NINE: SAIL

4116 Words
I was rubbing my eyes as I headed to the kitchen. Ilang oras lang ang naitulog ko kagabi kakaantay ng message ni Romano. Pagkatapos niya kasi akong ihatid sa bahay kagabi, hindi na ito umakyat pa at nagpaalam agad na uuwi na sa kanila. He received a text while we were on our way home and I could tell his mood changed drastically from then on. Gusto ko sanang itanong kung sino ang nag-text pero tinikom ko na lang ang aking bibig. Ayoko kasing isipin ni Romano na masyado akong mausisa sa pribado niyang buhay. I was expecting him to send me a good night message like he would always do. Pero kagabi ay hindi ako naka-receive ng text sa kanya. He never missed a day sending a message telling me he arrived home unscathed. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. I did try to ring him, but he was out of reach. Maalala kong kagabi ay nabanggit nito na malapit nang mawalan ng power ang phone niya. Inisip ko na lang na baka pagdating niya sa kanyang bahay ay nakatulog na agad ito at hindi na nagawa pang i-charge ang kanyang mobile phone. When I woke up this morning, it was already past nine o’clock. Nagmadali pa ako sa pag-check ng phone ko pero bumagsak lang ang aking damdamin dahil ni isang text ay walang galing sa kanya. I shouldn’t get my hopes up. Pakiramdam ko tuloy ay may mali akong ginawa sa kanya. Dahil ba sa unti-unti na akong nag-o-open up sa nararamdaman ko ay na-turn off siyang bigla sa akin? Romano was very consistent from the start. I refused to think I was played on. Hinanap agad ng aking mata si Tiya Lorna. Hindi ko ito masumpungan sa kusina. Umalis kaya ito? May pagkain na sa mesa na tinakpan ng food cover. Tiyak akong para sa akin ang mga iyon. Kumalam ang sikmura ko. Gusto ko sanang maupo at lantakan ang mga iyon pero kailangan ko munang hanapin si Tiya para humingi ng dispensa. I was a morning person not until today. Sumilip ako kanina sa bintana ng aking kwarto at tiyak akong wala sa bakuran si Tiya. Baka nasa likod at naglalaba o di kaya nagsasampay. Hindi ito gagawi sa Talipapa dahil noong isang araw lang kami namili ng mga pagkain para sa ilang araw na kunsumo. I walked towards the back door of the house. Habang papalapit ako doon ay nakarinig ako ng mga boses. Napagtanto ko na may tao sa likod. May bisita ba ang aking tiyahin? “Ano ang balak mo ngayon, kuya Norman?” Rinig kong tanong ni Tiya. She mentioned my father’s name. Nandito na ba sa Lobo si Papa? Samantalang ang sabi niya sa akin kahapon ng umaga ay sa makalawa pa ito uuwi? “Hindi ko pa alam, Lorna.” My father sighed. Sumilip ako sa screened door at nasumpungan ko ang magkapatid na parehong nakatayo at nakatalikod sa akin. “Anong hindi mo alam, kuya? Ilang beses na kitang binalaan na kapahamakan lang ang maidudulot niyan sa pamilya mo. Dapat ay hindi ka na nagpakita pa sa kanya. Ilang taon na ang nakalipas, kuya Norman. Hindi ka pa rin ba nakaka move-on?” “Trabaho lang naman talaga ang importante sa akin, Lorna. Hindi ko lang inaasahan na…” Umiling si Tiya at tinapik sa balikat ang aking ama. “Na pati ang damdamin mo sa kanya na akala mo’y matagal mo nang naibaon sa limot ay bumabalik? Kuya, wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Alam nating pareho kung ano ang kahihinatnan nito. Wala kang laban, kuya. Wala kang napala noon, higit lalo na ngayon. Alam mo ang dapat mong gawin.” “Alam ko, pero hindi ko kaya…..” “Kuya!” Napataas ang boses ni tiya and I flinched at her angry voice. Kailanman ay hindi nagtaas ng boses si tiya sa kapatid, ngayon lang. “Ano ka ba, kuya! Kaya mo! Nakaya mo noon, makakaya mo ulit ngayon! Wala ka na bang natitirang respeto sa sarili mo? Utang na loob, kalimutan mo na siya. Isipin mo ang damdamin ng iyong anak, kuya. Dapat