nagtataka sa 'yo, sabi ni papa na ayaw mong magtrabaho sa opisina at you insist na mag-work sa bahay. Listening to you now, mukhang may pinag-aralan ka naman," palatak ni Perry sa babae at nakitang umilap ang mga mata nito na mas lalong nagpaisip kung bakit mas ginusto nitong sa bahay mamasukan.
"Naku, sir, kung iniisip mo ang pag-iinglish ko, natutunan ko lang 'yon sa theater sa school namin. Pero kung hahawak na ako ng computer, naku, wala na akong alam doon," bulalas ni Tyreen at baka kung saan pa umabot ang isipin ni Perry hinggil sa kanya.
Masyado pang maaga para malaman nila kung sino siya, na isa siyang Escodero.