Agad naman sana iiwas si Cloud ng makita ang ama pero sutil naman si Skyler na tahimik na sinundan si Cloud kung saan ito mag punta. Napapangiti na lang ang mga mang gagawa na gumagawa ng kuwarto n’ya na nag paalam na at babalik na lang daw bukas at last na daw ng mga ito bukas at bukas din daw darating ang lahat ng bagong furnitures na ilalagay sa kuwarto. “Leave me alone.” wika pa ni Cloud. “Bakit hindi naman kita sinusundan nag-iisip ako may problema kasi ako nag-iisip ako.” “Then stop following me, it’s annoying.” “Bakit ba ayaw mo sa akin? Sabihin mo para makapag-adjust ako?” wika naman ni Skyler na ikinalingon ni Cloud. “I want to go back sa US sana sumama na lang ako kay Mama Stacey.” “Iiwan mo ang nanay mo dito mag-isa.” “Hindi s’ya mag-isa, She’s with you.” “Nag seselos k