ay hindi ito manggaling sa akin pero kung may natitira ka pang pagmamahal kay Sylvia, bumalik ka sa kanya. Deserve ni Mira na buo ang kanyang pamilya. Alam kong mapapatawad ka ni Sylvia, kuya, katulad nang kung paano mo siya pinatawad sa mga pagkukulang niya sa’yo. Hindi ako naniniwalang wala ka nang pag-ibig pa sa kanya. Naguguluhan ka lang siguro. Wag kang maging alipin ng kahapon, kuya Norman. Ibaon na natin ang lahat sa limot.” My father sighed deeply. “Susubukan ko.” Pareho na silang tumahimik. Ako naman ay unti-unting umatras palayo sa pintuan na iyon. Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. No, I refused to understand what I just heard. Nanikip ang dibdib ko. Bakit ako nasasaktan sa mga narinig kahit malabo sa akin ang takbo ng usapan nila? Bakit malakas ang pakiramdam kong may ginawang kasalanan si Papa sa amin ni Mama? At ang malaking katanungan sa aking isipan, ano ang kasalanan na iyon? Was my mother right all along? Did father really cheat on her that’s why she became cold towards him? And because I was close to my father since time immemorial, dinamay niya ako sa galit niya? I shivered with the thought. Hindi ko matatanggap kung totoo man. Hindi, hindi magagawa ni Papa iyon kay Mama. Saksi ako kung gaano niya kamahal ang aking ina. Si Mama ang may deperensiya sa kanilang dalawa. I pulled a chair and sat down. I heaved a deep sigh and let my nerves calm down. Iisipin ko na lang na hindi ko nadinig o nasaksihan ang kanilang pinag-usapan. “Mira, anak, maaga pa para gumising sa tanghali.” Pabirong sambit ni Papa na kakapasok lang mula sa backdoor ng bahay. Sa kanyang likod si Tiya Lorna na hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng nerbiyos sa kanyang mga mata. I faked a shock. “Pa! Nandito kayo? Akala ko ba sa makalawa pa ang balik mo.” Tumayo ako at sinalubong ito ng yakap. My father embraced me so tight. Tiningala ko ang aking ama and smiled at him genuinely. I could pretend that I was okay. I could pretend that the conversation did not happen. Yes, that was the right thing to do. It did not happen. I did not hear anything. Period. Hindi rin naman malabo sa akin kung ano ang totoong paksa nila at kung sinong tao ang tinutukoy nila. They didn’t mention any names aside mine and mother. My father lovingly caressed my cheek—a habit of his every time he would come home from work. Pero sa kabila ng kanyang mga ngiti, I could see the sadness in his eyes.  “Kailan ka pa dumating, Pa?” My father guided me back to the dining table. Hinintay niya munang makaupo ako bago siya humila ng upuan para sa kanya. “Kaninang madaling-araw, anak.” Tipid nitong sagot. Inilapit nito ang mga pagkain sa akin. “Kumain ka na. Lumamig na ang mga ito.” “Gusto mo bang initin ko ang sinangag, Mira?” Singit ni Tiya Lorna na tahimik lamang na nakamata sa aming mag-ama. Umiling ako. “Okay lang po ito, Tiya. Nag-almusal na ba kayo?” “Aba’y malamang. Anong oras na, o.” She said and turned around facing the kitchen counter. She was preparing something. Ngumuso ako. “Sorry naman po, Tiya.” “Puyat ka ba, Mira? May nangyari bang hindi maganda sa inyo ni Romano?” Tanong ni Papa. “Ayos naman po kami, Pa.” Nahihiyang iniwasan ko ang kanyang mapagmatyag na mga tingin. “Habang tumatagal ay palalim na palalim na ata ang pagiging magkaibigan n’yo ng batang yun. Wala namang problema sa akin dahil alam kong mabuting impluwensiya si Romano sa’yo. Alam ko rin na mabait siyang bata. Pero, Mira, hindi naman sa nagiging malesyoso ako sa inyong dalawa, pero kaibigan lang ba talaga ang pagtingin ni Romano sa’yo?” Tiya Lorna placed a cup of coffee in front of my father. Meron din siyang hawak na para sa kanya at naupo ito salungat kay Papa. “Hay naku, kuya. Kabaligtaran. Si