Paalam

2390 Words
"Are you in love with him." tanong ni Railey habang nakahiga ito sa hospital bed nito. Kung kelan ngayon ang flight n'ya saka naman na hospital ang kapatid n'ya. Hindi naman ito mamatay kaya itutuloy pa rin n'ya ang pag-alis kahit harangan pa s'ya ng sibat aalis pa rin s'ya. "Kanino?" patay malisyang tanong ni Cleo. Hindi umimik si Railey kaya nanahimik lang din si Cleo. "Wag kang tatawag sa akin na umiiyak dahil gusto mo ng umuwi ha, dahil ibabalot kita sa sako at ipapadala sa North Korea." banta pa ni Railey sa kapatid. Mag sasalita na sana si Cleo ng mag datingan ang mga kaibigan ng kuya n'ya, nag tama pa ang paningin nila ni Skyler na after ng araw na iyon hindi na n'ya ito nakita. Buminilis ang t***k ng puso n'ya sa kabila ng lahat ng sama ng loob na nararamdaman n'ya para rito. Na realize rin naman n'ya, ano bang kasalanan ni Skyler? Sino ba ang unang nag initiate ng first move, s'ya din naman. Hindi naman s'ya papatulan ni Skyler kung hindi s'ya ang tumukso rito kaya sa madaling salita, walang kasalanan si Skyler. Walang ibang sisihin kundi s'ya lang, wala din naman sinabi si Skyler na umasa s'ya na meron sila. Masyado s'yang nag assume ng isang bagay na hindi kayang ibigay ni Skyler. "Aalis na ako bahala ka na sa buhay mo Mani, matanda ka naman na kaya si Ate Megan na ang bahala sa'yo. Balitaan mo na lang ako kapag lumabas na ang pamangkin ko." huminga ng malalim si Cleo saka yumakap sa kapatid bago isa-isang humarap sa kaibigan ng kapatid n'ya na halos mga naging kuya na rin n'ya sa loob ng halos 2 years din na pag babantay ng mga ito sa kanya. Napalabi pa s'ya ng isa-isang binatukan pa s'ya ng mga ito na parang bata. Pag tapat kay Skyler tumikwas lang ang nguso n'ya at inirapan na ito saka lumabas na ng kuwarto. "Pakihatid mo muna sa airport baka mag patanga-tanga pa." utos ni Railey kay Skyler na tahimik lang hindi pa agad ito sumunod na parang lutang pa kung hindi pa ito siniko ni Dennis hindi pa ito aalis. ******** "Maraming delikadong lugar sa Chicago, umiwas kang umuwi ng mag-isa lalo na sa gabi. Hindi porket wala ang kuya mo dun para bantayan ka malaya mo ng magagawa ang lahat ng gusto mo. Wag mong bigyan ng sakit ng ulo si lola, hindi ka na bata Cleo." wika pa ni Skyler habang nasa malapit na sila sa airport. "Kahit saan lupalop pa ng mundo ako pumunta maraming lugar ang delikado kahit nga sa loob mismo ng bahay delikado rin." sarcastic na sagot ni Cleo na hindi maiwasan iparungin ni Cleo kay Skyler na parang walang narinig. "Iwasan mo ang pag boboyfriend makakasira lang ng pag-aaral mo ang pakikipag boyfriend na iintindihhan mo ba." Napalingon naman si Cleo kay Skyler na nag dadrive kung wala lang ang lola n'ya sa backseat mumurahin talaga n'ya ito. "Ikaw ang umiwas sa pang babae baka sa kalibugan mo magkaroon ka na ng AIDS." inis na bulong n'ya. "Cleo." mariin na saway naman ng Lola n'ya na mukhang narinig ng matanda ang sinabi n'ya kahit pabulong na lang yun. Nagkatinginan naman sila ni Skyler pero s'ya ang unang umiwas ng tingin. Pag dating sa airport tinulungan pa sila ni Skyler na ayusin ang mga kailangan nila. Iniwan muna nila ang lola n'ya sa VIP lounge habang nag-iintay pa sila ng flight nila. "Umalis ka na kaya ko na itong mag-isa." taboy n'ya kay Skyler. "Hindi puwede, hindi ako aalis dito hangga't hindi ako sure kung naka sakay na kayo." 