Pareho kaming natahimik. Humiga ako at tumitig sa bubungan. "Bata ka pa, hindi mo pa dapat iniisip 'yan." Humiga na itong muli at tumalikod sa akin. "Tama ka," tugon ko na nabuhayan nang pag-asa."Pero kung hindi pa rin maalis 'yong ganitong pakiramdam, kung hindi man darating, hahanapin ko na." Buo ang loob, malawak ang ngiti na ani ko. Ngunit mabilis na umikot si Landon. Nakita ko na lang na ang sarili ko na nasa ilalim nito. Matiim ang pagkakatitig nito sa akin. Hindi ko nakayanang makipagtitigan dito. Ang tingin ko'y sumusukong nagbaba nang tingin. Pero bumagsak iyon sa natural na mapulang mga labi ni Landon. "L-andon?" ani ko rito na sa labi pa rin nakatitig. "Bahala na!" pagkatapos nitong sabihin iyon ay pinutol na nito ang distansya sa sa pagitan ng mga labi namin at mariin