CHAPTER 17 Ciarly's P. O. V Kinabukasan, Lunch break. Nagkakagulo ang lahat at napakaingay ng tugtog sa speaker. Lumabas ako dahil naiingayan ako sa kanila. Naisipan kong bumili ng Magnolia. "Pabili po Magnolia, ‘eto po ‘yong bayad," sabi ko kay Ate at binigay yung pera ko. "Kuha ka na lang," ani ate. Pumunta ako sa malaking cooler at binuksan iyon. Pumili ako ng Lemon na Magnolia. Bukod sa yellow kase ay masarap ang flavor. "Shocks," bulong ko nang maalalang hindi ako sanay magtanggal ng tansan. "Ate--" magpapatulong na sana ako kay Ate pero biglang may kung sino ang humablot sa hawak kong Magnolia. "Eh..." bulong ko nang makita si sir Lenus. Binuksan niya ang Magnolia at inabot sa akin. Para namang huminto ang mundo ko sa ginawa niya. Lalo akong na-iinlove! "S-sir.." bulong ko.