CHAPTER 19 Ciarly's P. O. V Abot langit ang ngiti ko habang papalabas ako ng banyo. Suot ko lang naman ang napaka-sexy na yellow dress ko. Nagre-touch din ako para mag mukhang fresh kahit sabog talaga ako. Matagal kong pinag practice-an ang kanta na kakantahin ko. Gabi-gabi ako nag-practice at hindi ako uminom ng malamig na tubig para lang dito. "Ang ganda mo naman," sabi ni April. "Wow naman! Picture-an mo nga kami!" sabi ni Rachelyn at binigay ang cellphone niya kay Louise. "Sexy mo!" ani Anmaelyn. "Aakitin mo lang si sir Lenus e," bulong sa akin ni Shane. "Magandang suggestion 'yan!" sabi ko. "Ano ba kasing kakantahin mo?" tanong nila sa akin. "Basta!" sabi ko. Bigla namang tinawag ang contestants kaya pumunta na ako sa stage. Isa-isa na silang kumanta. May mga bumirit pa. A