"Kumakatok ako sa pinto pero mukhang nakatulog ka na." Si Landon pa rin ang naghanda ng breakfast. 6 am ako nagising. Plano ko sanang mag-iwan na lang ng letter dito na umalis na ako. Pero pagdating ko sa kitchen upang uminom ng tubig ay naroon na ito at naghahain na. Magkaharap na kami ngayon nang magsalita ito. Iminuwestra nito ang pagkain."Kain na." "Salamat, nakatulog na kasi ako kagabi." Ani ko na nag-iwas din nang tingin dahil nagpla-play sa utak ko ang nakita ko rito sa kusina. Itangi ko man. Pamboboso pa rin ang ginawa ko kagabi. Dapat noong narinig ko 'yong halinghing ng girlfriend nito ay bumalik na ako sa kwarto. Pero hindi, eh. Hinanap ko pa talaga. "You're blushing, are you okay?" takang tanong nito. "Ah, ayos lang ako. Ganito talaga ang mukha ko, maganda." "Hindi k