CHAPTER 6 CINDY's POV: "SAAN KA GALING? At bakit ngayon ka lang umuwi?" Ito kaagad ang bungad na tanong ni tita Mildred sa akin nang tumuntong ako sa mansion. Umuusok ang kanyang ilong at hindi maintindihan ang talim ng kanyang mata. Parang gusto niya akong saksakin dahil sa titig nito na pang-demonyo. Mag-ina nga talaga sila ni Karen dahil masyado nilang minamataan ang pagdating at pag-uwi ko. Halos mga galaw ko lagi ang binabantayan nila. Masobrahan lang ako ng ilang minuto sa pag-uwi ay para bang malaking kasalanan na agad ang ginawa ko. Inaalila na nga nila ako, tapos kinukulong pa. Wala talaga silang alam kundi ang alisan ako ng kaligayahan sa buhay. "May tinapos lang ho ako na project tita," mahinang sagot ko naman upang sana pagtakpan ko ang pagkikita namin ni Ninong. Ayokon