'Ano bang problema mo ha! Sadya bang ganyan ka na ka manhid o sadyang makapal lang ang mukha mo. Hindi pa ba obvious na ayaw na kitang makita kaya nga aalis na ako diba. Ano pa bang ginagawa mo?" 'di na nakatiis na sikmat ni Cleo. "Wala akong ginagawa Cleo, tinutulungan lang kita." "Puwes hindi ko kailangan ang tulong mo." sigaw na ni Cleo ng 'di na n'ya napigilan pero sa huli s'ya na din ang napahiya dahil napatingin na sa kanila ang ibang taong naroon. "Nang sabihin kong mahal kita, seryoso ako dun." mariin na wika ni Cleo at pigil na pigil na tumaas ang boses n'ya. "Ginawa ko ang lahat para wag umasa sa iba, pero sabi ko sa sarili ko ng una kailangan kita at kapag sinabi ko sayo na kailangan kita, ibig sabihin I trusted you to catch me if I fall pero I really fall but you're not there to catch me. Tapos ngayon bait-baitan ka bakit para saan yan ha Skyler?" halos hindi na s'ya makahinga ng sabihin yun. Gustong-gusto na n'yang umiyak pero pinigilan n'ya. Tama na ang mga luhang inilabas n'ya. Hindi naman worth it na iyakan ang isang lalaki na hindi naman s'yang pinahalagahan. "Alam mo ba kung ano ang totoo." mahinang usal ni Skyler na nag yuko ng ulo. "I'm comfortable with you, I can be me kapag ikaw ang kasama ko. Wala akong ibang na iisip na iba basta ikaw ang kasama ko. Hindi ako perpektong tao alam ko yun at alam mo rin yun. Puwede kong sabihin na mahal kita just to make you stay pero hindi ko gagawin yun para wag ka lang masaktan. I'm an assh*** I don't want you to stay dahil natatakot ako sa'yo." wika ni Skyler na nag angat ng paningin at deretsong tumigin sa mga mata ni Cleo na namumula na halatang gusto nitong umiyak pero nag pipigil lang. "May ginagawa ka sa akin na hindi ko gusto at ayokong tangapin. I'm who I am at hindi ikaw ang mag babago nun. You were just a kid that I love f**king at hanggang dun lang dapat yun but you are changing me. And I hate it dahil hindi mo ako kayang baguhin paulit-ulit lang kitang masasaktan kaya tamang ikaw na ang lumyo at iwasan mo na ibuka yang mga hita mo kapag bigla tayong nagki_____." hindi na natapos ni Skyler ang sasabihin ng dumapo na sa pisngi n'ya ang maliit at malambot na kamay ni Cleo. Maliit lang yun pero pakiramdam n'ya pati atay n'ya na yanig sa lakas ng sampal nito. "Ito ang tandaan mo, iiyakan kita 1-2 linggo o kahit buwan pa pero oras na maka move on ako. Putrag** lang Skyler kahit umiyak ka pa ng pako sa muli natin pag kikita. Hinding-hindi na kita pag-aaksayahan ng oras at panahon ko." banda ni Cleo saka ito tinalikuran. Tahimik lang silang mag lola na naka-upo sa waiting area habang iniintay na lang nila ang ilang minuto na announcement ng flight nila. Nasa likod na upuan lang si Skyler habang nag lalaro ng cellphone nito at hindi umiimik. Pasimple pa s'ya tinanong ng Lola n'ya kung na paano ang pisngi ni Skyler kitang-kita kasi sa makinis at maputi nitong balat ang marka ng mga daliri n'ya sa pag kakasampal rito. Sinabi na lang n'ya sa lola n'ya na may nakakita sa kanila kanina at nag selos sa kanya at nagalit ang babae kaya ito sinampal. Nang sa wakas ay tinawag na ang flight nilang mag lola agad na s'yang tumayo at inalalayan ang lola n'ya. Pipila na sana s'ya sa likuran ng Lola n'ya ng hilahin s'ya ni Skyle