Mira ang may pagtingin kay Romano. Lagi yang aligaga kapag alam niyang darating na si Romano ano mang oras para sunduin siya. Naku, maya’t maya kung magsuklay ng buhok. Panay tanong sa akin kung okay lang ba ang suot niyang damit o kung maayos ba siyang tignan.” Tukso ni Tiya. Mapang-asar ang kanyang mga ngisi sa akin. Hindi naman kaya ganun! “Si Tiya, humahabi ng kwento. Hindi po ako ganun, Papa.” Protesta ko. Bumungisngis si Tiya Lorna. “Wag kang mag-alala, kuya. Magkaibigan lang talaga ang dalawa. Hayaan mo na kung lagi silang magkasama ni Romano. Mas gusto ko nga iyon para hindi mainip dito sa bahay si Mira. Tsaka, malapit na magpasukan. Maghihiwalay din ang landas ng dalawang yan.” “Pero hindi mo sinasagot ang tanong ko, anak. Bakit napuyat ka?” Pormal pa rin ang tono ni Papa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan. “Mira, bakit nga ba hindi na umakyat sa bahay si Romano kagabi? Nagmamadali ba yun siya na makauwi sa kanila?” “Opo, Tiya.” “Bigla kong na-miss ang batang yun kahit araw-araw ko namang nakikita. Magaan ang loob ko sa batang yun.” Sumulyap si Tiya kay Papa. “Naikwento ko ba sa’yo na ‘Romano’ sana ang pangalan ng Papa mo? Kaso ang tatay namin, sobrang lutang at tarantang-taranta daw nung nagle-labor pa si Nanay. Kaya nung tinanong ng nars si Tatay, ‘Norman’ ang binanggit niyang pangalan imbes na ‘Romano.’ Diyos ko, nung nalaman ni Nanay muntik na daw silang maghiwalay dahil sa pagkakamaling iyon.” Bumungisngis ito. Hindi ko tuloy mapigilang mapangisi din. Bumaling ako kay Papa pero nakatikwas pa rin ang kanyang kilay, naghihintay sa sagot sa kanyang tanong. “Uhm. Napuyat po ako kasi hinintay kong magtext si Romano na nakauwi na siya ng bahay, Pa. Pero kagabi ay wala akong na-receive na message mula sa kanya. I was worried. Tinawagan ko pero out of reach ang kanyang cellphone.” Ilang segundong nakatitig si Papa sa akin na tila binabasa ang katotohan sa aking mukha. Ilang sandali pa ay tumango ito. “Hindi niya siguro nabanggit sa’yo kagabi…” Sambit nito pagkatapos ay tumitig sa kawalan. “Ang tungkol sa ano, Pa?” He sighed before he took a sip on his coffee. “Dumating kagabi ang mga magulang at kapatid ni Romano.” “Ano po? Walang nabanggit si Romano sa akin…” Then it hits me. His mood changed when he received a text last night. Hindi kaya mula iyon sa Mama niya at pinagbigay-alam ang kanilang pag-uwi? Kung ganun ay mabuti na lamang at sa likod na bakod kami dumaan at hindi mismo sa daan patungo sa malaking bahay dahil pagnagkataon ay baka makasalamuha ko pa ang pamilya nito. “Busy tiyak si Romano ngayon, anak. Ang alam ko ay plano ng pamilya na bisitahin ang factory sa Lipa.” Sambit ni Papa. “Kung ganun ay bakit po kayo nandito? Hindi n’yo po ba ipagmamaneho ang mga Senyor, Pa?” Natigilan ito. Pagkatapos ay tumiim-bagang ang aking ama. May dumaan na galit at sakit sa kanyang mukha. Hindi ko mabatid kung bakit. May mali ba sa tanong ko? “Dahil hindi ako kailangan dun.” Madiin nitong sambit. “Pero di ba po—” “Mira…” Ginagap ni Tiya Lorna ang aking palad. “Tama na muna ang mga tanong. Kumain ka na muna.” Tumango ako sa kanya. Si Papa naman ay tumayo at inabot ang aking balikat. Bahagya niya iyong pinisil. “May sasabihin ako sa’yo, Mira. Pagkatapos mong kumain ay puntahan mo lang ako sa bakuran.” Again, I nodded. Nang makaalis si Papa sa kusina, tumayo rin si Tiya at mukhang susundan ito. Nakatanaw ako sa kanyang papalayong pigura. Bakit kakaiba ang kinikilos ng magkapatid? Parang pareho silang tensyunado at tila may malaking problemang dala-dala. Dahil doon ay hindi ako makakain ng mabuti. I was hungry a while ago, but now I couldn’t even finish a fried egg. Inabot ko ang baso at uminom mula roon. Hindi ko halos nagalaw ang pagkain