Kabanata 7

2080 Words

Tatlong linggo ang mabilis na lumipas at naging abala si Samara bilang stripper sa MariFrirz at sa kaniyang sideline. Matapos si Marisa ay dalawang babae pa ang tumawag sa kaniya at sinubukan ang loyalty ng kanilang nobyo. At hindi na nagulat pa si Samara nang ang isa sa dalawa ay hindi pinansin ang kalokohan ng nobyo at siniguro pang walang ebidensya, habang ang isa ay lantarang sinabi na ito naman daw ang uso at patatawarin niya ang nobyo niya.  Hindi malaman ni Samara kung matutuwa ba siya na nadadagdagan ang ipon niya o maiinis dahil nakakakakilala siya ng mga babaeng tanga. Tanga sa lalaki at tanga sa pag-ibig. Sila ang mga literal ba kahulugan ng bulag-bulagan at bingi-bingihan. Sa kabilang banda ay nalulungkot at naaawa rin naman siya sa mga kapwa niya babae na nagmahal lang din na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD