bc

Harvey's Creation(Tagalog/Completed)

book_age12+
547
FOLLOW
1.7K
READ
revenge
family
brave
confident
drama
kicking
mystery
scary
genius
small town
like
intro-logo
Blurb

A 10 year-old kid who did not expect that he turned a normal earthworm into infected earthworms! Can he find a way to get rid of the infected earthworms?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Harvey's Family
Sa isang bayan ng Sta.Rama nakatira ang pamilya Carters. Si Gerardo Carters, ang daddy ni Harvey, malabo ang mga mata kaya laging may salamin. Matangkad at g'wapo. Isa siyang seryosong tao, palibhasa ay matagumpay siyang businessman kaya naman ang pagiging seryoso sa trabaho ay dala-dala niya hanggang sa bahay nila at idagdag pa ang pagiging strikto niya sa mga anak. "Puro telebisyon nanaman ang inaatupag ninyo," sabi ni Gerardo sa mga batang inabutan nito sa salang nanonood ng cartoon network. Pagkaalis nito ng coat na nakapatong sa panloob niyang damit ay kinuha nito ang remote at walang sabi-sabing pinatay ang telebisyon. "Daddy!" napatayong maktol ni Kisses, walong tanong gulang at siyang pangalawa sa magkakapatid. Ang dalawa pa nitong kapatid na babae na kambal ay bigla namang tumayo at nagtig-isang yapos sa mga paa ni Gerardo. "Daddy, pasalubong po namin!" magkapanabay na sabi ng kambal na anim na taong gulang. Pilit namang iwinawagwag ni Gerardo ang mga paa upang bitiwan siya ng kambal pero mas lalo pang nangunyapit sa mga paa niya ang mga ito. Siya namang bungad ng isang babaeng seksi, matangkad at maganda rin naman. Si Alpha Carters, ang asawa ni Gerardo at mommy nina Harvey. Maarte sa pinakamaarte ang babae. Kaya naman ang mga kapitbahay nila, ugong ang tsismisan pag napapadaan si Alpha. Kesyo maarte at maluho raw masyado. Plain housewife lang ito, bantay sa mga anak kahit pa sabihing may katulong naman sila. "Oh, honey, andiyan ka na pala," ani Alpha at humalik sa pisngi ng asawang si Gerardo. "Yhella, Yhanna, bitiwan niyo na ang paa ni daddy. Anong pasalubong nanaman ba ang hinihingi ninyo?" yukod ni Alpha sa mga bata. Bumitiw naman ang kambal at magkapanabay pa rin na nagsalita, "Pagkain po," nakalabing sagot ng mga ito. Alpha rolled her eyes, "Halos inubos niyo na ang laman ng refrigerator, pagkain pa rin ang hinahanap ninyo? Hindi naman kayo tumataba," tila iritableng sabi ni Alpha sa mga ito at saka tumungo sa kusina upang kunin ang tsokolateng itinago niya sa mga ito. Babalik na sana si Alpha sa sala upang ibigay ang mga tsokolate sa kambal nang makita nito si Harvey. "Harvey! Stop that!" nagmamadaling pinatay ni Alpha ang gas stove nila at kinuha ang kandilang nasa kamay ng panganay na anak. Dahil sa bigla niyang paghila ng kandila, natuluan ang mga kamay ni Alpha. "Ouch!" maarteng reaksiyon nito. Si Harvey Carters, nakatingin lang sa ina ng mga sandaling iyon. Para kasi sa kanya, hindi naman ganoon kasakit matuluan ng kandila. Likas lang na maarte ang mommy niya. Nakasalamin din si Harvey tulad ng ama niya. Malabo rin ang mga mata niya sa edad na sampung taong gulang. Naabutan siya ni Alpha na nilalaro ang kandila. Sinindihan niya ang kandila gamit ang stove nila. Tinutunaw niya ang kandila habang ipinapatak sa papel na naroon. Mahilig siyang gumawa ng kung ano-ano, sa katunayan, favorite subject niya ang science. May suot siyang relo at kaya niya pinapatulo ang kandila, inoorasan niya kung gaano katagal itong matutunaw. Gusto niyang malaman. Iyon lang ang dahilan, wala ng iba. "Ikaw talagang bata ka!" himutok ng ina niyang hinihipan pa rin ang daliri. Siya namang bungad ni Gerardo. "Ano nanaman bang nangyayari sa inyong mag-ina?" hindi na bago kay Gerardo ang ganoong sitwasyon ng dalawa. Katulad na lamang noong nakaraan, kumaripas ng takbo si Alpha dahil nang magpunta ito sa likod-bahay nila, bigla na lamang