at niyakap ng mahigpit. "If the love is really real, I’ll see you again, maybe not in weeks, months or even a year, but in some point. We’ll meet again, and next time… I’ll do it right, but for now. I'm setting you free and wishing the pain would go away." mahinang usal ni Skyler saka ito bumitaw at nauna pang-umalis at hindi na sila inintay pang makapasok. Mahinang napahikbi si Cleo habang sinusundan ng tanaw ang palabas na ng airport na si Skyler. "Cleo halika na." tumango naman s'ya at agad ng sumunod sa lola n'ya. ************ "Lola, gusto n'yo po bang ipakaon ko na kayo d'yan." "Paano si Cleo?" "Kung pumasok na s'ya sa Army hindi na s'ya makakalabas dun hanggat hindi s'ya tapos sa mga magiging mission n'ya. Probably 3-4 years ang pinaka maaga po n'yang pag-labas. Ipapaalam ko po kay Sevy dati din po s'yang US army bago ko s'ya na kilala noon." "Nag-aalala ako sa kapatid mo Rai." "Wag na po kayong umiyak lola, mukha lang pong bata at mahina si Cleo pero matatag ang babaeng yan. Ako na po ang bahala." napabuga ng hangin si Rai saka nag paalam sa matanda saka tinawagan naman si Sevy na naka ilang ring pa bago sumagot. "Buds, tulungan mo naman akong ma-locate ang kapatid ko. Pumasok atang US army baka kaya mong alamin kung totoo." "What? Ano naman pumasok sa isip ng kapatid mo at pumasok s'ya sa ganun klaseng propesyon baka 'di n'ya kayanin." "Please Sevy, kung malalaman mo ngayon mas maganda." "Sige na, tawagan kita agad. Ako na ang bahala." sagot naman ni Sevy. May tinawagan pa si Railey bakas sa mukha ni Railey ang mag-aalala sa kapatid nito. Lumapit si Megan sa asawa at hinaplos ang pisngi tumingin naman ito sa kanya at kinuha ang kamay n'ya at hinalikan. "Makinig ka Skyler. Hindi ako sigurado at wala din akong proof pero oras na malaman ko na nilawayan mo talaga ang kapatid ko, magtago ka na dahil kakalimutan kong kaibigan kita." bungad agad na banta ni Railey sa kaibigan. "Ano nanaman ba ginawa ni Cleo ako nanaman ang nakita mo." kunwari ay patay malisyang sagot ni Sky. "Pumasok ng US Army ang kapatid ko. Wala ka ba talagang kinalaman sa desisyon n'yang yun." natigilan si Skyler pero hindi n'ya ipinahalata. "Nabanggit n'ya sa akin noon na gusto daw n'ya maging pulis para daw may lisensya s'yang patayin ang babaerong gaya ko, hindi ko naman akalain na seryoso s'ya." natatawa pang wika ni Sky. "Sige lang tumawa ka lang tiyakin mo lang talagang wala kang kinalaman." "Rai, hindi ko sisirain ang pagiging mag kaibigan natin, hayaan mo na lang ang kapatid mo baka nga mas makakabuti sa kanya na maging pulis s'ya kung sakali man na dumating ang time. Papayagan ko s'yang patayin ako kung galit pa rin s'ya sa isang tulad ko. ipag tirik mo na lang ako ng kandila tuwing Nov. 1." biro pa ni Sky. "Sige na!" inis na paalam ni Rai sa kaibigan. ******* "Sevy." "Oh! Sky." nagtatakang sagot ni Sevy. Kababa lang n'ya ng call from overseas at tatawagan sana n'ya si Railey ng tumawag naman si Skyler. "Buds, diba may mga tropa kang taga US army baka naman kaya natin hugutin si Cleo, sabi kasi ni Rai pumasok daw ang kapatid n'ya sa Army." "Tumawag din sa akin si Rai pero wala naman s'yang sinabi na hugutin namin ang kapatid n'ya." "So, totoo? Pumasok ng army si Cleo?" shock na tanong ni Sky. "Unfortunately, yes at malabong mahugot natin s'ya sa