Nang muling magmulat ng kaniyang mga mata si Samara ay hindi na buwan at mga bituin ang nakikita niya, kung hindi ang puting kisame at ang nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa ilaw. Muli niyang naisara ang mga mata bago marahang kumurap-kurap upang sanayin ang mga mata sa ilaw. Sinubukan niyang bumangon ngunit napa-ungol nang maramdaman ang sakit mula sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan. Napalunok at napailing siya nang maalala kung ano ang nangyari. Anong oras na ba? Tanong niya sa sarili at marahang inilibot ang ulo sa paligid para lang matigilan nang makita ang kaniyang mga kaibigan at maging si Madam Fritz na tila domino sa sahig na nakadantay sa isa't-isa. Napakagat siya sa labi at nanlabo ang mga mata ngunit pinigilan ang sariling maluha. Binantayan siya ng mga ito. Imbe