may tumalon sa paa nito na isang nakataling malaki at matabang palaka. Ang nagtali, si Harvey. Gusto raw kasi nitong makita sa akto ang panganganak o pangingitlog ng palaka. "Iyan, iyang anak mo! Napatakan ako ng kandila dahil nanaman sa kalokohan niya!" kunwa'y may iyak pa si Alpha. Nameywang naman si Gerardo rito. "Alpha, stop it okay? Napatakan ka lang, grabe ka nang umatungal diyan. Samantalang iyang anak mo, kahit yata ipatong niya pa sa apoy ang mga kamay niya wala kang maririnig na reklamo," imbes na si Harvey ang sermunan ay mas sinermunan pa nito ang nag-iinarteng asawa. Pagtalikod ni Gerardo ay sumunod si Harvey na hindi tinitingnan ang inang alam niyang masama nanaman ang tingin sa kanya. Nang makalabas sila ng kusina, nilingon siya ng ama at kinindatan. Napangiti rito si Harvey. Iyon ang gusto niya sa ama, istrikto ito pero hindi ganoon ka istrikto sa kanya. Seryoso at istrikto ang ama niya, kaya naman hindi niya malaman kung paanong nagkagusto ito sa mommy nilang ubod ng arte. Maybe their boyfriend girlfriend days was awesome. Napatingin naman siya sa kapatid na si Kisses na nakasimangot pa rin. Laging mababa ang grade nito sa eskwelahan, palibhasa puro panonood ng tv ang ginagawa. Kung p'wede lang sanang makakuha ng kapirasong utak ni Kisses, eeksperimentuhin niya talagang mabuti hanggang sa malaman niya kung paano siya maging matalino sa eskwelahan kahit panonood lang ng tv ang inaatupag. Kaso napaka imposible naman ng ganun. Sunod nitong tiningnan ang kambal na kapatid na sarap na sarap sa tsokolateng kakaabot lang ngayon ng mommy nila. Payat ang mga ito kahit matakaw. Kung pwede lang din sana niyang eksperimentuhin ang loob ng tiyan ng mga ito, ginawa niya na rin sana. Umakyat na si Harvey sa k'warto niya at kinuha ang libro ng science sabay higa sa kama. Gustong-gusto niya talagang maging scientist. Ang sabi ng daddy niya, nagmana raw siya sa lolo niya, ito ang ama ng daddy niya. Scientist daw ang lolo niya, kaso hindi pa niya nakikita. Simula raw kasi noong maging scientist ang kanyang lolo, nanirahan na ito sa ibang bansa kung saan ito nakapagpatayo ng sariling laboratoryo. Ibinagsak ni Harvey ang libro sa dibdib nito. Balang araw, magkikita rin sila ng lolo niya at sisiguraduhin niyang susunod din siya sa yapak nito. Malapit na ang bakasyon at excited na talaga si Harvey. Ang ibig sabihin kasi ng bakasyon sa kanya, malaya na niyang magagawa ang mga gustong gawin. Hindi agad umuwi si Harvey pagkagaling sa eskwelahan. Bumili ito ng kahong gawa sa salamin gamit ang perang ipon niya. Doon niya balak ilagay ang palakang inaabangan niyang mangitlog o manganak. Nang makabili ay sinigurado ni Harvey na hindi siya makikita ng mommy niya. Lagot nanaman kasi siya at baka kunin pa ng mommy niya ang kahong salamin. Deretso takbo siya sa likod-bahay nila. Pero nanlumo ito nang wala na roon ang palaka. Ang ginamit niyang panali sa paa ng palaka ay nakita niyang nakalaylay sa basurahan. Ibig sabihin pinakawalan ang palaka. Lumong-lumo si Harvey, hirap siyang mahuli ang palaka tapos pinakawalan lang. Halos sumubsob na siya noon mahuli lang ang palakang tila hindi napapagod sa pagtalon. Binuhat nito ang kahong salamin at itinago sa likod ng halamanan nila. May mga mahahabang d**o na rin na nagtubuan doon. Ang mommy niya hindi man lang magawang tanggalan iyon ng d**o dahil sa pagiging maarte nito. Kesyo mangangati lang daw siya. Ang katulong naman nila, hindi na rin iyon maharap sa dami ng gawain nito. Ilan nga naman silang ipinaglalaba nito, dagdag pang nakatatagal ang sobrang duduming damit ng kambal. "Aaayyyyy!" sigaw ng mommy niya ang nagpalingon kay Harvey. Dahil alam naman niyang baka kung anong kaartehan lang iyon ng mommy niya ay hindi siya nagmadaling pumasok sa bahay nila para tingnan iyon. Alam ni Harvey