"Isinama na rin po ng mga dating tauhan dito sa hacienda ang mga pamilya nila. Noon po kasing isinara ang lugar na ito pati na ang mga nanunuluyan sa kabilang parte ng hacienda ay pinaalis." Sabi ni Nanay Paula habang nagpapahanda ito nang merienda para sa mga tauhan. Naghugas na rin ako ng kamay at umupo sa bakanteng upuan. Naglalagay ng palaman sa tinapay ang mga kasambahay ganoon din si Nanay Paula. "Tutulong ka po?" gulat na ani ng isang kasambahay. Mabilis naman akong tumango rito. "Yes, I want to help. Pwede rin ba akong sumama mamaya sa paghatid ng mga 'yan?" tanong ko saka dumampot ng kutsara. "Ikaw pong bahala." Ngiting-ngiti na ani ng kasambahay. "Nasaan ba ang kasintahan mo?" sino? Pati ako napaisip kung sino ang kasintahan ko, ay oo nga pala. Kasintahan ko nga pala si L
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books