CHAPTER 15 Ciarly's P. O. V Lumipas ang ilang araw. Hindi kami pinapapasok sa school dahil hanggang ngayon ay ina-ayos pa rin ang school na nilubog ng baha. Araw-araw nag cha-chat ako kay sir Lenus pero simula nang makauwi ako sa amin ay hindi pa rin niya sine-seen ang mga chat ko. Iniiwasan na siguro niya ako dahil sa ginawa ko. Nakakaramdam na ako ng pagsisisi ngayon. "Ciarly!" tawag sa akin ni Mama. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa. Kasalukuyan akong nanonood ng tom and jerry dahil paborito ko iyon simula bata ako, hindi nakakasawang panoorin. "Ang cellphone mo, oh!" sabi ni Mama at inabot sa akin ang cellphone ko. Napangiti naman ako. Kakauwi lamang nila dahil namili sila sa palengke, pinagawa na rin nila ang cellphone ko. "Naks, buo na cellphone. Hindi na manghehera