Masaya ang party na inihan ng kanyang pamilya para sa kanyang pagbabalik pero hindi nila alam ang plano niyang gawin. Kaya naman siya bumalik ay upang alamin kung tama bang kasalanan ng mga Caballero kung bakit nagpakamatay ang kanyang ina.
"Hija, bakit nag-iisa ka rito?" tinig buhat sa kanyang likuran.
Agad na napalingon si Tyreen at nakita ang kanyang Uncle John, pinsan ng kanyang mama.
Ngumiti siya rito.
"Gusto ko lang magpahangin, tito," sagot rito.
"Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin?" usisa nito.
Lumingon siya sa kanyang Uncle John, ito kasi ang pinakiusapan niya upang makapasok sa mundo ng mga Caballero at nagawan naman niya ng paraan. Kaya lang ay ayaw ng Patricio Caballero na sa bahay nila siya magtrabaho dahil mas bagay raw niya sa opisina kaya kinailangan pa niyang magpabalik-balik para lang kumbinsihen ito at kaninang umaga na nagtungo siya roon ay sinabi nitong tatanungin na muna nito ang kanyang esposa.
"Oo, tito, wala na itong atrasan, gusto kong malaman ang totoo," aniya rito.
Tulad niya ay gusto rin niyang malaman ang totoo dahil nasa Amerika kasi ito nang mangyari ang trahedya sa kanyang ina. Hindi rin naman ito malapit sa ama kaya hindi nakapag-usisa talaga kung ano ang nangyari sa kanyang ina.
Ayon kasi sa ama at sa dalawang nakakatandang kapatid, niloko daw ng mga Caballero ang ina. Noon pa man ay mahigpit na magkaaway ang Caballero at Escodero sa kanilang lugar lalo na sa lupa at politika.
Hindi naman espicific ang rasong sinabi nila basta niloko raw ng mga ito kaya nagpakamatay ang kanyang ina.
"What I mean is sure ka bang kaya mong magtrabaho sa bahay ng mga Caballero?" usisa ng kanyang tiyuhin.
Napangiti si Tyreen.
"Oo naman, tito, nasanay na ako sa States, alam ko magluto, maglaba at maglinis," pagmamalaki sa tiyuhin.
"Mainam naman kung ganoon, basta kapag may hindi magandang mangyari sa 'yo ay tawagan mo ako agad," paalala pa ng kanyang tiyuhin.
"Makakaasa ka, tito, huwag kang mag-alala dahil kaya ko ang sarili ko," puno ng kumpiyansang wika ni Tyreen dahil bukod kasi sa natuto siya sa buhay ay nag-aral din siya ng Martian Arts kaya kaya naman na siguro niyang protektahan ang sarili kung may magtatangkang masama laban sa kanya.
"Dapat lang dahil kargo kita kung may mangyaring masama sa 'yo dahil nakiusap pa ako sa kumpare ko, maipasok ka lang niya sa mundo ng mga Caballero," bulalas ng kanyang tiyuhin.
"Salamat, tito, huwag kang mag-alala dahil hindi ako mapapahamak," aniya rito.
Hinawakan nito ang kanyang balikat kaya napayakap na lamang siya rito.
Nasa ganoon silang ayos nang marinig nilang may tumikhim sa 'di kalayuan.
Agad na nilingon ni Tyreen kung sino ang nasa malapit nang makita ang kanyang ama.
"Papa, may kailangan po ba kayo?" agad na usisa ni Tyreen sa ama.
Nakitang malagkit ang tingin nito sa kanyang Uncle John.
"Wala naman, marami kasing bisita ang naghahanap sa 'yo, nandito ka lang pala," hirit ng ama. Hindi pa ba kayo nagsasawang magkasama kasi magkasama na kayo sa Amerika hanggang dito ba naman," parinig ng ama sa tiyuhin.
Agad na humiwalay si Tyreen sa tiyuhin at hinawakan ang braso ng ama upang igiya pabalik sa party.
Pagbalik nga ay naroroon ang mga pinsan ng ama.
"Oh my God, ito na ba si Tyreen, ang tangkad mo na pala, iba pa rin pala kung sa picture ka lang namin nakikita," palatak ng isang tiyahin.