dahil gustong-gusto ko na agad na puntahan si Papa sa bakuran pero ayoko namang mapansin nilang naapektuhan ako. Ano kaya ang sasabihin ni Papa sa akin? May kaugnayan kaya iyon sa narinigko  mula sa usapan nila sa likod? Aaminin ba ni Papa sa akin na may ibang babae ito? Na siya ang dahilan kung bakit nanlamig si Mama sa aming dalawa? Thinking about it, I felt like I had been hit in the gut and made me want to throw up. I pushed myself to my feet. Hindi na ako makakapaghintay pa ng kahit isa pang segundo. Nagmadali akong humakbang papalayo sa kusina at lumabas ng bahay. Si Papa ay nakatalikod sa akin. Si Tiya Lorna ay nakita agad ang paglapit ko. Sumulyap ito kay Papa ng makahulugan. Umikot si Papa paharap sa akin. “Pa, sorry, pero hindi na ako makapaghintay sa sasabihin mo sa akin. I can’t eat. Kinakabahan ako, Papa.” My voice broke. He gave me a melancholic smile, but it only added pain in my heart. I hate this feeling. “Luluwas ako ng Maynila ngayon, Mira. Kakausapin ko ang Mama mo at hihingi ako ng tawad sa kanya. Magbabaka-sakali akong tatanggapin niya tayong muli sa bahay at sa buhay niya.” “Pa!” Naninikip ang dibdib ko. “Wala kang dapat na ihingi ng kapatawaran kay Mama dahil wala naman ka namang ginawang mali. Kung babalik tayo sa kanya, paulit-ulit na naman tayong masasaktan sa malamig niyang pakikitungo sa atin. Kung uuwi man ako ng Maynila, dun ako sa boarding house ni Krizette di-diretso, Papa. At kung meron mang dapat na humingi ng tawad dito, si Mama yun.” Papa Norman sighed deply. Mas lalong tumamlay ito sa aking tingin. “Buo na ang desisyon ko, Mira. Hindi ka ba naaawa sa Mama mo? Mag-isa na lang siya sa bahay. Kahit ganun iyon, alam kong mahal pa rin niya tayo. Ang kailangan ko lang gawin ay humingi ng tawad sa kanya. Dapat ay noon ko pa ito ginawa.” “Bakit ka hihingi ng tawad sa kanya, Papa? May nagawa ka bang pagkakasala sa kanya?” Hindi umimik si Papa. Nakayuko lamang ito at panay ang kanyang buntong-hininga. “Wag mong kamuhian ang iyong ina, Mira. Kung ano siya ngayon ay dahil sa akin. Kasalanan ko dahil…hindi ko naipadama sa kanya ang pagmamahal na ipinangako ko. Ang klase ng pagmamahal na buo, tapat at wagas. Hindi ko naibigay sa kanya ang buong ako, Mira. Hindi manhid si Sylvia. Sa una pa lang, alam niyang may mali sa akin. At ako naman, naging duwag ako.” “Hindi ko kayo maintindihan, Pa.” “Mira…” Tumabi sa akin si Tiya Lorna at sinampay ang braso sa aking balikat. “Masyado ka pang bata para maintindihan ang ganitong problema ng mag-asawa. Hayaan mo muna ang iyong mga magulang na magkaayos, pamangkin.” “Ayoko silang magka-ayos, Tiya! Papa! Ano ba naman kayo. Ilang beses ka nang ininsulto ni Mama, inapak-apakan ang iyong pagkatao. Titiisin mo pa rin ba ang lahat ng iyon, Pa? Paano naman po ang damdamin ko? Ako ang nahihirapan sa tuwing nag-aaway kayo ni Mama. Ako ang mas nasasaktan para sa’yo, Pa. Please naman, panindigan mo ang desisyon mong makipaghiwalay sa kanya. Okay lang talaga sa akin, Pa. Mas gusto ko ang mamuhay ng tahimik na kasama ka kaysa ang mamuhay na kasama si Mama pero hindi naman tayo masaya. Kung mahalaga tayo kay Mama, bakit hindi man lang niya magawang mangamusta man lang sa akin? Ni isang text mula sa kanya ay wala akong natanggap, Pa. Tiyak akong hindi ka rin nito tinatawagan. Please, Pa. Hayaan na lang natin si Mama.” “Mirasol.” May talim sa boses na iyon ni Papa. “Ang desisyon ko ang masusunod. Luluwas ako ng Maynila at babalik ako dito para sunduin ka. Gagawin ko ang lahat para mapatawad ako ng Mama mo kahit gumapang at lumuhod ako sa kanyang harapan.” “Pa!” Sigaw ko. Umiwas ako sa yakap ni Tiya. “Hindi ako sasama sa’yo sa Maynila! Dito ako kay Tiya Lorna titira!” Gumaralgal ang boses ko. Tinalikdan ko sila