loob ng walang valid reason kung bakit and beside kusang nag volunteer si Cleo na pumasok hindi s'ya ni recruit o pinilit. Ang beside hindi naman ng lahat ng pumapasok sa army nagiging army yung iba na di-disqualified or hindi fit kaya hindi pa rin naman sure kung magiging army s'ya someday."paliwanag ni Sevy. "Pero mag uundergo s'ya sa mahihirap na training diba? I was there before at nahirapan ako bilang lalaki s'ya pa kaya. Kababae n'yang tao." "Baka naman may dahilan kaya gusto n'ya, may kinalaman ka ba?" hindi agad naka sagot si Skyler. "Patay ka kay Rai kapag totoong ni r**e mo ang kapatid n'ya." "Mukha ba akong rapist." "Hindi pero tirador ka ng mga magaganda at batang babae." "Sige na babye na." biglang paalam ni Sky napailing naman si Sevy. Tingin n'ya pinakealaman talaga ni Skyler ang kapatid ni Rai, iba ang timbre ng boses nito kanina pero nag kibit balikat na lang s'ya saka tinawagan na si Railey para sabihin na totoong nasa loob na ng camp site ang kapatid nito. - - - - - - - - "Cleo is in love with Skyler." mahinang usal ni Megan ng 'di na makatiis na sabihin ang totoo kay Rai na kung sino-sino na ang tinatawagan para lang hugutin ang kapatid sa Army. Gusto pa nitong makalabas ng hospital at kaunin ang kapatid pero hindi pa ito pinayagan ng hospital kaya wala na itong nagawa. "Anong sinabi mo." nahinto sa pang pipindot sa laptop si Railey na napatingin sa asawa. Sasabihin n'ya ang ibang alam n'ya pero hindi n'ya sasabihin ang tungkol sa pakikipag s*x ni Cleo kay Skyler dahil masyado na yung personal para paki-alaman n'ya at tiyak magiging mitsa pa yun ng away. "Umamin sa akin si Cleo na in love s'ya kay Skyler noon tumira s'ya sa amin. Kaya ayaw na n'yang sumama pabalik kay Skyler dahil natatakot s'ya sa sarili n'yang damdamin. She hated Skyler dahil babaero ang kaibigan mo baka iyon ang dahilan kaya s'ya pumasok ng army para kalimutan ang feeling n'ya kay Sky." partly feeling n'ya iyon talaga ang dahilan ni Cleo kaya bigla itong pumasok sa army. "Ibig sabihin kasalanan ko?" tanong pa ni Rai tumango naman si Megan dahil tingin rin n'ya kasalanan talaga ni Railey dahil pinag katiwala nito ang kapatid sa isang taong sobra nitong pinag katiwalaan. "Babae ang kapatid mo. Guwapo at matinik sa chicks ang kaibigan mo. Kaming mga babae madaling mahulog ang loob namin sa lalaking guwapo't mabiro at hindi exemption ang kapatid mo sa sumpang iyon. Kaya kung pumasok man si Cleo sa army tingin ko excuse na lang n'ya iyon para makalimot sa 1st love n'ya." napapikit naman si Rai na sinapo ang noo. "Hindi ko na isip na possibleng ma in love s'ya kay Skyler akala ko tulad ko kapatid lang ang tingin n'ya kay Sky at nakikita ko na hindi sila nag kakasundo talaga." napahilamos ng mukha si Railey. "Hayaan mo na lang ang kapatid mo madali naman kayong makakabalita sa kanya sa loob ng base nila dahil Sevy diba." tumango naman si Railey. "Wala man lang ako nagawa para sa kapatid ko. Sa'yo pa s'ya nag sabi ng nararamdaman n'ya." "Dahil tulad n'ya babae din ako at bilang babae i suggest na let her go 18th na rin naman s'ya kaya hayaan mong gawin n'ya alam alam n'yang makakatulong sa kanya. Ang hirap kayang ma in love kung one sided lang." biro ni Megan. Napabuga na lang ng hangin si Railey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD