Kanina pa naka-upo sa kama si Cleo habang nakatingin sa saradong pintuan ng kuwarto n'ya. Nasa labas lang si Skyler ayaw nitong umuwi dito daw ito matutulog. Hindi naman nito ipinilit ang sarili sa kanya tulad ng madalas nitong gawin noon sa kanya na dinadaan s'ya sa tukso. Kanina pa lang hapon kausapan na n'ya si Mama Stacey at sinabi nito ang naging encounter ng mag-ama sa mall kaya inihanda na n'ya ang sarili in case na mangyari nga ito. Kilala ni Cloud ang sarili nitong Daddy, wala s'yang inilihim kay Cloud. Iminulat n'ya rito kung paano sila nag kakilala ng Daddy nito at kung paano s'yang umalis at inilihim ang pag bubuntis rito. Matured mag-isip si Cloud, kumpara sa ibang bata siguro dahil sa loob nito ng camp site lumaki at puro lalaki at mga stickto ang mga naging tatay-tatayan ni