at nanakbo ako paakyat sa bahay ni Tiya. Pumasok ako sa aking silid at nag-lock ng pintuan. Dumapa ako sa kama at sinubsob ang mukha sa unan. Impit na umiyak ako. Malabo sa akin ang lahat. Hindi ko batid ang totoong dahilan ng pakikipagbalikan ni Papa. Hindi rin klaro sa akin kung sino ang may kasalanan sa kanilang dalawa. Pero iisa lang ang tiyak ko, hindi ako sang-ayon sa plano nito at hindi ako uuwi sa bahay namin sa Tondo! Inabot ko ang aking cellphone. Sana may text na mula kay Romano. Wala akong mapagsumbungan ng sama ng loob. Pero nanibugho lang din ako dahil wala akong natanggap na mensahe mula sa kanya. I dialed his number pero out of reach pa rin ito. Kumagat-labi ako at humikbi. Lahat ng mga taong mahal ko at malapit sa akin ay pinapasama ang aking loob. Bumuga ako sa hangin at hinanap ang numero ni Krizette. Gusto ko ng makakausap. “Please, be available for me.” I whispered in the air. Hustong ikalimang ring ay sumagot ang pinsan ko sa kabilang linya. “Miss me, dear cousin of mine?” Bungad niya. And that was all it took until I burst out crying again. *********   We were quietly having our lunch. It was actually a late lunch dahil mag-a-alas dos na ng tanghali. Hinintay nila akong dalawa na lumabas sa aking silid. Kanina pa ako kinakatok ni Tiya pero hindi ko siya pinagbuksan. I then realized that I was being childish. And if I wanted them to take me seriously, I should have acted the right way. “Anak, di-diretso na ako sa terminal pagkatapos nito.” Salita ni Papa sa unang pagkakataon mula kaninang tinalikuran ko sila. Tumango akong hindi tumitingin sa kanya. “Okay, po. Take care sa biyahe, Pa.” Bumuntong-hininga si Papa at ginagap niya ang aking palad. “Wag nang magtampo kay Papa, nak. Gusto kong ayusin ito habang kaya ko pa. Please, give me a chance one last time. Para din naman sa kapakanan mo ang lahat ng ito, Mira. Pangako ko, kung hindi pa rin makakabuti sa’yo ang resulta ng hakbang kong ito, ikaw na ang pakikinggan ko sa susunod. Dito na kita patitirahin kapiling ang tiya mo.” “Napag-usapan na namin ito ng Papa mo, Mira.” Singit ni Tiya. “Ano man ang mangyari, nandito lang ako para alalayan at suportahan ka, pamangkin. Pero nakikiusap din ako, bigyan mo pa ng isa pang pagkakataon ang mga magulang mo na itama ang kanilang relasyon. Naniniwala akong dahil lamang sa kakulangan ng kumunikasyon kaya sila hindi nagkaintindihan.” Isa pa itong si Tiya. Bakit nag-iba ang ihip ng hangin? Dati-rati ay siya itong numero unong nanggagalaiti sa galit kay Mama tuwing nagkukwento ako sa mga ganap sa bahay. “Kaya nga, nakapagdesisyon akong mag-resign sa trabaho ko bilang personal driver ni Leona—ng Senyora. Gusto kong ilaan ang oras ko sa iyong Mama, Mira.” Saglit akong natigilan. Magre-resign si Papa? I wanted to voice out my question, but I decided to keep it to myself. “Kayo po ang bahala, Pa.” “Malapit na rin ang pasukan. Gusto kong bago ka umuwi sa bahay natin sa Tondo, maayos na kami ng Mama mo.” Gusto kong ngumiwi pero pinigilan ko ang aking sarili. Gusto kong magsuplada pero hindi ako ganung klaseng anak. Ako yung tipong iniipon lamang sa dibdib ang sama ng loob at patatagin ang sarili hanggang kaya ko. Pero kanina sa bakuran, I did lose my grip and I hated myself for that. Malapit na pala ang pasukan. Kung masusunod ang plano ay may walong araw na lang akong ilalagi dito sa Lobo bago lumuwas pa-Maynila. Within those eight days, anong mangyayari sa amin ni Romano? I snorted internally. Hindi ko nga mahagilap ang taong yun. Bahala siya. Pag nagpakita yun dito, hinding-hindi ko siya kakausapin. