Hindi ko alam kung saan hinugot ni Landon ang mahigit 20 na katao para tumulong sa pagre-repack ng mga goods na ipamimigay namin. Sa isang bakanteng bodega kami nanatili kung saan dumating ang mga supplies at tulong-tulong na ini-repack namin. Sabi ni Landon sasama rin daw ang mga taong iyon at tutulong sa akin. Hindi naman na kailangan magkaroon ng program. Gusto ko lang maghatid ng tulong sa Barrio na iyon at sa mga katutubo na nakatira roon. "Ayos na ba ang lahat?" ngiting-ngiti na tanong ko sa mga ito. "Opo." Naisakay na rin ang mga ni-repack namin. Nakapagpahinga pa naman kami pero maaga ring kumilos para nga maghanda sa pagbyahe. "May tubig ka na ba?" tanong ni Landon nang makasakay kaming pareho sa sasakyan nito. "Yes!" ani ko sabay angat ng tumbler na hawak. Binuhay na ni