"Salamat po, tita sa pagdating," ani Tyreen saka nakipagbeso-beso sa mga ito.
"Naku, kasama ko pala ang pinsan mo, naroroon kausap ng Kuya Tyrese mo," hirit pang wika nito.
"Sige po, tita at pupuntahan ko lang sila," paalam upang makawala sa mapanuring tingin ng kanyang ama.
Agad na pinuntahan ang dalawang tinukoy nito at kitang sosyal at elegante na kumilos ang kanyang pinsang si Georgina.
"Oh my God, is that you Tyreen?" bulalas nito nang mapansing parating siya.
Ngumiti siya ng matamis sa babae.
"You look great, grabe halos hindi kita makilala," anang naman niya kay Georgina.
Natawa ito sa kanyang sinabi, mukha kasi itong tumboy noong kabataan nila.
"Yeah, maybe because tumatanda na tayo," anang nito. Sabagay ay twenty-six na sila at ide 'yon para sa kanila upang mag-asawa.
"I heard na sa isang malaking kompanya ka sa Manila nagtatrabaho?" aniya kay Georgina.
"True, ikaw, Tyreen, saan mo balak magtrabaho ngayong nakabalik ka rito sa Pinas?" singit ng Kuya Tyrese niya.
"Sa ngayon kuya ay balak ko munang mag-lie low sa work," tugon rito.
"Anyways, hindi kita masisisi dahil mukhang after mong mag-graduate sa Amerika ay nagtrabaho ka agad," palatak ni Georgina.
"Tama ka diyan, cousin, besides gusto kong sa Rancho Iluminada maglagi," anang ni Tyreen.
Bakas ang pagkunot ng noo ng kanyant kuya sa kanyang sinabi.
"At anong balak mong gawin, iburo ang ganda at talino mo roon?" gagad ni Tyrese sa kanya.
"Kuya, hayaan mo muna kaya si Tyreen, kababalik lang niya baka bumalik agad 'yan sa States," natatawang saad ni Georgina sa Kuya Tyrese niya.
"Balak ko namang tulungan kayo sa negosyo pero huwag muna ngayon kuya, I want to unwind kaya pinili ko ang Racho Iluminada upang doon na muna," palatak ni Tyreen.
Napabuntong-hininga ang Kuya Tyrese niya.
"Pagbigyan mo na, she needs to relax at ikaw kailangan mo na ring mag-asawa, thirty-two ka na!" bulalas ni Georgia na biro kay Tyrese.
Natigilan ang kanyang kuya at doon ay naalala ang babaeng pinakilala ni Tyrone sa kanila. Agad na iginala ni Tyreen ang mga mata at doon ay nakita ang babae na asikasong-asikaso ng kapatid ba si Tyrone.
***
Mabilis ang kabayo ni Perry habang nag-iikot sa buong Hacienda Luisita, hindi niya maiwasang mapatingin sa mga babaeng nag-aani ng palay.
Doon ay nakita ang dalagang si Lourdes, isa sa anak ng kanilang trabahador. Pinipilit daw igapang ito ng mag-asawa upang nakapagtapos ng kolehiyo sa bayan.
"Good morning, senyorito, napadaan po kayo?" bati ng matandang lalaki nilang trabahador nang mapansin siya nito.
"Good morning sa inyong lahat, mukhang mataas na ang araw bakit hindi na muna kayo magpahinga?" aniya sa mga ito habang malikot ang mga matang sinisipat ang dalaga.
"Naku, maaga pa sir at kailangan na kasing anihin ito at naghihintay na ang buyer natin," sagot naman ng katiwala ng ama na si Mang Enrico.
"Ganoon ba, pasensiya na kung nagambala ko kayo," aniya saka binalingan ang babae at doon ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya.
Napangiti nang matamis si Perry sa babae, nahihiya naman itong nagbawi ng tingin. Maganda at inosente, bukod roon ay mukhang birhen pa ito kaya naisip niyang makipagkaibigan na muna sa babae.
"Hindi naman kayo nakakagambala, senyorito, sa totoo lang ay masaya kaming nadalaw kayo rito," anang ng isa pang trabahador.