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Papa sa amin. He kissed me on the forehead, and I almost teared up. Hindi ko talaga kayang tikisin si Papa ng ganung katagal. Para kasi sa akin, siya lang ang magulang ko. Ang nag-iisa kong sandalan. “Mira, ako’y may lakad mamayang hapon. Gusto mo bang sumama sa akin?” Aya ni Tiya. She was probably referring to the community service. Kung sa ibang pagkakataon ay baka sasama ako lalo na’t wala namang Romano na magpapakita sa akin ngayong araw. Pero dahil mabigat pa rin ang loob ko at hindi pa ako tuluyang nakaka-recover sa mga ganap ngayong araw, tumanggi ako sa kanyang imbitasyon. “Gusto ko pong matulog, Tiya. Hindi po ako nakatulog ng maayos kagabi.” Lumapit ang aking tiyahin sa akin at pinaloob sa kanyang mga palad ang aking maliit na mukha. “Hmm…nagtatampo ka ba kay Romano, Mira?” Umiling ako. “Mas nag-aalala po ako sa kanya, Tiya. Hindi po ako mapalagay hangga’t wala akong balita sa kanya. Kung pwede lang sanang puntahan siya sa bahay nila gagawin ko po. Kaso alam kong hindi ubra sa pagkakataong ito.” “Hangga’t hindi mo pa alam kung ano ang totoong rason, wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano, Mira. Hintayin muna natin ang paliwanag niya. Baka sobrang busy lang talaga ng kaibigan mong yun. Baka nga nasa Lipa na iyon sa mga oras na ito.” Ngumuso ako. “Ganun na nga lang po.” Pero seriously, gaano ba kahirap magreply? Wag lang talaga magpakita sa akin ang lalakeng yun, babatukan ko yun. Nasa cottage pa naman niya ang sketchbook ko. Wala tuloy akong magawa para pampalipas ng oras. “Umidlip ka muna. Ako na bahala sa kusina. Gigisingin na lamang kita kapag paalis na ako mamaya ha.” That’s it. Itutulog ko na lang ang lahat ng ito! “Sige po. Thank you, Tiya.” I immediately went to my room and lay down on the bed. Kumikirot ang aking ulo. Siguro nga dahil kulang ako sa tulog at sa mahabang oras na iniyak ko kanina habang kausap ko si Krizette. Hindi nagtagal ay ramdam ko agad ang pamimigat ng aking mga talukap. I became uneasy in my sleep. I felt like someone was watching me. Lumundo ang gilid ng kama. My brows furrowed. I wanted to open my eyes, but I decided to sharpen my senses to the surroundings. “Hey, sleepyhead. Please wake up now. We still have a boat to sail.” His deep-baritone voice resonated through my ears. He softly caressed my cheek. That’s when I fluttered my eyes open. Romano’s smiling face welcomed me. I was a little bit disoriented, but I knew my eyes were not fooling me. I could even recognize the cologne he was always wearing. “Romano?” My voice was a little bit hoarse. I pulled myself up and leaned my back against the headrest. “Hi, babe.” Hi? Hi daw? What I did surprise us both. Using my both hands, I grabbed my pillow and hit him hard on the face. Ilang beses kong ginawa yun na halos ikahulog niya sa kama. Ginawa niyang pananggalang ang kanyang mga braso. “What the f----k, Maya?! Stop it!” “Stop it mo mukha mo! Pagkatapos mo akong pag-alalahanin, susulpot ka dito na parang kabute? Utot mo, Romano!” He chuckled at my outburst. “Stop it.” Inagaw nito ang unan mula sa akin. He clutched my forearms with his strong hands, and it made me stop from moving. He moved closer to me; his face was practically inches away from mine. “Babe, I went through hell just to be here in front of you. Will you let me explain first?” Malambing nitong sabi. I tilted my face to the side, pouting. I hated myself for acting like a child, but I just couldn’t help it. “Fine.” I answered drily. “Well then, for starters, let’s pack some of your stuffs.” “Huh? Bakit? Aalis ba tayo?” He stood up but he never let go of my hand. A smirk forming on his lips. “Are you ready to set sail with me, babe?” “Sail with you? Saan tayo pupunta, Romano?” His smiles were dazzling, almost blinding me. “To the Fortress Island.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD