Hindi ko akalain na mas magiging ka-close ko pa si Ray. Naging magkaibigan na talaga kami. Nag-aasaran na rin kami at hindi na nahihiya sa group chat. May interaction na rin kami sa mga iba’t ibang post. Nakakasabay na kasi ako sa kanya about sa mga isyu, nakakapagbigay na ako ng mga opinyon ko. Para saan pa ang talino ko, ‘di ba? Kung hindi ko naman gagamitin. “Merry Christmas, Thelly. I miss you! Kailan tayo magkikita?” tinawagan ko si Thelly ngayon para kamustahin na rin. “Hi, Aly!” masigla niyang bati. “Merry Christmas din. Hindi pa ako sigurado, eh. Nasa province kasi ako ngayon…” she paused for a while. “Medyo mahina rin ang signal dito kaya hindi ako makagamit ng data. Anyway, next time na lang, ha?” “Oh, okay. Are you sure you’re okay?” Bahagya naman siyang natawa. “Oo naman!