CHAPTER 15 CINDY's POV: NANLALAMIG ang paa ko na pumasok sa loob ng kotse ni Ninong Jacob. Para bang nanigas na rin ang buong katawan ko dahil sigurado ako na maraming itatanong sa akin ang lalaki. Kaya lang sa pagkakataong ito ay pagtataka ang siyang umapaw sa aking ekspresyon dahil hindi ko lubos maisip na magagawang sabihin ni ninong na girlfriend niya ako sa harapan ni Xandro at ng kaibigan kong si Shanara. Pati tuloy ako ay literal na nagulat nang marinig ko iyon. PINAANDAR na nga ni Ninong ang kanyang sasakyan nang pumwesto na siya sa front seat. Masyadong mabilis ang pagmamaneho nito na kulang na lang ay paliparin na ni Ninong ang kotse. Halata ko sa kanya ang gigil sa paghawak ng manibela na tila halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Hindi ko naman maibuka ang labi k