"Tiyakin mo na maiinom mo ang mga vitamins na ito." Nagpa-check up agad ako. Gusto kong tiyakin na ayos lang ang baby ko. Iyon din ang first step ko para mas maging handa ako. "Yes, Doc!" excited na ani ko. Nagsisimula na rin akong magbasa ng mga books and article about pregnancy. Mag-isa man ako na hinaharap ito ngayon pero alam kong kakayanin ko. Saka darating din naman sa point na sasabihin ko sa mga magulang ko ang tungkol dito. "No extreme activities, please." Tumango-tango ako. Wala rin naman akong gana na maglalalabas ngayon. Marami pa itong bilin na talagang itinanim ko sa isipan ko. Aalagaan ko itong buhay na nabuo sa sinapupunan ko. Alam kong kapusukan ang nagtulak sa aming pareho. Pero fault namin ni Landon na naging pangahas kami. Walang kinalaman ang anak namin. Papala