CHAPTER 58 - LAST PART OF JULIAN'S POV Julian's POV “Bro, wala pang undas nagluluksa ka na!” “Napakaiyakin mo naman. Anak ng pucha! Babae lang ‘yon, hoy!” sabi pa ni James. Kasalukuyan kaming umiinom ngayong magto-tropa. Nasa bahay kami ni Ricky, wala ang mga magulang niya kaya malaya kaming nakapag-inom ngayon. Pagkatapos ng klase, dito talaga kami dumiretso. Nagpaalam naman ako kanila Mama na may birthday party kahit wala naman talaga kaya gagabihin ako. Ako ang pasimuno sa tropa, niyaya ko silang mag-inom. Wala e, gano’n talaga. Kapag madami ng problema, sa alak na kumakapit. Sinabi ko na rin sa kanila ang nangyari sa amin ni Alysha. Daig ko pa ‘yong mga magjojowa na nag-break, e hindi nga naging kami ni Alysha. Mas masakit nga ‘yon dahil pinapangarap ko pa naman ‘yon. Napas