"Halina muna kayo rito at magmeryenda," tawag naman ng ginang na kararating lang na may dalang malaking bayong nang maya-maya ay mapansin siya nito. "Naku, senyorito nandito pala kayo?" bulalas nito nang makita siya.
"Sige lang, magmeryenda na muna kayo," aniya dahil mukhang tila nahiya ang mga ito.
"Mabuti pa senyorito ay saluhan mo na kami," anang ni Mang Enrico.
Hindi na nakahindi pa si Perry dahil gusto rin naman niyang makilala pa ang magandang binibini.
***
Sa mansyon ng mga Caballero ay hindi mapakali si Tyreen habang nakatitig sa kanya ang asawa ni Patricio Caballero na si Franceska.
"Bakit sa ganitong trabaho mo pa gusto hindi sa opisina?" masusing tanong nito.
"H-Hindi po kasi ako nakapagtapos at gawaing bahay lamang po ang alam ko," anang niya sa ginang na tila takot na takot.
Panay ang hagod ng tingin nito mula pataas-pababa na tila nagdududa kung pa sa kanya. Maging kamay niya ang tiningnan nito.
"Sure ka bang alam mong naglaba at maglinis?" hirit pa nitong tanong.
"Oo po, ma'am," aniya sa babae.
"Senyora, senyora ang tawag nila sa 'kin rito," giit nito.
"Opo, senyora," ulit ni Tyreen.
"Marga, right?" anito.
"Opo, senyora, Margarrette pero Marga na lang po," aniya aa ginang.
"Sige na, pwede ka nang magsimulang magtrabaho," anang nito.
Halos mapatalon si Tyreen sa tuwa nang marinig ang sinabi ng ginang.
"Naku, salamat po, senyora, huwag po kayong mag-alala dahil pagbubutihan ko pa ang trabaho ko," palatak ni Tyreen sa sobrang galak dahil sa wakas ay mapapasok na niya angmundo ng mga Caballero.
"Naku, huwag mong sabihing naiiyak ka pa. Katulong ang trabaho mo rito hindi boss para matuwa ka," bara ng ginang dahilan upang matigilan si Tyreen.
'Tama nga ang sabi nila tungkol sa 'yo senyora, masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo!' anang sa isipan ni Tyreen na nakatingin sa ginang.
"Manang, ituro mo sa kanya ang kanyang magiging trabaho," tawag ni Franceska sa kanilang mayordoma.
Ngumiti naman ang matanda at saka iginiya siya nito sa kusina.
Matagal niya ring pinagplanuhan ang pagpasok sa mundo ng mga Caballero at heto na siya ngayon sa mismong mansyon ng mga ito.
Mabilis siyang iginiya ng matanda sa kanyang gagawin at bilang unang gawain niya ay magluto ng hapunan nila.
Napangisi si Tyreen dahil tiyak kapag natikman ng mga ito ang luto niya ay makakalimutan nitong usisahin pa kung sino talaga siya.
Mabilis ang naging galaw na tila expert sa kusina, tahimik lang naman si Manang Ingga habang nakamasid sa kanya at nang ipatikim rito ang niluto matapos ng halos isang oras sa kusina ay napangiti ang matanda saka nag-thumbs up.
"Kayang-kaya mo naman pala, akala ko ay wala kang alam na trabaho dahil maganda ka at ang kinis ng balat mo, para kang anak mayaman," bulalas ng matanda. Doon napagtanto kung bakit ganoon na lamang ang tingin ni Mrs.Caballero sa kanya.
Matapos magluto ay nagpresenta si Tyreen na tumulong kay Manang Ingga na magtupi ng mga bedsheet at nang matapos ay inutusan siya nitong iayos ang mga 'yon sa lagayan.
Medyo mataas ang kabinet kaya hirap siyang abutin kaya tumuntong siya sa mono block na nasa gilid, mukhang tuntungan rin nila 'yon. Kaya lang bigla ay nawalan siya nang balanse.
"A-Aaaayyy!" malakas na tili niya nang bigla ay may salo sa kanya. "Manang—" putol na wika. Akala niya ay si Manang Ingga, 'yon pala ay isang guwapong lalaki at mukhang napakabango pa kahit ito ay pawisan.