na silang dalawa lang doon ng mommy niya ngayon. Siguradong wala pa ang daddy niya. Ang katulong naman nilang si Manang Ermin ay siguradong hindi pa nakakauwi mula sa pagsundo sa mga kapatid niya. Dumadaan pa kasi ang mga ito sa parke at hinahayaang maglaro muna doon sina Kisses at ang kambal na sina Yhella at Yhanna. "Aaayyyyy!" sigaw muli ng mommy niya. "Haayyyy," mahinang usal ni Harvey at binilisan na lamang makapasok sa bahay nila. Pagbungad sa sala ay wala naman doon ang mommy niya. "Aayyy! Eeeewwwww!" sinundan ni Harvey ang napakaarteng sigaw ng mommy niya at nalaman niyang sa banyo nilang nasa kusina ang pinanggagalingan ng boses. Bahagya muna siyang sumilip at nakita niya kung ano ang kinadidirihan ng ina. Tuluyan siyang tumayo sa pintuan ng banyo at nangunot ang mga noo niya. Bahagyang sinasabuyan ni Alpha ng tubig ang mga bulateng naroon papunta sa drainage ng banyo nila. Bakit nagkaroon ng ganun sa banyo nila? Dati naman walang lumalabas na na ganun sa banyo. Natalsikan pa si Harvey ng tubig sa mukha niya dahil sa lakas magsaboy ni Alpha ng tubig. Bahagya niyang pinunasan ang mukha at saka kinuha ang tabo sa mommy niya. "Mom, ako na po," tila nagmamakaawang sabi rito ni Harvey. "Mabuti pa nga!" sagot naman ni Alpha na basta na lang binitiwan ang tabo. Halos talunin nito ang pintuan ng banyo makalabas lang agad. Pumasok naman si Harvey at isinara ang pinto. Bahagya itong umupo at tinitigang mabuti ang isang earthworm o bulate. Na curious nanaman siya lalo na nang makitang umangat pa ang kalahating katawan nito. May kasarian din kaya ang mga ito? Paano kaya sila dumadami? Dala ng kuryosidad ay naisipan niyang ito na lamang ang ilagay sa kahong salamin na nabili. Dahil hindi nga siya madirihin, kinuha nito sa pamamagitan ng daliri ang earthworm na isa. Saka lumabas ng banyo at dere-deretsong pumunta sa likod-bahay nila ng hindi namamalayan ng mommy niyang nakaupo sa sala dahil busy ito sa paglilinis ng kuko sa paa. Agad inilagay ni Harvey sa loob ng kahong salamin ang earthworm. Pagkatapos ay binalikan ang banyo nila upang tanggalin ang mga natira pa roon. "Tsk.tsk.tsk," pailing-iling si Gerardo habang tinitingnan ang loob ng banyo nang gabing iyon. Nasabi sa kanya ni Alpha ang pinoproblema nito sa banyo. Sa banyo sa taas na nga naligo si Alpha dahil sa pandidiri sa mga earthworm na lumalabas sa banyong nasa kusina. Agad naghanap ng screen si Gerardo upang ilagay sa ibabaw ng drainage. Sa ganoong paraan ay iniisip nitong hindi na makakalusot pa roon ang earthworms. "Daddy, hindi ba sa lupa lang dapat sila?" tanong ni Harvey sa daddy nito habang inaayos ni Gerardo ang paglalagay ng screen. "Kahit saang madumi, nandoon sila. Nag-i-stagnant lang siguro ang tubig dito sa loob kaya sila naglalabasan dito," sagot ng daddy niya. "Ano pong dapat gawin?" tanong ni Harvey. "Wala. Kailangan lang wala silang malulusutan," sagot ni Gerardo. Hinintay ni Harvey na lumalim ang gabi upang masiguradong tulog na ang mga kasama sa bahay. Bumangon ito sa kama at dahan-dahang bumaba. Pumunta ito sa likod-bahay at kinuha ang kahong salamin kung saan niya inilagay ang kinuhang earthworm sa banyo kanina. May bagong ideya siyang naiisip. Dinala niya ito sa k'warto niya. Nakita pa niyang gumapang paakyat sa tuktok ng salamin ang earthworm. Hinipo ito ni Harvey sa labas ng salamin habang nakangiti. May bago siyang pag-e-eksperimentuhan. "Gusto kong malaman lahat tungkol sayo. Aalagaan kita. Ikaw ang unang pag-aaralan ko ngayong bakasyon, malay mo, mabigyan kita ng mga paa," natutuwang sabi ni Harvey dito. Parang nakaintindi naman ang earthworm dahil bahagya pa nitong iniangat ang kalahati ng katawan. Itinago ito ni Harvey sa ilalim ng kama bago siya tuluyang natulog nang gabing iyon. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook